1. HANDA NA SI ANGELICA

1.6K 54 5
                                    


***PAALALA , huwag n'yo na lang munang pansinin ang mga nakahighlight na text sapagkat iyon ay mga suhestiyon ng editor. Pasensya na kayo at raw file lamang ang mayroon ako. Maraming salamat sa patuloy na pagtangkilik at pagbabasa.***

ISANG multo si Angelica. Naninirahan siya sa Villa Carmen, isang malaking lupain na matatagpuan sa Balete Drive sa New Manila. Sa loob ng villa ay matayog na nakatirik ang isang malaki pero lumang bahay.

Matagal-tagal na kasing walang tao sa bahay na iyon sa Villa Carmen kaya nagpasya si Angelica na doon manirahan. Ganito ang mga multo—kapag napansin nilang hindi na tinitirhan ang isang bahay, doon sila naglalagi—iniisip nilang kanila na lang ang bahay, kaysa naman mapabayaan nang tuluyan.

Biyernes ng gabi, nagising si Angelica sa pagkatok sa pinto ng kanyang kuwarto.

"Angelica, anak?"

"Inay, tuloy po kayo," sabi ni Angelica na tinapunan ng tingin ang pinto.

"Ready ka na ba, anak?" Maaliwalas ang ngiti ng nanay ni Angelica sa kanya.

Muli pang nagbukas ang pinto. Tuluyan nang pumasok ang tatay ni Angelica. "Bihis ka na, Angelica, para hindi tayo ma-late sa party."

Tuwang-tuwang sinalubong ni Angelica ang nanay at tatay niya. Pinagyayakap niya ang mga ito.

"Sige," nakangiting sabi ni Angelica. "Reading-ready na po."

ANGELICA: Ang Multo ng Balete Drive (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon