Class 7: The Annoying brat

267 10 0
                                    

Mattheaus P. O. V

"Goodmorning kids.." Tss..  Ayan na naman siya sa pagtawag ng kids samin.

"Inilock mo na naman yan? ".. Hindi makapaniwalang tanong ni Blaze sa kanya ng mapansin ng ilan na ni-lock na naman niya ang pinto. "Paano kung kailangan naming mag-banyo ahh?"

"Sa tingin niyo ba hindi ko alam na may cr dito sa loob ng classroom. Aware kaya ako dun. Wag mo kong gawing tanga. Hmm?".. Nakangiti niyang paliwanag at itinuro ang likod kung nasaan ang maliit na c.r.

"Stoc.. -". Hindi na natapos ni pOl ang sasabihin ng unahan na siya ni Yuki.  Yes you heard me right. Simula ngayon Yuki lang ang itatawag namin sa kanya.

"Dont't dare to tell me na stock room yan. Sabi ko nga kanina wag niyo akong gawing tanga.".. Umalis siya sa unahan at tinungo ang dereksyon ni Maki habang may dalang supot. "As what I promise. -".. Pagngiti niya dito sabay patong ng supot sa desk ni Maki na ikinabigla nito. Agad namang tiningnan ni Maki kung anu ang laman nito.

"Siopao.., ".. Nagningning bigla ang mga mata nito at ngumiti ng malapad kay yuki. Tss.  Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Masusuhulan pa ata ng pagkain si Maki ah. Yan kasi ang kahinaan niya. "Whaaahhh Yuki, salamat..  Hehhe. ". Wala na. Tss.

"Halah! Bakit siya lang ang meron? "

"Unfair. "

"Dapat meron din kami. Asaan ang hustisya., ".. Ilang reklamo ng mga classmate namin.

"Nyenye bleeehhh.. ".. Pang-aasar naman sa kanila ni Maki na ngayon ay kumakain na.

"Andaya naman. "

Ngumiti lang ulit si Yuki at tinaasan ng kilay ang ilan sa mga nagrereklamo.

"Maybe next time. ". Sabi niya at bumalik na sa bandang unahan. "Infairness naman sainyo ahh, ang sisipag niyong pumasok. Tamad nga lang mag-aral.,".. Sabi niya habang binubura ang mga nakasulat sa blackboard.

"Hindi naman kasi kami bobo para mag-aral. ". Pabalang naman na sagot ni Chan

"Alam ko yun, ine-english niyo nga ako minsan eh. So, hindi naman pala kayo kasing tanga ng iniisip ko..  Hahhah."

"Kami mukhang tanga! "

"Oo.." Walang pag-aalinlangan niyang sagot. "At pwede ba wag kang sumigaw. ".. Banta nito saka niya binato ng chalk si Frank na sakto namang tumama ito sa noo niya. 

"Aray!  Shit!!" He cussed out of frustration.

"And stop cussing you bastard.". Dagdag pa niya at tumama naman sa mukha ni Frank ang eraser. Sa inis ng huli, at napatayo na lang ito bigla pero napaupo lang din agad ng makita niya kung anu na ang hawak ngayon ni Yuki. Tss. Talaga bang natakot siya na babatuhin siya ng upuan ng babaeng 'to?

"F*ck!".. Narinig na lang namin kay Frank sa sobrang asar niya which made my mind laugh.

"By the way, Who's Mattheaus Arcanghel?".. Biglang curious na tanong niya matapos niyang sipatin ang isang papel na hawak niya. And i guess, students' lists yun.

Lahat naman napalingon sakin kaya, napatangu na lang siya sa kawalan at bahagyang ngumisi sakin. Which i find so weird. What was that for?

"Oh its you. Looks like your name doesn't suit you well. " napakunot ako sa sinabi niya. Is she insulting me face to face?

"What do you mean?".. Walang emosyon kong tanong sa kanya.

"Your name sounds biblically, parang heaven sent from the above. so I'm expecting that you look like an angel-like. More on like a nice and kind-hearted guy. ".. Natatawa niyang paliwanag na ikina-offend ko. "Sorry to offend you, But looking at you now seems like Im seeing a fallin angel with a half-breed of. I don't think i should say it. Nevermind. But actually, Gwapo ka sana eh pero you look cold and suplado.".. Nakasimangot niyang dagdag.

"Pfft.. ".. Napalingon naman ako ng matalim sa nagpipigil na si Maki. Kaya napalunok na lang siya. Bakit ba kasi ako ang napansin ng babaeng 'to. Ang galing din niyang mang-asar.

"Pakialam mo ba?"

"Just saying. Kiddo Hehe. "..

"Stop smiling you brat!".. Singhal ko sa kanya.  Kanina pa kasi siya ngiti dyan ng ngiti and it makes me pissed. Ang mga ngiti niya parang nang-aasar. This annoying brat.

Bigla siyang naglakad palapit sa pwesto ko habang may dalang libro na inirolyo. Nang nasa harapan ko na siya ay Nakipagtitigan siya sakin ng matagal, she stare at me with the same intensity on how i stare at her. Ako ang unang bumawi dahil sa naiilang na ako. At hindi ko alam kung bakit.

"Damn it!".. I cursed.

*pak*

"Urgggg..".Napaawang ako at namilog ang mata ng bigla niya akong batukan gamit ang hawak niyang libro. Muntikan pa akong makasubsub sa desk ko sa lakas ng paghampas niya. At alam ko din na nagulat din ang mga kaklase ko sa ginawa niya sakin

"I said no cursing. " sinamaan ko siya ng tingin at napatayo sa inis. Bigla ko siyang kinwelyuhan. Napatayo din tuloy ang iba sa ginawa ko.

"Mattheaus. ". They called out my name. Parang gusto nila akong pigilan.

"Get your hands off!"seryosong tingin lang ang ipinupukol niya sakin. Pero mas hinigpitan ko pa ang pagkahawak sa kanya.

"Matt, tama na yan. Baka mapatay mo na yan. "

"I don't care! "

"Ang o. A ahh. ". Sabi niya na lalong nakapagpainit ng ulo ko.

*Boogshhhh*

"Shit!"

"Fuck! "

"Damn"

"Whatdahell!"

Napabitaw ako sa kanya at nanghina ng bigla niya akong suntukin ng napakalakas sa sikmura. Muntikan pa nga akong matumba kung hindi lang ako naalalayan ng iba. Shit! Ang sakit! Napatingin ako sa kanya ng matalim habang iniinda ang sakit ng suntok niya. Babae ba talaga ito? Bakit iba ang lakas niya?

"Matt okay ka lang? "

"Paano mo nagawa yun? ".. Manghang tanong sa kanya ni Noah.

"Simple lang, self-defense. ".. Nakangisi niyang sagot habang pinapagpagan ang nalukot niyang damit. "Wag niyong isipin na lahat ng babae mahina. Woman can be stronger if they want to be. Don't underestimate us,will you?"

"Who are you?" Out of nowhere na naibulalas ko.

"Im your homeroom teacher, Miyuki Sawada." Tss.  Iba talaga ang pakiramdam ko sa babaeng 'to. "Okay kiddos, please behave naman oh, tatanda agad ako nito sainyo eh".. She stated. "Magbehave na kayo para makagraduate na kayo. Time flies kiddos, tumatanda na kayo. Gusto niyo bang uugud-ugod na kayo eh nandito pa rin kayo. Pinagpapaaral kayo dito para magbago kayo. I think maayos pa naman yang mga turnilyo sa utak niyo di ba? Kaya nga napasok pa rin kayo despite of being like this.  Bakit nga ba?  Bakit nga ba napasok pa rin kayo kung pwede namang hindi na? Syempre dahil sa magulang niyo pa rin di ba? Nagrerebelde kayo pero may puwang pa rin naman sila dyan sa puso niyo. Tama ba ako?"

"Yuki stop it".. Malamig kong sabi sa kanya.

"Okay you say so. Sige na maupo na kayo ng maayos. Magdidiscuss na ako.".. Sabi niya with a smile bago kami tinalikuran at tumungo na sa unahan.

"By the way, Calling Me Yuki is not that bad.  Right matmat? "Ngisi niya sakin. Matmat? Is she referring to me. This woman is getting to my nerves!

"And who do you think you are to call me that name!!?".. Napabulyaw na naman tuloy ako.  Nakakainis kasi ang babaeng 'to. Tsk!

Asar!






Shinorikin High: The Class 3D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon