Class 13: Yuki's house

257 10 0
                                    

Mattheaus P. O. V

Kasama ko ngayon si Laxuz at nasa tapat kami ngayon ng isang mansion. Tama ba 'tong napuntahan namin. Kaninang madaling araw kasi ay nakatanggap kami ng isang mensahe galing kay maki. Sinabi niyang puntahan daw namin sila sa address na ito na walang sinabing dahilan. Pero ngayon ay nagdadalawang-isip na kami kung ito ba talaga iyun. Mas malaki pa kasi ito sa mansion nina Laxuz. Gate palang ay nakakalula na sa taas.

"Tawagan mo nga si Maki. Mukhang mali ata ang napuntahan natin.".utos ko kay Laxuz na ngayon ay nakanganga habang nakatingala sa gate.

"Siguro nga.".manghang-mangha niyang sambit. Wala sa sariling nagtipan siya ng kanyang cellphone. "Cannot be reach ang gago. Pinagtitripan ata tayo ng tatlong yun,ano namang gagawin nila dyan?".. Turo niya sa dereksyon ng Mansion. "Hindi kaya, dyan nakatira ang tunay na magulang ni Maki?".bigla na lang niyang pahayag na ikinailing ko. Mukhang hindi.

Napaigtad naman kami ng biglang bumukas ang gate, iniluwa nito ang isang lalaki, na sa tingin ko'y kasing edad lang namin.

"Sino kayo? Kanina pa kayo nandito sa tapat namin? Anong kailangan niyo?".walang kagatol-gatol niyang sabi. Mababakas din ang kaseryusuhan sa mukha niya. "Nagmamanman ba kayo?"

"Anuh.. -"..mukhang hindi macompose ni lAxuz ang sasabihin kaya napatingin siya sakin na animo'y humihingi ng saklolo.  Bigla namang nagsalubong ang kilay ng lalaki na tila may iniisip na hindi kaaya-aya. "Matt, ikaw na. "..pagsiko saakin ni Laxuz.

"Nandito kami para sa mga kaibigan namin, itong address ang ibigay nila samin para puntahan."..tinitigan niya muna ako ng may paghihinala at bigla din namang ngumisi.

"Ahh,.". Patangu-tangu lang niyang reaksyon sa sinabi ko. Nabigla na lang kami ni Laxus ng bigla niyang pinilipit ang magkabila naming braso gamit din ang magkabila niyang kamay.

"Ahhhh..  Ahhhh.. Aray..".. Sigaw ni Laxuz sa sakit. Napadaing din naman ako, sobrang sakit kasi, parang gusto na niyang baliin ang braso naming dalawa. "Aray..  Pwede ba, bitawan mo na kami. Hindi kami nagmamanman dito okay? Ahh..  Ughh. Ansakit na."

"Sa loob kayo magpaliwag. ".at wala na kaming nagawa ng maglakad na ito papasok, at sa malamang kasama kami dahil hindi pa din niya binibitawan ang braso namin. Panay pa rin ang daing naming dalawa ni lAxuz hanggang sa tuluyan na kaming makapasok sa loob ng bahay. Ang lakas naman ng lalaking 'to. Ni hindi kami nakalaban. Tss.

"Whaaah! Aray naman, bitaw na kasi!"

"Sino ang mga yan?"..ng may dalawa pang lalaki ang lumabas sa isang silid.

"Nakita ko sa labas, nagmamasid."

"Hindi nga kami.. -aray!"..magpapaliwanag sana si Laxuz ng higpitan nito ang hawak kaya hindi na siya nakapagsalita pa.

"Talaga? ang lakas naman ng loob niyo anuh?".nahihimigan ko sa kanya ang pagkamangha bago napangisi.

"Ano kayang magandang gawin sa kanila? ".. Tanong naman nung isa na halatang nag-iisip nga kung anong dapat gawin sa'min.

"Hindi kami nagmamasid dito, hinahanap lang namin ang mga kaibigan namin.".matapang kong pahayag sa kanila. Bakit parang may kakaiba ata sa kanila. Hindi kaya mga sindikato sila? Napapilig ako sa naisip. Hindi din naman impossible. Tss.

"Anong nangyayari dito?".isang pamilyar na tinig ng isang babae ang umagaw ng atensyon nila. Galing ito sa may bandang likuran namin kaya hindi ko siya makita. "At sino sila?"

"Nakita ko sa may gate, miss. Mukhang nagmamasid."..paliwanag nung nakahawak samin.

"Naghuhukay ba sila ng sariling libingan at dito pa nila naisip magmasid?".. Napalunok ako ng sarili kong laway, hindi ko alam kung bakit ako kinabahan. "Oh well,.. - Mattheaus, Laxuz?".. Nagulat siya pati na din kami ng nagpunta siya sa harapan namin. Medyo napakurap pa siya kung tama ba ang nakikita niya.

"Yuki?".sabay pa kami ni Laxuz sa pagsambit ng pangalan niya.

"Boss, kilala mo sila?"..boss? Tinawag nilang boss si Yuki?

"What are the two of you doing in my house?"..hindi niya pinansin ang tanong nung isang lalaki.

"Yuki, pwede bang sabihan mo muna sila na bitawan kami, pakiramdam ko kasi mababali na talaga ang braso ko eh.".its Laxuz.

"Uhm, sorry for that. Marcus, bitawan mo na. I know them.". Sa isang sabi niya lang ay agad naman kaming binitawan nung tinawag niyang Marcus. Hinilot ko muna ang braso ko dahil sa sakit, ganun din naman ang ginawa ni Laxuz. "So anong ginagawa niyo dito?".tanong ulit niya bago naupo sa sofa."as far as i know, i didn't remember inviting the two of you here. What made you to come along?".

"Tinext kami ni Maki, na pumunta dito dahil nandito daw sila. Hindi naman namin alam na bahay mo pala 'to. "..paliwanag ko. Napatingin naman ako kay Laxuz na abala sa paglibot ng paningin niya sa kabuohan ng bahay. Tss. Akala mo naman unang beses niyang makapasok sa ganitong kalaking pamamahay. Hay!

"That bastard!".nanggigigil niyang sabi.

"Ang laki at ang ganda ng bahay niyo Yuki.  Wow bigatin ka pala. "..

"Cut that crap. Nasa taas yung tatlong ugok. Sige puntahan niyo na.".sabi niya samin at walang sabing umalis sa harap namin at lumabas ng bahay.

"Sean, take charge.".sabi nung Marcus dito sa isang lalaki.

"Fine.".walang-gana niyang usal at tumingin samin. "Tara sa taas, samahan ko na kayo."..una itong naglakad pataas ng hagdan kaya agad naman namin siyang sinundan. At ano nga bang ginagawa ng tatlong yun dito?

"Sige pasok kayo." Saad niya ng nasa harapan na kami ng isang silid. "Nandyan ang mga kaibigan niyo.".dagdag niya pa bago siya umalis.

"Hanep, ang lawak ng bahay ah.".. Narinig kong komento ni Laxuz at panay padin ang palinga-linga.

Ipinihit ko na ang pinto at tuluyan ng pumasok, agad naman naming nakita ang tatlo, nakahiga ito sa tig-iisang kama habang may mga benda sa iilang bahagi ng katawan. Madaming pasa't galos ang mga mukha at putok ang mga labi nito. Ano kayang nangyari sa kanila? Ba't ganito ang itsura nila?

"Mga 'tol? Mga Buhay pa ba kayo?".



Yuki's P. O. V

"Sensei, hindi ba delikado na nandito sila.".napabuga na lang ako ng hininga.

"Wala naman silang malalaman kaya hayaan niyo na. "..sabi ko na lang. Kahit maglibot sila sa bahay na ito hindi nila magagawang magduda.

"Miss yuki, handa na po ang hapagkainan."..pahayag samin ni manang.

"Sige po, manang. "..nilingon ko naman si Blunt ."pababain mo na yung lima sa taas ng makasabay na sa'tin sa agahan..

"Yes, sensei."

"Marcus, pakitawagan na din si Dylan at Samuel. "Bilin ko dito bago ako pumasok ulit sa loob ng bahay at dumeretso sa hapag. Hindi ko na sila inantay, kumuha na ako ng makakain dahil nagugutom na ako kanina pa.

Nakalahati ko na ang sinandok kong pagkain ng dumating ang limang ungas kasama si Blunt.

"Maupo na kayo, kain na.".pagyaya ko sa kanila at agad ko din namang ibinalik ang atensyon sa pagkain. Napansin kong walang naimik ng makaupo na sila, kaya napatingin ako sa kanila isa-isa. "Anong problema? Kain na. ".at dun lang sila nagsikuha ng pagkain. Napansin ko namang nakatitig lang sakin si Matt. Halatang may malalim na iniisip. Binalingan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay. Tss.

"Nagugutom na ako.".. Isang malakas na sigaw ang narinig namin mula sa sala. Marahil ay si Samuel yun.  Napatingin naman sila ng pumasok ang apat na lalaki dito sa hapagkainan.

"Ohh?  Tatlo lang kayo kagabi ahh?"..pagpuna ni Samuel ng mapansin niyang may nadagdag na kolokoy. Pinawalang bahala na lang niya ito at agad na umupo sa bakanteng upuan. Sumunod din naman agad ang tatlo. Hindi ko naiwasang mapatingin kay Matt, ng iba ang naging reaksyon niya ng umupo sa harapan niya si Dylan. Para siyang nakakita ng pamilyar na mukha. Bakit kaya? Kilala niya kaya si Dylan?

Shinorikin High: The Class 3D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon