Class 25: The Smile😊

200 9 0
                                        

Matt's P. O. V

Nakapanghalumbaba lang ako sa desk ko habang nakatanaw sa labas ng bintana. Hindi pa din kasi maalis sa isip ko ang nangyari noong pagpunta namin ni Yuki sa beach house namin. Its way to impossible na makalimutan ang araw na yun. Iyun na ata ang pinakamasayang araw na nangyari sa buhay ko. Nakakabakla mang aminin pero hindi ko mapigilang kiligin. Gusto kong pigilang mangiti pero kusang kumukurba ang labi ko sa saya. Ni hindi ko na nga pinapansin ang ingay sa paligid ko. Yung mga 'to kasi, hindi pa din makaget over sa mga dates nila. Ayun at ayun pa rin ang mga bukang bibig.

"Ang weird ng mga tao ngayon. Nakakainis.".rinig kong sabi ni Maki. "HOY! MANAHIMIK NA NGA KAYO! NARIRINDI NA AKO SA PAULIT-ULIT NIYONG KWENTO!".singhal niya kaya napalingon na ako sa kanila.

"Tss.. Inggit ka lang eh. Hahahha.".pang-aasar sa kanya ni Blaze.

"Nagkulong ka lang siguro sa bahay niyo noong weekends anoh? Hahhaa."

"Ang bitter mo Maki." 😝

"Wag ka ng mainggit, baka mamaya pag-uwi natin may makasalubong kang chixz. Hahaha.".

Lumapit sa kanya si Flinch at inakbayan siya sabay tapik-tapik sa balikat. "Alam mo tol, lesson learned yan. Haha wag kasi puro pagkain ang nasa utak."

"Tss ewan ko sainyo?".asar niyang usal sabay alis ng braso ni Flinch. Napalingon ako kay Laxuz ng pinagmasdan siya ni Flinch at Maki na may pagtataka sa mga mukha.

"Did he took some drugs?"

"He look like an idiot."

Napakunot naman ang noo ko ng maalalang ganitong-ganito din si Margaux kahapon pag-uwi niya. Yung tipong nakatulala sa hangin tapos bigla-biglang ngingiti. Para siyang baliw eh. 'Tss, makapagsabi naman siya akala mo hindi siya ganyan ng ilang araw, mas malala ka pa nga di ba?' Napapilig ako ng ulo ng sumingit ang sarili kong isip. Tss. Minsan nakakainis din kapag nilalaglag ka ng sarili mong pag-iisip. Tsk.

"He act the same way with Mattheaus awhile ago."..napatingin naman ako kay Maki ng mabanggit niya ang pangalan ko. "They both look like insane."

"Ano?"

"Tss. I think alam ko na yan."

"Me too. "

"I guess so. "

"Pinagsasasabi niyo?"..

"You and Laxuz are both.. -"

"CRAZILY INLOVE!!!" Sabay-sabay nilang sabi na halos mag-echo sa loob nitong silid. Ako aaminin ko inlove na nga talaga ako pero ang mokong na 'to. Marahas akong napalingon ng may bigla akong maisip. Tumayo ako at nilapitan ang walang kamuang-muang na si Laxuz na patuloy pa rin sa pag-iimagine na kung ano man yun. Ang hula ko lang ay tungkol yan sa kapatid ko.

"LAXUZ ON EARTH!!"..sigaw ko sa may tenga niya na siyang ikinagising ng diwa niya.

"AY MARGAUX!". Napa-tsked na lang ako ng maibulalas niya bigla ang pangalan ng kapatid ko sa sobrang pagkagulat. Napa-owww at napa-sipol naman ang iba sa naging reaksyon ni Laxuz. "Oh Mattheaus?" Mukhang kinabahan ang loko.

"Umamin ka nga..-"

"Umamin na ako!"..hindi pa nga ako tapos magsalita ay bigla niya akong inunahan. Anong ibig sabihin niya? Hindi kaya.-? Bigla siyang napatayo at napabaling-baling ang tingin sa ibang dereksyon. Halatang hindi niya sinasadyang umamin ng ganun na lang kabilis. His nervous control his mind.

"Did you just confessed to my sister?"

"Yun ohh." 😂

"Talo-talo na yan pre ahh."🤓

"Halah ka Laxuz.".pang-aasar sa kanya ng iba at naging tampulan tuloy siya ng tukso.

"Laxuz?"

"Huh? Anoh eh? Hehe.". Pagkakamot niya ng ulo. Mukhang tinamaan ng hiya ang loko. "Uhm, tol ano kasi.-"

"Fine. Tss.".tinalikuran ko na siya at bumalik na ako sa upuan ko. "Pero ito lang masasabi ko sa'yo. Usapang lalaki tol, tropa tayo pero kapag sinaktan mo ang kapatid ko asahan mo. Walang tropa-tropang mangyayari."..pagbabanta ko dito. Sabi ko nga dati hindi ako against kay Laxuz. Kailangan niya lang talagang manindigan sa bagay na gusto niya. And maybe, ginagawa naman na niya.

