Miyuki's P. O. V
Naglalakad na ako ngayon papunta sa klase ko. At infairness din naman, may iilang estudyante akong nadaanan at ang gagalang nila. Hindi ko tuloy maiwasang maisip na sila ba talaga yung sinasabi nilang mga drop out at nakick out na estudyante sa ibang school. Hmm? May himala nga. Hehhe excited na tuloy akong makita ang mga estudyante ko kahit na alam kung hindi dapat ako maexcite kasi mukhang gulo lang ang aabutin ko sa kanila.
Nawala ang ngiti ko ng mapadako ang aking tingin sa isang nakasarang silid na may naka-vandal pang 3D na nakasulat sa pinto nito. At hindi lang sa pinto may vandal kasi kahit sa pader at ilang poste nitong labas ng silid ay meron din. Walanjo! Mga lalaki nga naman.
Huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang seradura. Napatanga naman ako sandali sa aking kinakatayuan ng mabuksan ko na ng tuluyan ang pinto. Its a mess. Nagkulay itim na ang mga pader dahil sa mga nakasulat at nakadrawing dito. Kung anu-anu din ang nakasulat sa blackboard. Ang mga silya ay hindi din naka-ayos at ang iba naman ay sira-sira na. Magulo ang klase. At ang mga estudyante ay may kanya-kanyang ginagawa o sabihin na nating may kanya-kanyang mundo. Ang iba ay naglalaro ng baraha, yung iba kumakain, yung iba nagkukwentuhan habang nakaupo sa mesa, may tulog, may nakatunganga lang at ang iba ay kung ano-anu na lang ang kinukutingting. Hindi din sila nakauniporme. Mukha silang mga gangster at goons sa pelikula. Mukhang mga tambay sa daan at higit sa lahat mukhang kaseng edad ko lang anv mga 'to.
Napahinga ulit ako ng malalim, Ni hindi man lang nila ako napapansin. Kaya sinadya ko talagang isara ang pinto ng may tunog. Kaya naman nagsilingunan sila sakin ngunit bumalik din naman agad sa kanya-kanya nilang mundo. Mga walang galang 'to ahh. Kiaga-aga mukhang mabubwisit agad ako ahh. Relax Yuki. First day mo 'to kaya relax ka lang. Okay.
Napailing na lang ako bago tumungo sa mesa ko na nagmistulan ng, hay hindi ko maipaliwanag ang itsura ng mesa ko. Anyway. Let's do this.
Inilapag ko ang mga gamit ko dun bago nagsalita. "Goodmorning Class. ". Nakangiti kong bati sa kanila pero ni isa ay wala man lang sumagot sakin o ni lumingon lamang sa presensya ko. Aba naman magmumukha ata akong invisible dito ahh. "Class..," pagtawag ko ng atensyon nila pero ang mga 'to masyadong suplado. Hmmft. "Class!!!" Medyo napasigaw kong tawag sa kanila kaya lahat sila napalingon, kaya lang ang sama ng tingin nila sakin. Hehe "Ako nga pala ang bago niyong teacher, Ako si Miyuki Sawada. Nice to meet you all.." Nakangiti kong pagpapakilala sa kanila. Pero sila tinignan lang ako with their bored eyes.
"Hindi namin tinatanong..". Biglang pagtataray nung blonde ang buhok. Aba mahilig ata to sa anime. Hehehe
"Hindi namin alam kung bakit nagpadala pa sila dito ng teacher eh hindi naman namin kailangan, ang nakakapagtaka pa isa ka pang babae. ".. Nakangisi na may panunuyang lintana naman nung medyo may katangakarang lalaki.. "Akala siguro nila hindi tayo napatol sa babae. "..dagdag pa niya sabay tawa na siyang nagpatawa din sa lahat.
Tumayo ang isa at nakangising lumapit sakin, bigla na lang niya akong kinwelyuhan kaya nagulat ako. Nagmukha tuloy akong natakot. Tss.
"Umalis ka na lang habang mabait pa kami., ".. Mabait pa pala sila sa lagay na yan. "Hmmm.. ". Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "..May itsura ang isang 'to oh..!".. Bigla kong pinalis ang kamay niyang nakahawak sa kwelyo ko kaya sila naman ang nagulat sa ginawa ko.
"Anong may itsura ang sinasabi mo? Hindi mo ba 'to nakikita?" Turo ko sa mukha ko.. "Maganda yan noh. ".. Nagkatinginan naman sila sabay bumalunghat ng tawa. Mga walang respeto talaga. Mga bwisit eh.
"Maganda daw? Hahhaahahhaa.. "
"Sira ata yan eh. "
"Magsitigil kayo! ". Sigaw ko sa kanila kaya, nawala ang tawanan." Magsisimula na ang klase kaya umayos na kayo ng upo. At ikaw bumalik ka na sa upuan mo." Utos ko sa kanila.
Bigla niya ulit akong kinwelyuhan sa inis. "Inuutusan mo ba kami? ".. He smirk😏.
Parang humuhigpit ata ang pagkakakwelyu niya sakin ahh. Papatayin ba ako nito? Huh!"Tama na yan Blaze. "Isang malamig na boses ang umagaw sa atensyon namin. Napadako ang tingin ko sa lalaking nag-uunat ng kamay sa likod na waring kakagising lang. Tumingin siya sa'min ng walang emosyon at dun ako napalunok ng laway, hindi dahil sa nakakatakot ang presensya niya kundi dahil sa ang gwapo niya. Yuki umayos ka nga! Sita ko sa sarili ko. Lumalandi pa sa isip eh. "Blaze.. " isang maawtoridad na sambit niya na nakapagpabitaw kay Blaze sakin.
"Tss..".. Irap nitong Blaze bago nakapamulsang bumalik sa upuan niya.
Napansin ko ding nawala ang ingay sa paligid. Sino ba nag lalaking 'to at mukhang siya ng sinusunod ng mga gagong 'to? Pati ako nawalan na ata ng dila. Nakaka-awkward ang katahimikang bumabalot sa silid na ito na halos pati ako ay nahiya ng magsalita. May anghel bang dumaan? Malamang sa wala dahil lungga ito ng mga alam niyo na kunga ano.
Nung napag-isipan ko ng magsalita, dun naman biglang tumayo yung lalaki sa likod at walang sabi-sabing lumabas ng silid na sinundan ng lahat ng classmate niya.
"Teka lang.. Saan kayo pupunta? Oras pa ng klase., " taranta kong tanong sa kanila at humarang dun sa natitirang estudyante na hindi pa tuluyang nakakalabas.
"Wala kang pakialam..".. Masungit na wika nung isa sabay hawi sakin sa daan.
Nanlumo naman ako ng makitang bakante na ang silid-aralan.
"Tsk! Mga bwisit yun ahh!layasan ba naman ako! kainis!".. Asar kong sabi habang napapapadyak pa sa sahig. Napailing na lang ako sa bandang huli. Maybe let's just call it a day. Wala na akong magagawa sa ngayon. Bukas ko na lang sila kukulitin..
Aja!!!
BINABASA MO ANG
Shinorikin High: The Class 3D (Completed)
Ngẫu nhiênShinorikin Highschool is not a typical highschool you used to know. It's a school of hopeless and wasted students that have been dropped and kicked out from their previous school. What if you'd become one of the teachers of Shinorikin High? Could...