13. PASKO NA!

119 13 0
                                    


BIHIS na bihis na si Coby. Suot niya ang paborito niyang (paboritong) polo na kulay-pula. Tinernuhan iyon ng kulay-puting pantalon. Nagpalagay pa siya ng pabango sa kanyang lola.

"Naku, ang guwapo-guwapo ng apo ko!" bulalas ng kanyang lola.

"Lola, sino'ng kamukha ko? Si Mommy o si Daddy?" tanong ni Coby sa kanya.

Nagkibit-balikat ang lola niya. "Basta, guwapo ka."

Nagbukas ang pinto, sumilip ang mommy niya na nakangiti.

"Mommy, parating na ba si Daddy?" tanong ni Coby.

"Malapit na siguro," nakangiti pa ring sabi ng kanyang mommy.

"Naku, teka lang, apo," baling ng lola niya sa kanya. "'Punta muna ako sa kitchen, maghahanda na 'ko para sa daddy mo."

"Sige, Lola."

Hindi maalis ang ngiti ni Coby sa kanyang mga labi. Kahit na wala na sa kuwarto ang lola niya at ang mommy niya, masayang-masaya pa rin siya—sabik talagang makita ang daddy niya.

Bumaling si Coby sa may bintanang kinatatayuan ni Angelica. Kanina pa ito nakatingin at nakikinig sa usapan nila ng kanyang lola.

"Tiyak mabait ang daddy ko. Excited na 'ko! Ano kaya ang pasalubong niya sa 'kin?" sabi ni Coby sa kanya.

"Pasalubong agad ang nasa isip mo?" Lumapit si Angelica sa kanya. Hinawakan ang balikat ni Coby. "Kahit na wala siyang pasalubong, ang importante, darating na siya—magkikita na kayo. Masaya ako para sa 'yo, Coby."

ANGELICA: Ang Multo ng Balete Drive (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon