"ANGELICA? Angelica?"
Pagpasok niya sa kanyang kuwarto, ibinaling ni Coby ang mga tingin sa iba't ibang direksiyon—hinahanap si Angelica.
Pero hindi sumasagot si Angelica.
Tiningnan niya sa cabinet. "Angelica?"
Sa banyo. "Angelica?"
Sa ilalim ng kama. "Angelica."
"Coby!"
Tinig iyon ni Angelica. Nakita niya sa salamin. "Angelica!"
Bigla siyang nawala.
"Angelica! Nasaan ka?"
"Coby!" Nakatawa siyang nakatingin kay Angelica (Coby?).
Pagbaling ni Coby sa aquarium kung saan siya naroroon ay bigla naman siyang nawala.
"Angelica, 'wag mo 'kong pagtaguan, may sasabihin ako sa 'yo!"
Narinig niya ang pagtawa ni Angelica.
"May ibabalita ako sa iyo!"
Bigla niyang nakitang lumusot si Angelica sa isang plorera, pagkatapos ay biglang papasok, mawawala sa kanyang paningin.
"Ange—"
"Coby!"
Paglingon niya ay nasa backpack niya ito. Bigla siyang pumasok na muli (Bigla naman itong pumasok sa backpack/doon).
"Angelica, please!"
"Coby!"
Nakita niyang nasa kisame ito. Muli siyang pumasok doon.
Nagulat siya nang bigla siyang lumabas sa kanyang bulsa.
"Bulaga!"
"Angelica!"
Tumatawang nakaharap ito sa kanya.
"Angelica, tama na!"
"'Wag mo 'kong lokohin."
"'To naman, 'di na mabiro."
"Seryoso, may ibabalita ako sa 'yo."
"Ano ba 'yon?"
Nakangiting kinuha ni Coby isang papel at nagsimulang gumawa ng eropnano. Pagkalipas ng ilang saglit ay itinaas niya ang kanyang kamay at masayang bumulalas. "Yehey! December na!"
Napatingin si Angelica kay Coby. May tanong ang kanyang mukha.
"Malapit nang dumating si Daddy. Sa Pasko raw, sabi ni Mommy," pagmamayabang ni Coby kay Angelica.
Narinig nila ang eroplanong lumilipad sa kalangitan. Tumingala silang dalawa.
"Baka nakasakay diyan ang daddy mo."
"Maaari. Pero hindi pa naman Pasko."
"Malay mo naman, nakasakay siya riyan. Sabi ni Mommy, piloto raw siya. Nagpapalipad siya ng eroplano."
"Kung sa bagay."
"Gusto mo bang makita ang daddy ko?" tanong ni Coby sa kanya.
"Oo naman. Gusto kong makita kung kamukha mo siya," nakangiting sagot ni Angelica.
Kinuha ni Coby sa bulsa niya ang pitaka. "Heto, medyo luma na nga lang ang picture niya. Matagal nang ibinigay sa akin ito ni Mommy."
Tiningnan saglit ni Angelica ang larawan na ipinakita ni Coby. Pero bigla silang natigilan nang—
"Coby?"
Nagulat silang pareho nang marinig nila ang boses na iyon.
"Mommy!" gulat pa ring sabi ni Coby.
"Coby?" Nagtatakang lumapit ang mommy niya. "Sino'ng kauasap mo? Bakit nagsasalita kang mag-isa?"
Hindi alam ni Coby ang kanyang sasabihin.
"A, eh, Mommy. Wala." Tumingin siya kay Angelica.
Inilapat ni Angelica ang kanyang hintuturo sa kanyang mga labi—sumenyas, pinapaalalang huwag sabihin sa mommy niya (ni Coby) ang tungkol sa kanya, na multo ang kausap niya.
"Mommy, 'di ba, sabi mo magpupupunta dito si Daddy sa Pasko?" masayang tanong ni Coby sa mommy niya.
"Oo," nakangiting sabi ng kanyang mommy. "Iyon ang sabi niya sa 'kin."
"Dito na ba siya titira sa atin o isasama na niya tayo? Sasakay ba tayo ng plane?"Natawa ang mommy niya. "Hintayin na lang natin. Bakit, kung isasama ka ba ng daddy mo, sasama ka?"
"Oo!" natutuwang sabi ni Coby. "Pero dapat kasama ka."
"Oo naman," nakangiting sabi ng kanyang mommy.
Napangiti si Angelica—nakita niyang maligayang-maligaya si Coby dahil sa wakas, makikita na niya (nito?) ang kanyang daddy.
"Halika na sa loob," pagpapatuloy ng mommy ni Coby. "Pumasok ka na. 'Kain ka na rin." Tiningnan niya ang dumidilim na mga ulap. "Baka umulan diyan at magkasakit ka pa."
Sinenyasan ni Coby si Angelica—nagpapaalam paalis—papunta sa kabahayan.
Ngiti ang isinagot ni Angelica kay Coby habang ito ay papalayo, papunta sa loob ng bahay.
"Hindi mo ba dadalhin ang mga laruan mo sa loob?" tanong ng mommy niya.
"Hindi, 'Ma," mabilis niyang sagot. "Safe ang mga 'yan diyan. May kaibigan akong nakabantay—"
"Ano'ng sabi mo?" tanong ng mommy niya.
Nakita niyang nakasenyas si Angelica sa kanya—pinigilang muli na huwag magsabi ito tungkol sa kanya.
Mabilis na sumagot si Coby. "Wala, Mommy. Ang ibig kong sabihin, walang mangyayari sa mga laruan ko riyan. Okay lang na nandiyan. Balikan ko na lang mamaya."
Tumango-tango ang mommy ni Coby.
Tuluyan nang pumasok si Coby kasama ang kanyag mommy.
Natigilan si Angelica nang mapansing naghuhukay si Spotty sa isang bahagi ng hardin. Nagulat si Angelica nang makitang may kagat-kagat si Spotty na isang bagay na pamilyar sa kanya. Ang medalya! Ang medalya ng punong tagabantay.
Dagling nilapitan ni Angelica si Spotty.
"Naku, Spotty," natutuwang sabi ni Angelica. "Mabuti't nakita mo 'yan."
Kinuha ni Angelica ang medalya sa bibig ni Spotty.
Kinausap nang mabuti ni Angelica si Spotty. "Spotty, itago mo ito, ha?" Inilagay niya ang medalya sa tali nito sa leeg. "Kukunin ko rin 'yan at isasauli sa tunay na may-ari. Huwag kang mag-alala, hindi 'yan makikita ng mga tao. Isasauli ko 'yan sa nagmamay-ari kaagad. Naiintindihan mo? Diyan lang 'yan, at huwag mong ipamigay kahit na kanino."
Bahagya pang gumawa ng mahinang ingay si Spotty at nginitian si Angelica. Pagpapakita na naiintindihan niya at tutupad siya sa usapan nila ni Angelica.
BINABASA MO ANG
ANGELICA: Ang Multo ng Balete Drive (COMPLETED)
ParanormalANGELICA: Ang Multo ng Balete Drive Kuwento ni Segundo Matias, Jr. Guhit ni Jamie Bauza