Ngumiti siya at nagsaludo lamang.

"Ohh.. Anong meron?".pagpasok bigla ng silid ng babaeng kanina ko pa inaantay. Biglang nawala ang pagkaseryoso ko kay Laxuz at agad akong napangiti upon seeing her.

"Si Laxuz, umamin na sa kapatid ni Mattheaus.".

"Talaga? You did confessed?". tuwang-tuwa niyang tanong at nilapitan si Laxuz na mukhang nahihiya. "Binata ka na, congrats."..natawa naman ang iba sa sinabi ni Yuki at ng bigla niya itong hampasin sa balikat. "Kinikilig ako. 😄". Tss. Kainis ang babaeng ito ah, hindi man lang ako tapunan ng tingin. Haixtz, nahihiya ata. Hehe

"Kinikilig daw? Kanino? kina Laxuz o sainyo ni Mattheaus?". Napatahimik si Yuki ng mang-asar bigla si Maki. Remember siya ang naghatid sakin sa beach house at siya din ang nagsundo samin doon. "Yuyyyy.. Namumula siya.hahahha."..napangisi ako ng mapansin kong namumula nga ang mukha niya. Napakagat pa siya sa ibabang labi para maiwasang mapangiti.

"Halah anong meron? Ba't wala kaming alam dyan?"..

"Tss. Lesson learned, minsan wag puro date ang isipin ah. Minsan makibalita din sa mga nangyayari sa tropa.".balik-asar ni Maki kay Flinch

"Oo nga, ano palang nangyari sa date niyo?"

"Kwento naman dyan oh."

"Kahit konti lang."

"Tingnan niyo si Yuki, umaapoy na ang mukha sa kilig. Hahaha."

"Sus, wag mo ng pigilan yuki. Hahah halata ka naman masyado eh." Bigla na lang nabaling sa'min ang tukso. Mga loko-loko talaga ang mga 'to. Haha nagmumukha na tuloy kamatis si Yuki dahil sa hiya. Tumingin siya sakin ng nakanguso at inirapan ako. Haha ang kyut lang eh.

"Heh! Manahimik kayo!".masungit niyang sabi na siyang lalong nagpaingay sa klase. "Isa? Kapag hindi kayo tumigil dyan. Pagbubuhol-buhulin ko mga dila niyo. Bumalik na kayo sa mga upuan niyo. Mga batang 'to ki-aga-aga eh."

"Yuyy, makaiwas lang. Hahha."

"Maki tatahiin ko na yang bunganga mo.". Ngumiti naman si Maki na parang suko na at nag-akting pa na sini-zip ang bibig niya pero meron pa ring pang-asar na mababakas sa mukha niya. Siraulo talaga. 😏

Nagsimula na siyang magklase kaya tumahimik na din ang lahat. Nakamasid lang ako sa bawat kilos niya at kapag napapatingin siya sa gawi ko ay sabay kaming ngingiti sa isa't-isa pero agad din siyang nagseseryoso kapag may isang nakapansin at titingnan siya ng pang-asar. Minsan may bigla-bigla na lang kakanta ng 'pasulyap-sulyap.

May isinusulat siya sa board kya nakatalikod siya sa'min. Kumuha ako ng papel at sinulatan ito. Ginusot ko ito pabilog at ibinato sa kanya. Nakakunot-noo naman siyang napalingon at pinulot ang papel. Hindi pa man niya binubuksan ang papel ay napatingin na siya sakin with a question on her look.

Tumalikod siyang muli upang bjksan ang papel. Hindi niya alam, dahan-dahang nagsitayuan ang mga loko-loko at lumapit sa kanya habang nakatalikod. Napapangiti ako kasi hindi niya napapansin na may sumisilip na pala sa tinitingnan niya.

"I Love You Miyuki Roue Sawada."..kuros nilang basa sa isinulat ko. Bigla namang napalingon sa kanila si Yuki at kanya-kanyang takbo pabalik sa mga upuan nila ng samaan sila nito ng tingin.

"I love you Miyuki Roue Sawada.".tumatawang pag-ulit nila at doon na muling nagsimula ang walang humpay na ingay, asaran at tawanan sa loob nitong klase.

"Manahimik kayo. Baka may makarinig sainyo. Ako malalagot.".mahina pero may diing sabi ni Yuki na siyang tinawanan lang ng mga loko. Speaking of malalagot, mom and dad just told me to stop liking her at baka daw ito pa ang maging dahilan para mapatalsik si Yuki dito sa Shinorikin. Alam ko yun pero kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag nakikita ko na siya. She's invading my whole system. But it worth it.

"Mattheaus naman kasi.". Magkasalubong na kilay na puna niya sakin. I just smiled at her. I just can't take off this smile away, because she's the reason of this. 😊






Shinorikin High: The Class 3D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon