"BAKIT ka narito, punong tagabantay?" tanong ng nanay ni Angelica, isang gabi habang nasa sala ito ng bahay.
"May nabalitaan akong lumalabag kayo sa batas." May pagbabanta ang tinig ng punong tagabantay.
Hindi sila nakasagot. May takot silang naramdaman sa sinabing iyon ng punong tagabantay.
"Marami sa mga tagabantay ko ang nakakakita sa inyo. Nagpapakita raw kayo sa mga tao bahay na 'to." May tigas ang boses ng punong tagabantay.
"Punong tagabantay," sabi ni Angelica na kararating lang. "Hindi naman po namin tinatakot si Coby. Natutulungan pa nga namin siya sa kanyang mga problema."
"Kahit na." Lalong nagkaroon ng galit ang tinig ng tagabantay. "Trabaho ko na pagbawalan kayo sa pagpapakita ninyo sa mga tao."
"Hindi naman po kami nanggugulo sa kanila," sabi pang muli ni Angelica.
"Kung ipagpapatuloy n'yo pa ito, makakarating ito sa White Lady. Bahala na siya sa inyo."
Nagsayaw bigla ang nanay at tatay ni Angelica para aliwin ang punong tagabantay. Kagaya ng dati, nagpasirko-sirko ang mga ito sa dingding at kisame ng bahay. Habang nanoood naman sa kanila ang punong tagabantay ay natuwa ito sa kanila.
Nang matapos ang kanilang pagsasayaw...
"Nakikiusap ako, huwag n'yo kaming isumbong sa White Lady," sabi ng nanay ni Angelica.
"Patawarin n'yo na kami," dagdag ng tatay niya. "Hindi na namin uulitin."
Biglang nawala ang ngiti ng punong tagabantay. "Hindi n'yo ako mabobola."
Natigilan sila nang...
"Spotty! Nasaan ka?" Ibinaling ni Angelica ang paningin sa may hagdanan.
Bumaba si Spotty mula sa hagdanan. Nagulat ang punong tagabantay nang makita ang medalya na nakasabit sa tali na nakapalupot (nakapulupot?) sa leeg ni Spotty.
"Spotty, halika." Lumapit si Spotty kay Angelica at kinuha ang medalya sa tali ng leeg ni Spotty. Humarap siya sa punong tagapagbantay. "Hindi po ba, ito ang hinahanap ninyo?"
"Oo!" Nanlaki ang mga mata ng punong tagabantay. Natuwa siya dahil sa wakas ay nakita na niya ang medalyang hinahanap na kinuha ng mga arak sa kanya.
Ibinigay ni Angelica ang medalya sa punong tagabantay.
"Naku, maraming salamat," nakangiting sabi ng punong tagabantay.
"Punong tagabantay, sana ay huwag n'yo kaming isumbong sa White Lady. Hindi naman po namin tinatakot si Coby."
Nanatiling nakatingin ang punong tagabantay sa medalya at pagkaraaan ng ilang saglit ay isinabit niya iyon sa kanyang dibdib at umalis.
Natuwa si Angelica, ganoon din ang nanay at tatay niya.
"Mabuti na lang anak at nakita mo ang medalya!" natutuwang sabi ng nanay niya.
"Oo nga!" bulalas ng tatay niya.
Nagyakapan silang tatlo.
"Kailangang pasalamatan din natin si Spotty. Dahil sa medalya na itinago niya, natuwa ang punong tagapagbantay. Hindi na tayo isusumbong sa White Lady," masayang sabi ni Angelica sa nanay at tatay niya.
Binuhat ni Angelica si Spotty. Pinagyayapos niya ito (Niyakap niya ito).
Natuwa ring pinagyayapos (niyakap?) ng nanay at tatay niya si Spotty dahil sa tuwa.
"Maraming salamat, Spotty!" bulalas ng nanay ni Angelica.
BINABASA MO ANG
ANGELICA: Ang Multo ng Balete Drive (COMPLETED)
ParanormalANGELICA: Ang Multo ng Balete Drive Kuwento ni Segundo Matias, Jr. Guhit ni Jamie Bauza