"LAHAT ng mga naririto," anang White Lady na nakatayo pa rin sa bandang itaas ng mahabang hagdanan. "Sa ano mang sandali ay magsisimula ang ating pagpupulong."
Lahat ng mga multo ay nakatingin sa White Lady. Nasa mukha ng lahat ang pagsang-ayon at pagsunod sa kanyang sinabi.
"'Nay," bahagyang hinila ni Angelica ang damit ng kanyang nanay at pagkatapos ay ang pantalon naman ng tatay niya. "'Tay?
"Ano 'yon?" halos sabay na tanong ng nanay at tatay niya.
"Bakit lagi tayong nagpupunta (pumumunta) rito tuwing kabilugan ng buwan?"
"Para magkasiyahan at magtipon-tipon," sagot ng daddy (tatay / ama?) niya.
"Para paalalahanan din tayo ng White Lady sa mga patakaran bilang mga multo dito sa Balete Drive at sa mga karatig-kalye," sagot ng nanay niya.
"Anak," sabi ng tatay ni Angelica. "Nalalaman natin sa pagpupulong-pulong na ito ang lahat ng balita tungkol sa mundo natin bilang mga multo. Makinig kang mabuti. Ikaw kasi, hindi ka nakikinig. Naglalaro ka lang sa labas tuwing magpupunta tayo rito. Puwes, ngayon, makinig ka na, ha? Makinig ka sa gaganaping pagpupulong."
Tumango si Angelica.
Pagkaraan ng ilang minuto'y naroon na ang lahat ng mga multo sa malaking bulwagan ng mansiyon. Sa entablado ay naroon ang White Lady, eleganteng nakaupo sa pinakamalaking silya. Sa bandang ibaba ng entablado ay mapapansin ang siyam na mga multong nakaupo. Ang mga ito ang bumubuo sa konseho ng mga multo sa Balete Drive.
"Ang mga itim na kuwadro," pabulong (na sabi) ng tatay (daddy / ama?) ni Angelica sa kanya.
"Ano po ang mga 'yan?" pabulong ding tanong ni Angelica na ang tinutukoy ay ang maraming mga kuwadro na nakasabit sa dingding na pawang mga kulay-itim.
"Nariyan ang mga multong may mabigat na pagkakasala. Ikinukulong sila riyan. Ang siyam na konseho ang tagahatol sa pangunguna ng White Lady," pabulong pang sagot ng tatay niya.
Kumumpas ang White Lady sa mga kuwadrong itim at pagkatapos ay nagkaroon ng mga guhit.
Napatakip ang bibig ni Angelica sa pagkagulat.
Nakita ni Angelica ang mga multong nasa larawan ng mga kuwadro. Lahat sila'y sumisigaw na sana'y pakawalan sila.
Tumayo ang White Lady at nagsimulang magsalita sa lahat. "Tayong mga multo na tinaguriang mga abay..."
"Abay?" naibulong ni Angelica sa kanyang sarili.
"...ay hindi kailanman dapat na nananakot o nananakit ng mga tao," pagpapatuloy ng White Lady. "Kapag ikaw ay sumuway, ako at ang konseho ang hahatol. Bukod sa mahabang gabi at araw na mag-isa ka lang ay nakakulong ka sa loob ng itim na mga kuwadrong iyan."
Tumingin ang White Lady sa lahat para tiyakin na narinig ng lahat ang kanyang sinabi at pagkatapos ay tiningnan ang buong konseho. "Konseho, may mahalaga ba kayong sasabihin?"
Sabay-sabay na tumayo ang lahat ng miyembro ng konseho at pagkatapos ay sabay-sabay ding nagsalita: "Tandaan ang mga patakaran."
"Bawal ang manakot sa mga tao."
"Bawal ang manakit sa mga tao. (Bawal manakit ng mga tao/Bawal saktang ang mga tao.)."
"Bawal ariin o tumira sa mga bahay na may nagmamay-ari o ng walang pahintulot. (Bawal ariin o tirhan ang mga bahay na may nagmamay-ari o nang walang pahintulot.)"
BINABASA MO ANG
ANGELICA: Ang Multo ng Balete Drive (COMPLETED)
ParanormalANGELICA: Ang Multo ng Balete Drive Kuwento ni Segundo Matias, Jr. Guhit ni Jamie Bauza