4. ANG PAGDATING NI COBY

320 18 0
                                    


ISANG umaga habang naglalaro sa hardin si Angelica, nagulat siya nang makita niyang (makitang) pumasok ang tatlong tao sa kanilang gate. Dalawang babae. Ang isa ay may katandaan at ang isa naman ay higit na bata kaysa sa isa pang babae. Ipinagpalagay ni Angelica na ang dalawang babae ay maaaring mag-ina. Nakatawag-pansin sa kanya ang batang lalaking nakasunod sa kanila. Sa tingin ni Angelica, ang batang kasama ng dalawang babae ay halos kasing-edad niya. At ang isang babae naman ay tila nanay ng bata.

Dagling tumakbo si Angelica papunta sa pinto at mabilis na lumusot doon para pumasok. (Hindi na niya kailangang buksan ang pinto dahil may kakayahang lumusot ang mga multo).

"Inay! Inay!" Tumakbo si Angelica papunta sa kusina sa kinaroroonan ng kanyang nanay na kasalukuyang nagluluto.

"Bakit, anak?" tanong ng kanyang nanay.

"Angelica, bakit? Ano'ng nangyari?" tanong ng kanyang tatay na kararating lamang galing sa likod-bahay. May dala itong kahoy para panggatong na kasisibak (pa) lamang niya.

"M-may mga taong dumarating!" sabi ni Angelica.

Nagulat ang nanay at tatay niya.

"Huwag kayong maingay..." bulong ng tatay niya.

"Tatay, Nanay," sabi ni Angelica, "kailangan natin itong iligpit! Baka makita nila!"

Ang niluluto at ilang kalat sa loob ng kusina ang tinutukoy ni Angelica.

"Oo nga," halos sabay na sabi ng nanay at tatay niya.

Pinatay ni Angelica ang apoy sa kalan na lutuan at pagkatapos ay sinalok ang baga roon at itinapon sa bintana.

Pinagliligpit naman ng nanay ni Angelica ang mga platong nakahapag na (nakahain na sa hapag) sa mesa at pagkatapos ay nilagay iyon sa lagayan.

Ibinalik naman ng tatay ni Angelica ang dating kinalalagyan ng mga muwebles.

Nakita nilang pumasok ang isang bata. Si Angelica kasama ang nanay at tatay niya ay nagpunta sila sa isang sulok, pinagmasdan ang batang pumasok.

Luminga-linga ang bata sa paligid.

Pagkaraan ng ilang saglit ay pumasok ang isang aso. Nakita niya si Angelica kasama ang nanay at tatay niya. Nagsimulang tahulan ng aso ang mga ito.

Natigilan si Coby. "Spotty? Bakit ka tumatahol? Sino'ng tinatahulan mo riyan?"

Patuloy pa rin sa pagtahol ang aso sa direksiyon nina Angelica, at ng tatay at nanay niya.

"Coby?"

Boses iyon ng mommy ni Coby. Wala pang ilang saglit ay pumasok na rin siya sa kusina.

"Coby, ano'ng ginagawa mo riyan?" tanong ng nanay ni Coby pagkakita sa kanya.

"Itong si Spotty, Mommy, tumatahol, wala namang tinatahulan." Sabay karga ni Coby kay Spotty.

"Naku, ganyan daw talaga ang mga aso kapag bagong dating sa mga bahay. Naninibago lang 'yan," sabi ng lola ni Coby na kararating lang.

Hinimas-himas ni Coby si Spotty para huminto sa pagtahol.

Marahang lumapit si Angelica kay Spotty at inilapit ang mukha sa aso. Tiningnan nito ang mga mata ni Spotty. Ngintian ni Angelica ang aso. "Spotty," pabulong na sabi niya. "Mga kaibigan mo kami at hindi kaaway." Hinaplos pa niya ang ulo ng aso.

Pagkatapos titigan at kausapin ni Angelica si Spotty ay nilapitan naman niya si Coby. Tiningnan din ang mga mata nito.

Napatakip sa bibig ang nanay at tatay ni Angelica dala ng pagkagulat sa ginawang paglapit ni Angelica kay Coby.

"Coby, halika na," pag-aaya ng mommy niya. "Mag-ayos na tayo sa bagong kuwarto mo."

"Mabuti pa," dagdag ng lola niya.

Pag-alis nina Coby, kasama ang mommy, ang lola niya, at si Spotty ay hinablot si Angelica ng nanay niya.

"Ano ka ba, Angelica?! Bakit mo nilapitan ang batang 'yon? Dapat dumistansiya ka sa mga tao. Kahit hindi tayo nakikita at naririnig ng mga tao, baka makaramdam ang mga iyon," pagpapaalala ng nanay niya sa kanya.

"Angelica," dagdag ng tatay niya, "alam mo namang bawal tayong magpakita sa kanila. Baka pagalitan ka ng White Lady. Maganda na iyong nag-iingat."

Napabulong si Angelica. "Mukha kasing mabait na bata si Coby, at isa pa, ang tagal nang walang taong naninirahan sa bahay na 'to. 'Tapos may bata pang kagaya ko. Sabik kasi akong may makalaro, Inay, Itay."

"Basta, ingat lang, anak. Huwag na huwag kang magpapakita sa batang 'yon," sabi ng nanay niya.

"Bakit, Mommy?" tanong ni Angelica. "Ano ba ang gagawin sa akin ni White Lady kapag nalaman niyang nagpapakita ako sa tao?"

Ang daddy (tatay/ama) niya ang sumagot. "Narinig mo at nakita mo kagabi sa selebrasyon sa mansiyon ng White Lady. Puwede kang maparusahan. Malamang, kapag natakot sa iyo ang mga tao, baka makulong ka sa kuwadrong itim"

Huminga nang malalim si Angelica.

"Ipangako mo, anak," lumuhod ang nanay niya sa kanya para magharap (magpantay sila?). "Huwag na huwag kang magpapakita sa kanila. Baka matakot sila sa iyo. May umaali-aligid na tagabantay ang White Lady."

"Tagabantay?" tanong ni Angelica.

"Ang mga tagabantay ay mga multo ring gaya natin," salo ng tatay niya. "Sila ang umaalam, nagbabantay sa mga abay. Inaalam nila kung sino ang lumalabag sa mga patakaran ng White Lady. Kapag nalaman ng tagabantay na lumalabag ka, isusumbong ka niya kaagad sa White Lady."

"Kaya anak," alalang sabi ng nanay niya. "Sumunod ka sa patakaran nating mga abay. Delikado. Naiintindihan mo ba?"

Napaisip si Angelica, napakunot-noo.

"Naiintindihan mo ba?" paniniguro ng nanay niya.

"Opo," sagot ni Angelica.

ANGELICA: Ang Multo ng Balete Drive (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon