Class 6: Insane

277 13 0
                                    


Maki's P. O. V

"Pahingi ako.. ".. Pagkuha ni Flinch ng junkfood sa mesa ko. May binili kasi akong malaking fish cracker bago pumasok.

"Ako din pahingi.. "

"Ako din. "

"Pahingi din."

"Maki ako din.., ". At sunod-sunod ng kamay ang dumukot ng crackers ko sa loob ng supot. Hanggang sa pagtingin ko dito ay wala na itong laman kahit isang piraso.

"WhaaaahhhH! Mga walang hiya kayo. Inubosan niyo ako mga gago! WhaahHh..  Nakakainis!". Pagmamaktol ko sa kanila sabay hagis ng supot sa nagkukumpulang tsonggo. " oh ito sainyo na din!"

"Masarap siya ahh, bili ka ulit bukas.".. Pang aasar sakin ni Laxuz habang nanguya at meron pa sa kanyang kamay. Inismiran ko na lang ito at inilabas sa bag yung siopao na binili ko din kanina.

"Sabi na nga ba, hindi ka mawawalan ng stock ng pagkain eh..  Hahhaha., ".. Natatawang lintana ni Blaze na nakikikuha ng pagkain sa kamay ni Lax. "Pahingi nga ako.".

"Heh! Tigilan niyo ko.  Bumili din kayo. ". Singhal ko dito sabay kagat ng malaki sa siopao ko. Baka agawin eh. Delikado. Hehe

Ang galing naman nila, hindi na ulit magulo itong classroom. Pero may natitira paring bakas ng sunog sa iilang parte ng silid.

"Its been 30 minutes has passed.".. Biglang sambit ni Matt out of nowhere habang nakapahalumbaba sa mesa at nakalingon sa labas ng bintana.  Himala hindi ata 'to natutulog. At saka ano naman kung 30 mins. Na ang nakalipas?

"Oo nga noh?"

"Sabi sainyo eh., hindi na yun babalik. ".. Ahh oo nga yung teacher namin wala pa.  Hehe inaabangan talaga nila eh noh.

"Mas mabuti nga yun eh. ".. Sabi ni michael habang nagpapaikot ng bola sa hintuturo.

"Party party! " sigaw naman ni Patrick sabay ang pagpapatugtug niya ng isang nakakaindayog na kanta, na sinabayan pa ng ilan ng nakakatawang sayaw.

Patuloy lang sila sa pagsasayaw na akala mo ay nasa isa ng club sila ng biglang bumukas ng malakas ang pintuan na siyang nakapagpatigil sa kanila.  Sabay-sabay kaming napalingon sa salarin at ganun na lamang ang aming gulat ng napagsino ito. Akala namin hindi na siya babalik.

"Goodmorning class." Pagbati niya samin na may panunuyang ngisi sa labi. "Im sorry im late. ". Dagdag niya pa bago dumeretso sa kanyang mesa at ipinatong ang gamit doon. Kami naman ay hindi pa rin makapaniwala na naisipan pa rin niyang bumalik dito. "Sa mga mukha niyong niyan, hindi niyo siguro ako ini-expect anuh? ".. Nakatawa na niyang sambit. "Pero pasensya na kiddos, pero ako ang magiging teacher niyo hanggang sa makagraduate kayo. "

"Nagpapatawa ka ba?"

"Sa tingin niyo ba nagpapatawa ako? Im serious, kaya kayo class please behave okay?". Sabi niya bago nagbuklat ng libro. "Oh by the way, please turn off that music. "..

"Tss.. "

"Tsk! "

"Hindi pa nadala ah. "

"Kulang pa ata eh. "

"Kailangan pa atang pakitaan ito ng mas malala. " ilan lang sa mga nasabi ng classmate namin.

"Sabi ko pakipatay ng tugtug, nakakaistorbo sa klase.". Pag-ulit niya na may seryosong tingin samin. Pero sa halip na patayin ang tugtug mas nilakasan pa nito ang volume at bumalik sila sa pagsasayaw. Napansin ko namang nagmamasid lang si Matt, anu kayang iniisip niya. Bumaling ulit ako sa teacher kuno namin, nakita ko kung panuh siya bumuntong-hininga at ngumisi. Ang weird niya. Siguro kung ibang guro ang napunta samin, hindi na 'to babalik dito eh pero siya. Ang lakas ng loob niyang pumasok pa rin dito. At hindi ko alam kung paano pa siya nakakangiti at nakakangisi sa mga ginagawa namin. Parang hindi siya aware sa kaya naming gawin sa kanya. Masyado siyang confident na hindi namin siya sasaktan.

Shinorikin High: The Class 3D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon