31

114 5 0
                                    

SEO RYEJIN's
POV

"Uh, excuse me. CR ang ako."

Agad na paalam ko sa kanila. Hindi ko alam na magkakilala pala si Ashley at Han.

Kung alam ko lang sana na magkakilala sila sana una pa lang iniwasan ko na si Ashley. You know, it's not that... I don't want to see Han.

Ang akin lang masyadong delikado. Namiss ko siya, oo. Pero hindi kami pwedeng mag-usap at baka malaman ng Mama niya.

Nag-ayos muna ako saglit bago pumasok ng isa sa mga cubicle. Nang matapos ako ay akmang lalabas na ako ng may marinig kong mga pumasok.

Lalabas na sana ako kung hindi ko lang narinig ang pangalan ko.

"You saw that girl? What's her name again?" Girl number 1.

"Ah, that girl. She's Ryejin based sa mga narinig ko." Girl number 2.

Anong meron sa akin? Bakit ako ang topic nila? Tss.

"Balita ko may gusto sa kanya si Bernard, ah?" Girl number 3.

"Yeah, I heard that too." Girl number 2.

"Alam ni Ashley ang gagawin. Tsaka, panigurado naman na iimbitahan siya nina Bernard mamaya." si Girl number 1.

Ashley? I got betrayed? Again? Oh, wow. What a life.

Nang umalis sila ay lumabas din ak at naghugas ng kamay. Tsaka nagtungo sa table namin ulit. I calmed myself when I sat down beside Ashley.

"Uh, hindi ko naipakilala si Ate Cristina nga pala at tsaka si Kuya Han Jisung." pakilala ni Ashley.

Walang buhay ang mga mata kong ngumiti kay Cristina at tinignan lang si Han. How can Ashley do this to me? What a traitor.

Hindi na talaga ako magtitiwala sa iba ulit kung hindi ko naman kilala o kahit kilala ko pa.

"I'm Ryejin. Nice meeting you two." I formally said.

Tahimik kaming kumain. Well, maliban kay Ashley na pilit gumagawa ng topic na sila lang naman ng Ate niya ang nagkakaintindihan.

Mukha namang mabait si Cristina but I don't like her. Si Ashley nga akala ko mabait, eh.

Biglang may kalalakihan na lumapit sa 'min.

"Hi, Ryejin." sabi ng lalaki sa gitna.

"I'm Bernard." pakilala nito.

Walang interest ko itong tinanguan. Ang pangit naman niya. Hays, maski 'yong dalawa pang lalaki sa likuran niya pangit.

Parang kilig na kilig naman si Ashley. Well, siguro type sila ng ibang babae pero ako hindi ko sila type.

"Can we invite you to-" I cutted the guy in the left off.

"No." I coldly said.

Napaawang ang labi nito. "P-pero hindi ko pa-"

"I don't care-" Ashley cutted me off.

"Hindi, hindi! Pupunta siya. Sige!" nakangiti nitong sabi.

Gusto kong umirap. Tumango naman ang mga ito.

"See you two later." sabi nung Bernard bago umalis.

"OMG! In-invite ka nila!" si Ashley.

I sharply stared at her.

"Mag-isa ka na lang, Ashley. May gagawin ako." malamig kong sabi.

Sumingit bigla si Cristina.

"Huwag mo naman sungitan si Ashley. Sasama na lang kami ni Han para hindi ka uncomfortable." mahinhin nitong sabi.

Naiinis na napasuklay ako ng buhok gamit ang daliri tsaka tumayo at iniwan sila doon. Bakit ba nangingialam ang babaeng iyon? Baka naman isa din siya sa may pakana? The fuck.

May nararamdaman akong nakatitig sa akin pero hindi ko na pinansin at naglakad na paalis.

EDITED.

 My Picture | Han Jisung Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon