YUKI'S P. O. V
"HAHHAHAHAHHAHAHA.., -"hindi ko talaga mapigilang hindi matawa kapag pinapanuod ko ang video ni Mattheaus. As in vinideo ko talaga ang pinagawa sa kanya ni Laxuz noong isang araw. Mukha siyang tanga dito, pababa-taas, tapos slide ng pwet tas may pakembot pa ang loko sa pagsulat ng pangalan niya sa hangin. "Hahhahahha.. This is priceless.".😂😂
"Tss. Tama na nga yan. ".paghablot ni Mattheaus ng cellphone ko. Haha nakalimutan kong kasama ko nga pala 'tong gunggong na 'to. "Tsk!" Asar na siya. Haha Ilang ulit na din niya yang dinelete, pero sorry siya may back up ako. Hahha wais to noh! 😂 pampatanggal ng stress yun eh. "Baba na nga.. Dito na tayo.". Nandito pala kami sa simbahan, nagyaya ang loko eh, madami na atang kasalanan kaya gusto ng magpabendisyon.
Natatawa pa din ako kahit na nakababa na kami ng sasakyan. Ang sama na din ng tingin niya sakin. Oh bakit ba? Eh sa natatawa ako eh! Kasalanan ko ba kung nakakatawa yung ginawa niya. At nga pala, matapos ng game na yun. Inumbagan niya talaga si Laxuz. Sa totoo lang nagkarambulan sa loob ng klase pagkatapos nun. Hahaha bumawi yung mga naparusahan dun sa nagdare sa kanila eh. Kaya ayun, instant rambol. Haha natatawa nga ako kay Connor eh, hindi kasi siya makaganti sakin kaya ayun nanahimik na lang sa isang sulok. 😂🤣
At ito namang si Mattheaus, napakasiraulo..
*Flashback*
"Parang unfair ata sakin ito?".usal ni Mattheaus ng matapos niyang gawin ang dare. Napatingin naman kaming lahat sa kanya.
"Bakit naman tol?"
"Madaya wala akong idi-dare?". May pagkatanong na sabi niya sabay ngisi sakin. Tss may binabalak na naman ang lokong 'to.
"Oo nga noh?"
"Eh paano yan, ikaw yung last eh."
"Bakit hindi na lang si Yuki?". Mapang-asar na tanong ni Connor.
"Eh? Ba't ako? Hindi ako kasali dyan ah..".kunwa'y pagtanggi ko at sinamaan ng tingin si Connor na siyang nagtago naman sa likod ni Rex.
"Oo nga si Yuki na lang. Sabagay, ikaw naman ang unang bumato ng tanong di ba? Ikaw din ang unang nagbigay ng dare. So sa madaling salita, una palang kasali ka na. Am I right?" Paliwanag naman ni Santi. Isa pa 'tong gago na 'to! Sinong may sabi sa kanyang magsalita siya. Lagot 'to mamaya sakin.
"Tama, tama. Ariglado na. Mattheaus tanongin mo na si Yuki. -"
"Paano ba yan? Wala ng laman itong question box. Ako na lang iisip ng tanong. "..nakangisi nitong baling sakin.
"Hoy mga loko-loko kayo. Hindi ako pumayag ahh!"..mga bwisit 'to!
"Wag ganyan yuki. -"
"Wag kang madaya. "
"Ikaw na mismong nagsabi, wag kj. -".. Tss. Talaga naman oh!
"Ito na, yuki are you ready?".pawiggle-wiggle pa niyang tanong sakin na ikinairap ko lang. "Do you love me?".nakangiti niyang tanong na siyang ikinabigla ko. Halos mamilog ang mata ko sa tanong na yun. Napalibot ang tingin ko sa lahat. Lahat sila may mga pang-asar at panuksong ngiti sa mga labi. Napalunok ako at tila nawalan ng dila. Hindi ko alam kung bakit parang nahiya ako sa kanila. Gusto ko na lang na maglaho sa harapan nila. Siraulo kasing 'to si Mattheaus eh, ba't niya ako tinanong sa harapan ng mga baliw na 'to!? Nakakahiya.
Lumakas ang tibok ng puso ko. Mukhang nagha-hyperventilation na naman ang puso ko sa sobrang kaba. Pakiramdam ko din namumula na naman ako.
"Halah, hindi makasagot ohh. -"
"Paano ba yan Mattheaus, hindi ka naman ata mahal eh. -".pang-aasar nina Blaze. Kukuntrahin ko sana ang sinabi niya pero tinatamaan talaga ako ng sobrang hiya.
BINABASA MO ANG
Shinorikin High: The Class 3D (Completed)
De TodoShinorikin Highschool is not a typical highschool you used to know. It's a school of hopeless and wasted students that have been dropped and kicked out from their previous school. What if you'd become one of the teachers of Shinorikin High? Could...