Yuki's P. O. V
Nahuli akong lumabas ng teacher's faculty room dahil may tinapos pa kong i-encode such as lessons and records ng mga estudyante ko. Hindi kasi ako mahilig mag-dala ng gagawin sa bahay. Ang gusto ko kapag asa bahay na ako, pahinga na lang ang aatupagin ko. Kaya naman kung pwede ko namang gawin ngayon bakit ko pa ipagpapaliban di ba?
Paglabas ko ay nagdidilim na, mag-aalas sais na kasi ng hapon. Pero hindi pa man ako nakakalapit sa parking lot ay may napansin akong bulto ng tao na nakasandal sa motor ko. Nakatalikod siya sa dereksyon ko At kung hindi ako nagkakamali malamang si Mattheaus ito. Ano pa kaya ang ginagawa ng mokong na ito dito? Inaantay kaya niya ako? Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya then I suddenly poked his cheeks na nakapagpalingon dito. Awtomatiko naman niyang hinablot ang daliri ko at ibinaba ito bago ngumiti. Tss pansin ko lang ah, lagi na siyang nakangiti ngayon. Dahil ba yun sakin? 😊yieeehhh kinikilig ako. I made his smile. Charot. Hehhe
"Ba't nandito ka pa?". Tanong ko sa kanya ng nakataas ang kilay. Hindi ko ipapahalatang kinikilig ako sa simpleng gesture niya tulad na lang ng paghawak niya sa hintuturo ko na hanggang ngayon ay hindi pa din niya binibitawan.
"Hindi ba obvious, inaantay kita. Tss. ". Pinilit kong hindi mangiti sa sinabi niya. He's too cute. His cuteness can't resistable.
"Adik ka ba? Paano kung may nakakita sa'yo dito? Sa'tin?".
"Tss. Wala ng ibang tao dito except the two of us at si Manong Guard na nagbabantay sa Gate. And don't worry hindi tsismoso yun." He said with coolness then smirked. The typical Mattheaus Arcanghel. "Lets have some fun.". I just frown my forehead at him. Nabigla ako ng Hinila niya pa ako palapit sa kanya akala ko kung ano na ang gagawin ng loko, isinuot niya lang naman sakin ang helmet ko habang nakikipagtitigan sakin. Ako ang unang bumitaw at medyo yumuko dahil pakiramdam ko matutunaw na ako sa mga titig niya. Narinig ko naman ang mahina niyang tawa. "I'll drive.". Doon na ako napaangat ng tingin ulit sa kanya, suot na niya ang isa pang helmet at nakaangkas na siya sa Motor ko. I used to bring two helmet with me at the time, for some cases. "The key?". Ibinigay ko naman agad ito sa kanya, hindi na ako aarte pa. Yeah! Ayokong may ibang gumagamit ng motor ko pero ibang usapan na kung si Mattheaus yun. "Lets go."
Umangkas na din ako sa motor matapos niyang paandarin ang makina nito. Hindi ako masyadong dumikit sa kanya. Ewan parang tinatamaan ako ng hiya eh. Hehe
"Hoy, Yuki. Umayos ka nga ng upo dyan. Dumikit ka nga. Kumapit ka sa bewang ko.".utos niya sakin na ikinakurap-kurap lang ng mata ko. Lumingon siya sakin saglit kaya napahawak ako bigla sa balikat niya. "Wrong move.". Mahinang sabi niya at bigla niyang kinuha ang dalawa kong kamay at siya na mismo ang nagpulupot nito sa bewang niya medyo hinigit niya pa ako ,dahilan upang magkadikit kami masyado. Napalunok naman ako ng ilang beses. "Much better.".nakita ko pa sa side mirror ang pagngiti niya. "Tss, ngayon ka pa nahiya? Naghalikan na nga tayo di ba? ". Pang-aasar niya sakin na siyang nagpaakyat ng dugo ko sa mukha. Sumagi tuloy sa isip ko ang nangyari at pakiramdam ko sinisilaban ng apoy ang pisngi ko. At nagsimula na namang maghabulan ang mga kabayo sa dibdib ko.
"Manahimik ka nga, Bwisit ka!" Pagkurot ko sa bandang tiyan niya na ikinadaing ng loko pero tumawa din naman.
"I really love teasing you. You're so cute when you're pissed off.".
"Ahh ganun ah.". Kinurot ko siya ulit.
"A-wwwww.. Aray masakit Yuki. Haha".pagdaing niya ng malakas pero may kasabay namang tawa sa impit niya. Baluga talaga.
"Tss ewan sa'yo. Tara na nga." Pagyaya ko sa kanya ng makauwi na kami. Tumigil na din naman siya at tuluyan ng pinatakbo ang motor palabas ng campus. Mas iniyakap ko ang sarili ko sa bewang niya at isinandal ang ulo ko sa likod niya. "It feels like heaven.". Mahina kong sabi, akala ko hindi niya maririnig but he did.
BINABASA MO ANG
Shinorikin High: The Class 3D (Completed)
AcakShinorikin Highschool is not a typical highschool you used to know. It's a school of hopeless and wasted students that have been dropped and kicked out from their previous school. What if you'd become one of the teachers of Shinorikin High? Could...