Prologue

639 11 1
                                    


"I Quit!". Isang sigaw ang nagpalingon sa lahat. Hindi na ito bago para sa kanila.  Pang-ilan na nga ba itong si Mr. Goon sa mga school teacher dito na nag-quit dahil sa kanilang estudyante especially when you handled the most hopeless class here in Shinorikin,  the class 3D.

Ang class 3D ang pinakapasaway at pinakamagulong klase sa lahat ng klase sa Shinorikin High.  Dito nabibilang ang mga estudyanteng hindi nagtitino kahit na anong gawin ng school management.

"But Mr.  Goon, pangalawang araw mo pa lang dito.  Do you really want to quit?". Nangangambang tanong ng Head teacher.

"Hindi ko na kaya ang mga batang yun. May sarili silang mundo. Look at this? " galit na sabi ni mr . Goon habang itinuturo ang dumudugong noo. "Hihintayin ko pa bang may mas malalang mangyari sakin dito bago ako umalis.  Sorry pero buo na ang desisyon ko. I quit! ". Huling sabi nito bago nagmadaling binitbit ang lahat ng gamit at tuluyan ng umalis.

Mukha namang binagsakan ng langit ang mukha ng head teacher.  Siya na naman kasi ang malalagot sa kinatataas.

"Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa mga yun! " asar na sambit nito.  " Ika- isang daan na si Mr. Goon sa umalis dahil sa klaseng iyun. Mas lumalala ata ang 3D ngayon . Kung noon ay tumatagal pa ang mga guro sa kanila ng isang buwan ngayon halos dalawa o isang araw na lang. Pwede bang eexpel na lang silang lahat para wala na akong sakit ng ulo.?"

"Kung maaari lang gawin, sana noon pa. " sabi ng isang guro. " pEro hindi pwede, itinayo ang institusyon na ito upang mabago ang mga buhay nila. ".

Shinorikin Highs is not a typical highschool you used to know.
It's a school of hopeless and wasted students that have been dropped and kicked out from their previous school. Shinorikin's aim is to give them a chance to change. They're hoping for a miracle for a big change with those students. They're giving them a high opportunity to still graduate highschool, despite of their issues and personalities. 

"Ms. Craig? Call the Agency, sabihin mo magpadala ulit dito ng bagong guro. Sabihin mo kamu,Yung hindi natatakot sa estudyante. At yung may mahabang pasensya. "

"Okay sir. '

"Sandali lang..  Sabihin mo Yung malaki ang katawan o di kaya may background sa wrestling o di kaya sa karate ,boxing o anu pa yan..!". Hindi namang makapaniwalang tiningnan siya ng mga guro. Iniisip kung sigurado ba ang head teacher sa mga sinasabi niya?

"Sir, ipapabugbug mo ang mga estudyante? "

"Huh? Did I say that? ".. Parang wala sa sariling tugon nito at humalakhak na lang bigla.

Sa lahat ng klase sa Shinorikin,  ang class 3D lang ang hindi mapatino. Because almost of the classes of Shinorikin are well-being maliban lang sa binansagang "the notorious class" ang 3D, dahil sa mga kalukuhan nitong ginagawa sa labas man o sa loob man ng paaralan.  Marami ng umalis na guro dahil sa kakagawan nila, at ang karamihan dun ay may mga bali o sugat sa katawan. Ganyan nila i-bully ang guro nila kaya walang nakakatagal sa kanila.

Ngayong napaalis na ulit nila ang bagong  guro, Sino naman kaya ang susunod na makakaranas ng kanila kalokuhan?

Shinorikin High: The Class 3D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon