24. ANG KAARAWAN

146 10 1
                                    


SA MALAWAK na hardin ng Villa Carmen, sa kinatitirikan ng bahay nina Coby, doon idinaos ang kanyang (kaarawan?). Masayang-masaya si Coby dahil naroon ang kanyang daddy. Itinuring niyang iyon na ang pinamasayang kaarawan niya. Bukod sa naroon ang kanyang Daddy, naroon din ang kuya niya, at ang Tita Mia niya.

Abalang-abala ang mommy at lola niya sa pag-aasikaso sa pagkain at mga bisita.

Natuwa pa siya nang binigyan siya ng maraming regalo ng kanyang Daddy. Pati ang kuya niya ay binigyan niya ng bola. Sabi pa ng kuya niya, sana raw, paglaki niya, matuto rin siyang mag-basketball gaya nito.

"Oo, Kuya! Hilig ko rin naman ang basketball!" masayang sabi ni Angelico (Coby?) sa kanyang kuya.

Tuwang-tuwa pa si Angelico (Coby?) nang makita niya ang regalo ng kanyang Tita Mia—isang napakalaking cake na may eroplanong dekorasyon sa itaas.

Pagkakitang-pagkakita ng Tita Mia niya sa kanya, nilapitan niya si Coby. "Gusto mo rin daw maging piloto gaya ng daddy mo? Kaya 'ayan, nilagyan ko ng plane ang cake mo."

Bigla siyang napakayakap sa Tita Mia niya sinabing, "Maraming salamat po. Ito po ang pinakamasayang birthday ko."

Ang sumunod na pangyayari ay isang napakasayang selebrasyon ng kaarawan ni Coby. Bukod sa maraming pagkain, maraming mga bisitang nagsidalo, at pakiramdam niya kompletong-kompleto ang pamilya niya.

Kanina, pagkatapos hipan ni Coby ang kandila na may nakalagay na "9," bigla siyang napaisip.

Angelica...

Bago sumapit ang alas-dose ng gabi, bago ang selebrasyon ng kaarawan ni Coby, nag-usap sila ni Angelica sa kanyang playroom.

"Paano, Angelica," sabi ni Coby, "kapag nine years old na raw ang isang bata, 'di na makakakita ng mga multo gaya mo?"

Tumango si Angelica. "Kaya sabi ng nanay at tatay ko, maglaro raw tayo nang maglaro, kasi ilang oras na lang 'di na tayo magkikita."

Itinuloy nila ang paglalaro nila ng eroplanong papel, ganoon din ang paglalaro nila ng Lego, at kung ano-ano pang naisip nilang paglalaro sa loob ng playroom.

Sa kanyang kuwarto, nag-uusap lang silang dalawa habang tinitingnan ang kalangitan na punong-puno ng mga bituin.

"Maraming salamat, Angelica. Kasi kung hindi kita nakilala, ang lungkot ng buhay ko sa bahay na 'to."

"Salamat din, ha. Magiging malungkot din ako kung 'di kita nakilala," tipid na nginitian ni Angelica si Coby.

Pagkaraan ng ilang saglit...

"Ilang minuto na lang..."

Ang boses na iyon ay nanggaling sa nanay ni Angelica.

"Maligaya na kami ng nanay mo na hindi ka pinarusahan ng White Lady, Angelica," nakangiting sabi ng tatay ni Angelica.

"Naintindihan kasi niya ang lahat," dagdag ng nanay niya. "Malawak din ang pag-intindi ng White Lady. Nang ikuwento lahat-lahat ni Coby, naniwala siya at 'di na pinarusahan si Angelica."

Tumango si Coby. "Malaki po ang pasasalamat ko sa White Lady at hindi naparusahan si Angelica."

"At salamat din sa 'yo, ha," salo ni Angelica. "Kung 'di ka dumating, kung 'di mo ipinaliwanag sa kanya, baka nakulong na ako sa kuwadrong itim."

"Naku, malapit nang mag-alas-dose," sabi ng nanay ni Angelica. "Huwag kayong magsayang ng panahon. Dahil ilang sandali na lang ay hindi mo na makikita si Angelica, Coby."

"Mabuti pa, 'iwan na namin kayo riyan at nang makapag-usap kayong mabuti," sabi ng tatay ni Angelica.

Lumipad na umalis ang tatay at nanay ni Angelica.

Pagkaraan ng ilang sandali, biglang niyakap ni Angelica si Coby. Naramdaman ni Coby ang paghikbi ni Angelica.

"Huwag kang umiyak, naiiyak na rin ako, eh," sabi ni Coby.

At hindi nga niya naiwasan ang di rin ito mapaiyak. Pero, natigilan siya—nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niyang unti-unting naglalaho ang buong katawan ni Angelica.

"Angelica, nawawala ka na! Angelica!"

Hindi alam ni Coby kung ano ang mararamdaman. Ilang beses na sinabi sa sarili na susubukan niyang kayanin sa oras na mawala si Angelica sa kanyang paningin. Ilang beses din niyang tinanong sa nanay at tatay nito ang tungkol rito—kung bakit hindi na niya makikita si Angelica pagdating ng siyam na taon. Ganoon daw talaga, sabi ng nanay at tatay niya. Wala silang maisagot kundi—ang tao raw, nakakakita lang sila ng multo kapag hindi pa sila nakakaabot ng siyam na taon.

Hinanda ni Coby ang ganitong pangyayari—na hindi na niya makikita si Angelica pagsapit ng alas-dose ng kanyang kaarawan. Pero hindi niya lubos maisip na ganito pala ang mararamdaman niya—na ayaw na ayaw pala niyang mangyari na hindi na niya makikita kahit na kailan si Angelica.

Nakita na lang ni Coby na unti-unti ngang naglalaho si Angelica sa kanyang paningin. At hindi na rin niya maramdaman ang presensiya nito.

"Paalam... Coby..."

Ang pabulong na boses na iyon lang ang huli niyang narinig. At tuluyan na ngang nawala ang pakiramdam ng pagyakap ni Angelica sa kanya.

Hindi namalayan ni Coby na tumutulo na ang kanyang luha.

Sa kanyang harap, nakita niya si Spotty na matamang nakatingin sa kanila ni Angelica kanina pa. Ito man ay bakas ang lungkot sa "pagkawala" ni Angelica.

Marahang nilapitan ni Spotty si Coby at pagkatapos ay hinagod nito ang ulo sa paa ni Coby na para bang dinadamayan ito sa kanyang kalungkutan.

"Spotty..." Binuhat ni Coby ang kaibigang aso, kinarga at niyakap. "Spotty, umalis na si Angelica..."

Patuloy sa pag-iyak si Coby. Ipinagpatuloy ang pagyakap kay Spotty para kahit paano'y maibsan ang matinding kalungkutan sa pamamaalam ni Angelica na napamahal na sa kanilang dalawa.

Pero natigilan sila nang isang eroplanong papel ang lumipad papunta sa kanila. Dumapo iyon sa sahig.

Napakunot-noo si Coby. Pinagmasdan niya iyong mabuti. "Angelica...?"

Napansin ni Coby ang nakasulat sa eroplanong papel.

Nakita rin niya si Spotty na parang may tanong ang mukha—tinitingnan rin nito ang eroplanong papel.

ANGELICA: Ang Multo ng Balete Drive (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon