11. SA ESKUWELAHAN

151 12 0
                                    


ISA si Coby sa pinakamahusay na estudyante sa kanilang paaralan. Masipag kasi siyang mag-aral ng kanyang leksiyon at hindi gaanong mahilig sa mga gadget gaya ng mga kaklase niya. Kaya hindi naging mahirap kay Coby na sumunod sa patakaran ng eskuwelahan nila sa pagbabawal na gumamit ng gadgets lalo na pagdating sa pagbabasa. Ayon sa pamunuan kasi ng eskuwelahang pinapasukan niya, nakasisira raw sa mata ang pagbabasa sa gadget.

Mahilig magbasa ng libro si Coby, kaya madalas, kapag recess nila, magpupunta siya sandali sa library nila at doon manghihiram ng librong gustong basahin.

Dahil nga mahilig si Coby sa pagbabasa, sa tuwing naghihintay siya ng kanilang klase, sa garden, sa lilim ng mayayabong na puno siya masayang nagbabasa ng libro.

Noong araw na iyon, habang nagbabasa si Coby, bigla siyang may naramdaman sa kanyang tainga. Nasaktan siya. Nakita niya ang lastiko (goma – mas ginagamit at mas kilala ng mga bata ang salitang goma kaysa lastiko) na dumapo sa kanyang hita. Kasabay niyon ay narinig niyang nagtatawanan ang dalawa niyang kaklase na nasa likod niya sa di-kalayuan.

Alam ni Coby na nanggaling ang lastikong iyon sa dalawang kaklase niya na laging nambu-bully sa kanya. Initsa (Pinitik?) ng mga ito ang lastko sa kanyang tainga.

Palaging ganito ang dalawang bully sa kanya. Minsan ay pinapatid siya. Minsan naman ay hinahagisan (tinatapunan) ng softdrink at sasabihing hindi raw nila sinasadya, pero ang totoo naman ay sinasadya ng mga ito. Iba-iba ang ginagawa nila para i-bully at lokohin si Coby.

Wala namang magawa si Coby kundi ang hayaan na lang, tiisin ang ginagawa ng mga bully.

Muli pang hindi pinansin ni Coby ang dalawang bully—bumalik siya sa pagbabasa. Pero muli siyang initsahan ng lastiko... Mas malakas iyon dahil mas nasaktan siya.

Sa backpack ni Coby, biglang inilibas ni Angelica ang kanyang ulo. "Binu-bully ka pala rito?"

Tuluyan nang lumabas sa backpack si Angelica. "Kanina ka pa niloloko ng mga bully na 'yan. Dapat isumbong mo sa teacher mo."

"Huwag na, lalo lang akong ibu-bully," sagot ni Coby.

"Hindi, dapat isumbong mo ang mga 'yan sa teacher mo, o 'di kaya sa prinsipal, sa mommy at sa lola mo," pagpupumilit ni Angelica sa kanya.

"Baka lalo nga lang akong i-bully kapag ganitong 'di naman ako nakikita ng teacher at ng mommy ko," pangangatwiran ni Coby kay Angelica.

Natigilan ang lahat sa pagtunog ng bell. Lahat ng mga estudyante ay umalis sa garden at nagsimulang pumasok sa loob ng gusali papunta sa kani-kanilang silid-aralan.

Samantala, tumakbong tawa nang tawa ang dalawang bully.

"Susundan ko sila! Ako ang bahala sa kanila!" sabi ni Angelica kay Coby.

"Angelica!" tawag ni Coby sa kanya.

"Diyan ka lang! Masama ang kutob ko sa dalawang 'yon, eh!" Patuloy na umalis si Angelica, lumipad na sinundan ang dalawnag bullies.

Sa pasilyo nahabol ni Angelica ang dalawang bullies. Sinundan niya ang mga ito—patuloy sa pagtawa habang tumatakbo sa direksiyon ng kinaroroonan ng banyo.

Pagpasok ng dalawa sa banyo ay pumasok din si Angelica, patuloy sa paglipad.

Parang may balak na masama ang mga 'to kay Coby, patuloy na iniisip ni Angelica.

At tama nga si Angelica...

Nakita niyang dagling nagpunta sa isang cubicle ang dalawang bully. Dagling isinara ang pinto at kinuha ang isang lata na puno ng pintura. Mabilis na isinara ng isa sa mga bully ang pinto at pagkatapos ay kinuha ang isang bangko.

Nakangisi ang dalawang bully na pinagtulungang ilagay ang isang timba sa bandang itaas ng pinto. Bahagyang binuksan ng mga ito at pagkatapos ay ipinatong ang malaking lata ng pintura.

