7. PAGLALARO NI COBY AT ANG DALAWANG ARAK

210 12 0
                                    


MULA noon, nadala na si Angelica—ipinangako sa sarili na kahit na kailan ay hindi na talaga siya "sasali" sa paglalaro ni Coby.

Pero may isang gabing hindi niya naiwasan na muling "sumali" sa paglalaro ni Coby.

"WOW, Daddy, talaga? Sasakay na tayo sa plane?"

Umupo si Coby sa patong-patong na mga unan sa sahig. Kunwaring nakasakay sa unan at yakap-yakap ang sinasabi niyang "daddy."

"'Ayan na, magte-take-off na tayo. Lilipad na tayo, Daddy!"

Napabaling ng tingin si Coby kay Spotty na matamang nanonood sa kanya sa kama. "Daddy, isama natin si Spotty!"

Tiningnan ni Coby ang yakap-yakap niyang kunwari ay ang daddy niya.

"Spotty, sama ka raw! Sabi ni Daddy! Halika!"

Nagpunta si Spotty kay Coby. Nagtungo at umupo si Spotty sa likod niya—sa mga patong-patong na unan.

"'Ayan na, Daddy!" kunwaring kausap ang sinasabi niyang daddy. "Magte-take-off na ang eroplano. Wow! Daddy, ang gaganda ng clouds!"

Patuloy si Coby sa paglalaro. Patuloy ang kunwaring paglipad niya sa eroplano sa ginawa niya sa nakasalansan na mga unan.

Sa likod ng kurtina, naroon si Angelica na kanina pa niya pinapanood ang naglalarong si Coby. Nagtataka siya dahil nakikita niyang naglalaro at may sinasabing "daddy" na kasama pero ang totoo'y wala naman. Si Spotty lang ang nakita niyang kalaro niya (nito? / ni Coby?).

Mayamaya, natigilan si Spotty. Nakita niya ang nakasilip na si Angelica. Tumahol ito. Tumahol nang tumahol. Tumahol na sinasabi nito na sumali si Angelica sa paglalaro.

"Sshh," babala ni Angelica kay Spotty. "Hindi ako dapat makita ni Coby. Sige. Maglaro lang kayo."

Nagtaka si Coby kung bakit tahol nang tahol si Spotty sa bandang kurtina. Huminto siya sa paglalaro. "Spotty? Bakit?"

Tumayo si Coby at lumapit sa kurtina. Hinawi niya ang kurtina at tiningnan kung ano ang tinatahulan ni Spotty. "Wala naman, ah," sabi niya kay Spotty. "Bakit ba tahol ka nang tahol?"

"Tama na, Spotty."

Pero patuloy pa rin ang pagtahol ni Spotty.

"Sshh... Huwag ka na sabing maingay," sabi ni Angelica kay Spotty. Inilapat pa ang hintuturo sa kanyang mga labi—sinenyasang huminto sa pag-iingay (ang aso).

Alam ni Angelica na hindi siya naririnig ni Coby. Tanging ang mga aso lang kasi na kagaya ni Spotty ang nakakakita sa mga multong kagaya niya.

Tiningnang mabuti ni Angelica si Spotty sa mga mata. Nanatiling nakalagay ang hintuturo sa bibig.

Huminto si Spotty sa pagtahol. Nginitian si Angelica. Pagkatapos ay humakbang si Spotty, umurong at tuluyan nang nanahimik. Tuluyan nang (na sanang) babalik na sana ito kay Coby nang bigla itong nagulat at muli pang (muling) tumahol.

Natigilan si Angelica dahil hindi na siya ang tinatahulan ni Spotty. Nakita niyang tumatahol ang aso sa kabilang dingding.

Lalo pang nagulat si Angelica nang makita ang tinatahulan ni Spotty—dalawang arak—dalawang multong arak! Alam ni Angelica na walang hangad ang mga arak kundi ang takutin si Coby.

"Mga arak, huwag na huwag n'yong gagalawin si Coby! Huwag n'yo siyang takutin!" sigaw ni Angelica sa kanila.

Biglang lumipad ang isang arak papunta sa kanya—hinarap si Angelica. Mistula itong galit na halimaw. "Pakialam mo? Eh, kung gusto namin siyang takutin!"

ANGELICA: Ang Multo ng Balete Drive (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon