GAYA ng dati, kahit ilang araw na rin na namamalagi sina Coby at ng mommy at lola niya sa bahay na iyon, hindi pa rin nagsasawang nakasunod at pinapanood ni Angelica si Coby sa kanyang mga ginagawa sa bahay (hinsi pa rin nagsasawa si Angelica na sumunod at panoorin si Coby sa kanyang mga ginagawa sa buhay). Isang bagay ang nakapagbigay-pansin sa kanya (nakatatawag ng kanyang pansin): lagi nitong nakikitang gumagawa ng mga eroplanong papel si Coby.
Sa halip na itapon ni Coby ang mga papel na pinagsusulatan niya, palagi niya iyong tinutupi at ginagawang eroplano. Nililipad-lipad (Pinalilipad-lipad) niya ang mga iyon sa kanyang kuwarto.
Natutuwang tinitingnan ni Coby ang mga eroplano habang pinapalipad niya ang mga iyon. Napapangiti naman si Angelica habang pinapanood si Coby na nagpapalipad ng eroplanong papel. May nararamdamang kasi siyang kasiyahan habang pinapanood niya ito.
Minsan ay natukso si Angelica: habang pinapanood niya si Coby na nagpapalipad ng eroplano, biglang lumutang si Angelica at hinawakan ang eroplano, inalalayan ang eroplanong papel kaya tuloy-tuloy ang paglipad nito. Napanganga si Coby—ngayon lang niya nakita ang laruang papel na lumipad na bukod sa tumaas ito'y napakatagal pa nito sa ere (lumipad nang napakataas at napakatagal sa ere).
Samantala, kitang-kita ni Spotty si Angelica na hawak ang eroplanong papel para lumipad nang lumipad. Tumahol-tahol si Spotty sa direksiyon ng eroplanong papel at ni Angelica.
"Spotty, ang taas ng eroplano ko, 'di ba?!" natutuwang sabi ni Coby.
Huminto sa pagtahol si Spotty, bagkus, inaliw ang sariling panoorin na lang ang nagpapalipad na si Angelica sa eroplanong papel (inaliw na lang ang sarili sa panonood kay Angelica sa pagpapalipad nito ng eroplanong papel).
Patuloy na napapanganga si Coby—hindi makapaniwala—hanggang sa matulala at napaisip bigla. Patuloy na natutuwa sa paglipad ng eroplano. "Mommy! Mommy!"
Bigla siyang lumabas para ipakita sa mommy niya kung gaano kataas at katagal na lumilipad-lipad ang eroplanong papel sa loob ng kanyang kuwarto.
Natigilan si Angelica—alam niyang sa ano mang sandali ay darating ang mommy ni Coby. Alam niyang magtataka ang kanyang mommy kung bakit lumilipad nang ganoon ang eroplanong papel. Bigla, binitawan ni Angelica ang eroplanong papel.
Tama ang kutob ni Angelica. Ilang sandali lang ay dumating si Coby, kasama ang mommy niya.
"Mommy, tingnan mo ang eroplano ko! Ang taas ng lipad!"
Napakunot-noo ang mommy niya.
Pinulot ni Coby ang nasa sahig na eroplanong papel. "Ito!" Tinutukoy niya ang laruan. "Ang taas ng lipad kanina! Lumipad sa buong kuwarto ko!" Pinalipad niya itong muli.
Pero hindi na iyon kagaya ng dati na matagal at mataas ang paglipad.
"Anak, eroplanong papel lang 'yan. Paano 'yan makakalipad nang mataas?" sabi ng mommy niya. "Naku, anak, matulog ka na kaya. Maaga pa ang pasok mo bukas."
Napaupo si Coby sa kama at pagkatapos ay tiningnan ang laruang eroplano. Nalungkot siya dahil hindi siya pinaniwalaan ng mommy niya.
Samantala, napaurong si Angelica—hindi malaman kung magsisisi siya sa kanyang ginawang pagpapalipad sa eroplanong papel ni Coby. Gusto lang naman kasi niya'y (niyang) mapasaya si Coby—hindi inakalang tatawagin pa ang kanyang mommy para ipakita ang paglipad ng laruan.
Hanggang sa mapansin na lang ni Angelica na napahiga at napapikit si Coby—nahulog sa kanyang kamay ang eroplanong papel at tuluyan na itong nakatulog.
Nakita ni Angelica si Spotty na tahimik na nakahiga sa tabi ng kama—nakabantay kay Coby.
Pagkaraan ng ilang saglit ay humakbang papalapit si Spotty kay Angelica. Marahan naman nitong hinawakan (si Spotty? / ang aso?). Napapiit (napapikit?) at ngumiti si Spotty—dinama ang paghagod sa ulo na iyon ni Angelica.
At dama ni Angelica—marahil dahil nakita ni Spotty na pinalipad ang eroplanong papel para sa kasiyahan ni Coby—mula noo'y naisip niyang naliwanagan ang aso—na gusto lamang niyang makipagkaibigan kay Coby at wala siyang masamang intensiyon. (At nadama ni Angelica na dahil sa ginawa niyang pagpapalipad ng eroplanong papel para pasayahin si Coby, marahil ay naunawaan siya ni Spotty na gusto niya lang makipagkaibigan at wala siyang masamang intensiyon kay Coby.)
Mula noon, inisip na ni Spotty na isa ngang kaibigan si Angelica, hindi lang kay Coby, kundi pati na rin sa kanya.
BINABASA MO ANG
ANGELICA: Ang Multo ng Balete Drive (COMPLETED)
ParanormalANGELICA: Ang Multo ng Balete Drive Kuwento ni Segundo Matias, Jr. Guhit ni Jamie Bauza