Alam na kaagad ni Angelica kung ano ang mangyayari: Aabangan nila si Coby, yayayaing pumasok ng banyo at pagkatapos ay mahuhulog sa kanya ang lata ng pintura. Mabubuhusan si Coby ng pintura!

At hindi nga nagkamali si Angelica...

Sa labas ng banyo, sa bandang pintuan, naroon ang dalawang bullies na tila inaabangan nga si Coby.

"Coby!" nakangiting sabi ng isang bully.

"Coby," sabi naman ng isa. "Bro, okay na tayo, ha. 'Di ka na namin guguluhin." Patagong kinindatan ang kasamang bully.

"Oo nga," sabi ng isa. "Sorry sa lahat ng nagawa namin."

Nakita ni Coby na nakangiti ang dalawang bullies. Ang totoo'y naguguluhan ang isip niya kung totoo ang ipinapakitang kabaitan ng mga ito sa kanya.

"Maniwala ka sa amin," sabi ng isa.

"Halika, pasok ka, games tayo!" sabi ng isa. Ipinakita nito ang cell phone at ipinakita ang games kay Coby.

"Bawal 'yan sa school, ah," dagling sagot ni Coby.

"Sshh," sabi ng isang bully. "Huwag kang maingay. Five minutes lang naman tayo. Papakita namin sa 'yo ang bagong game."

Luminga-linga si Coby, hinahanap si Angelica.

Sa huli'y naisip ni Coby na huwag na lang pumasok.

"Guso mo 'atang jumingle?" sabi ng isang bully kay Coby.

Ang totoo'y gusto nga ni Coby na pumunta ng banyo. Sa huli'y napilitian siyang pumasok.

Nang tuluyan nang buksan ni Coby ang pinto ng banyo, inaasahan ng dalawang bullies na mabubuhusan ng pintura si Coby, pero lang (laking?) pagtataka nila nang hindi ito nangyari. Dahan-dahan, sabay silang tumingin sa kinaroroonan ng pintura. Nanlaki ang mga mata nila nang makitang sa kanila bumuhos ang lata ng pintura. Bago sila nakaiwas ay sa kanila nga bumuhos iyon (bumuhos na sa kanila ang pinturang laman ng lata)!

Nagulat si Coby sa kanyang nakita. Nabatid na niya ang balak ng mga bullies ay siya ang mabuhusan ng pintura!

Nang tumingala si Coby, nakita niya na lumulutang-lutang sa ere ang lata ng pintura. Alam niyang si Angelica ang may hawak niyon. Napagtanto niya na iniwas nito sa kanya na siya ang mabuhusan—sa halip sa dalawang bullies niya iyon ibinuhos! Naisip din niya na kanina pa nasa taas ng pinto si Angelica, hawak ang lata ng pintura para hindi siya mabuhusan.

Sa gulat ng dalawang bullies, napasigaw ang mga ito. Bigla silang lumabas ng banyo. Hindi nila alam ang gagawin—hindi nila alam kung maglalakad sila o tatakbo sa pasilyo nang tuluyan! Natawa sa kanila ang ibang estudyanteng nakatingin sa kanila dahil pawang mga mata lang nila ang kanilang nakikita. Nagtinginan silang dalawa at natakot sila sa isa't isa. Bigla silang pumasok sa banyo.

Lalo pang nagulat ang mga bullies nang makita nila ang lata ng pitura na waring lumilipad-lipad na sumusunod sa kanila sa loob ng banyo. Patuloy ang pagbuhos ng pintura sa kanila. Nagtatakbo sila, nagpaikot-ikot sa loob ng banyo.

Sa ilang saglit, habang nagtatakbuhan ang bullies, nagpasya si Angelica na magpakita sa kanila.

Nanlaki ang mga mata ng bullies.

"Totoo ang nakikita n'yo, totoong multo ako," pagbibigay-alam ni Angelica sa mga bullies. "Ako ang tunay na multo at hindi kayo." Natatawa pang sabi ni Angelica. "Mula ngayon, binabalaan ko kayo, kapag binully niyo uli si Coby, hindi lang ganito ang aabutin ninyo."

Hindi nakasagot ang dalawang bullies—para silang estatwang hindi nakagalaw sa kanilang kinatatayuan.

"Naiintindihan ninyo?" paglilinaw ni Angelica sa kanila.

Tumango-tango ang dalawang bullies. Nagtinginan silang dalawa at napasigaw sa takot. Pagkaraan ng ilang saglit, kumaripas sila ng takbo palabas.

Hindi naiwasan nina Angelica at Coby ang matawa .

ANGELICA: Ang Multo ng Balete Drive (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon