O4

258 7 0
                                        

SEO RYEJIN's
POV

My gosh! Kagabi, pag hatid sa 'kin ni Han sa condo unit ko. Eh, nandoon pala si Changbin! Psh, 'yung pinsan kong mahaba ang baba. Joke! Kasama niya si Jeongin.

Si Jeongin 'yung bata na nanliligaw sa 'kin. Hindi ko nga alam bakit bigla silang nandoon kagabi, eh. Wala naman silang pasabi.

So, 'yun nga. Napahaba na naman sasabihin ko. Tsk, tsk, tsk.

So, ayun nga. Si Han. Well, naabutan ni Han sila Kuya Changbin at Jeongin. Ewan pero dumilim 'yung mukha niya at ewan pero parang galit? Tapos bigla na lang umalis ng 'di nagpapa-alam.

May galit ba siya kay Changbin? O baka kay Jeongin? Tss. Hindi naman siya pumasok ngayon, ano kayang nangyari do'n?

TIME SKIP

Natapos na ang lahat ng klase namin, but still walang Jisung! Shit. Bakit ba inaalala ko siya? Eh, friend ko lang naman siya tapos baka may pinuntahan lang o importanteng nilakad.

O baka naman galit siya? Pero bakit? Bakit siya magagalit? Anong dahilan?

Habang lutang ako ay biglang may nagsalita na ikinagulat ko.

"Hoy!" nagulat ako dahil nasa likod ko na pala si Leeknow the cat.

Bored ko itong tinignan.

"Oh?" sabi ko.

Grr. Bakit nandito 'to? Sa ibang building dapat 'to, eh.

I cleared my throat.

"Nasaan si Chan?" masungit na tanong ko.

Nakukot naman ang gwapong mukha nito.

"Ba't hinahanap mo? Taken na 'yun, oy!" sagot niya na may ngiwi effect pa.

I mentally rolled my eyes.

"Alam ko at ikaw rin naman." I fired back.

Tumawa naman ito, lmao.

"Ano pa bang ginagawa mo dito? Gabi na, ah?" nagtatakhang tanong niya.

Umiamid ako at umirap sa hangin.

"So, kung gabi na? At kung ano man ang ginagawa ko rito, wala ka na do'n. Eh, ikaw? Anong ginagawa mo dito?" mataray na sagot ko.

Ngumiwi na naman ito at tumingin sa 'kin.

"Wala ka na rin do'n." panggagaya niya sa sinabi ko.

Sarap batukan nito, eh. Walang originality, amp. Copy cat talaga.

"Ano ba 'yan." ngiwi kk.

"Joke lang. Ang totoo niyan may sakit kasi si Han squirrel my chupapi forever. Eh, ayon wala namang magbabantay sa kanya sa bahay nila tapos ayaw magpapasok ng mga katulong sa kwarto niya. Maski Mama at Papa niya 'di man lang niya pinapapasok at hindi pa siya umiinom ng gamot kahit na ang taas na ng lagnat niya." kwento ni Leeknow.

Eh? Anong problema nung Squirrel na 'yon? Maattitude, ah.

"Tara. Puntahan natin." I unconsciouly said.

Napamaang naman ito at tumingin sa 'kin ng hindi makapaniwala.

"Huh?" natatangang tanong nito.

Umirap na naman ako, bingi yata.

"Ang sabi ko halika't puntahan natin si Han." mas mabagal na pag-uulit ko.

Napatitig pa ito sa 'kin bago tumango at ngumisi ng nakakaloko.

"Okay. Sige. Tara." at hinila na niya 'ko papunta sa parking lot.

Pinasakay niya ako sa kotse niya dahil wala naman akong kotse na sarili. Pinagbuksan niya 'ko ng pinto.

Ay, gentleman din pala 'to? Nabigla lang.

HAN JISUNG'S PLACE

"Salamat, ah."

Pasasalamat ko kay Leeknow nang makarating kami dito sa bahay nina Han.

Umiling naman ito at ngumiti.

"Walang anuman. Gusto ko din kasing gumaling na 'yang si Han, eh. Panira ng bebe time, hindi ko na nga ma-date ang Bebe Crisha ko. Nagtatampo na iyon." he said.

Natawa naman ako ng bahagya dahil sa kakulitan nito. Goodluck sa Bebe niya, mukhang napakakulit ng lalaking 'to.

"Sige na. Ako na bahala. Kung kakayanin ng powers ko." pabiro na sabi ko.

Then, I remembered something.

"Nandiyan ba parents niya?" tanong ko habang naglalakad kami papasok ng bahay nila Han.

Umiling siya agad.

"Wala. Umalis kanina lang." sagot niya.

Tumango-tango naman ako. That's good, nakakahiya naman kung makikita nila ako.

"Papapasukin kaya ko?" tanong ko ulit.

Well, medyo kinakabahan pa 'ko. Siyempre, bahay ng crush ko 'to, 'no! Hinaltak naman ako ni Leeknow paakyat sa first floor ng bahay nina Han.

Wews, ang laki ng bahay nila. Mansiyon yata 'to, eh. Ang ganda pa ng designs. Huminto kami sa tapat ng isang kwarto. I gulped. Nahihinuha ko na kung kanino ang kwartong 'to. Shit, shit.

Ayoko pa mamatay.

"Pumasok ka na." utos naman ni Leeknow sa 'kin habang nangingisi sa tabi.

Hala. Ready na ba 'kong pumasok sa buhay- este kwarto niya? Huhu, nahihiya ako.

I forced a smile na nagmukhang ngiwi.

"Kakatok muna ako. Siyempre, baka naka-lock." I said, and bit my lower lip because of nervousness.

Ngumisi naman siya sa 'kin.

"Hindi naman naka-lock 'yan. Trust me. Oh, bye na kanina pa tumatawag si Bebe Crisha, eh." sabi niya at kinindatan ako.

May sasabihin pa sana ako at nakitang nagmamadali itong tinalikuran ako.

"Leeknow-" wala na nagmamadaling bumaba ang loko.

Sarap talagang batukan, eh. Huminga ako ng malalim bago kumatok.

*tok tok tok*

Wala namang nagbubukas! Akmang tatalikod na sana ako ng bigla itong bumukas.

"What are you doing here?..."


EDITED.

 My Picture | Han Jisung Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon