Class 15: Magazine

255 10 0
                                    

Mattheaus' P. O. V

"Patingin ako."

"Anuh ba yang ulo mo nakaharang."

"Tumabi ka nga dyan."

"Wow! Ang ganda!"

"Nice body. Witwiw."

"Sana magkagirlfriend ako ng ganyan ka sexy."

"Pahaplos nga ako.  Hahahha". Natawa na lang ako ng mahina sa pagpapantasya ng mga loko-loko. Nagdala kasi si Connor ng women's magazine at ngayon ay kanila na lang pinagpipyestahan,  kaya ayun nagkukumpulan sila sa may likod.

"Magbantay kayo baka dumating si Yu..- *pak*". Hindi na natapos pa ni Connor ang sasabihin ng may bigla na lang sumulpot na kabute sa kanilang likod at nakatikim sila ng tig-iisang hampas sa ulo. Hahah

"That's against the school module.".sita niya matapos niyang kompiskahin ang magazine. At muling hinampas sa ulo si Connor na siyang may pakana. "Oh well, wala nga pala kayong pakialam sa dun.".. At hampas ulit.  Hahha

"Ang sakit na ahh!".. Hahampasin sana ulit ni Yuki ito pero hindi pa nga niya inihahampas ay nakasalag na agad ito ng braso sa ulo. "Against the rule din ang manakit ng estudyante".giit naman ng huli.

"Tss..aba!sasagot pa talaga.". Pinamilogan siya nito ng mata bago siya nagtungo sa unahan.

"Takot ka pala Connor eh."..pang -aasar sa kanya ni Rex at Sinundan naman ng iba.

"Sa susunod na magdala pa kayo nito. Dudukutin ko yang mga mata niyo."..pagbabanta niya at inilapag na sa mesa ang magazine. Bubulong-bulong naman ang iba sa pagrereklamo."may I remind you pala, malapit na nga pala ang Sportfest ng School. And I hope i-reconsider niyo this year. ".hindi kasi kami nasali sa Sportfest na yan. Mapapagod lang kami kaya never kaming nagparticipate.

"Hindi kami nasali sa ganyang pambatang laro."

"Matutulog na lang ako kesa sumali dyan. "

"I'd rather go somewhere else than join with that activity."

"School-free yan. So why bother to attend. Gagala na lang kami baka mag-enjoy pa kami."..some of my classmate's rant.

"Anong hindi sasali. Sasali kayo sa ayaw man o sa gusto ninyo. Pwede bang eenjoy niyo naman ang pagiging STUDENTS niyo?". Talagang naka-emphasize pa yung word na students at medyo nagmake face pa siya. "Masaya kaya yun. Mga killjoy 'to. Sarap niyong ilambitin ng patiwarik."

"Ayaw nga namin."

"Pag sinabi kong sasali kayo, sasali kayo. Period with exclamation point.".tss parang bata.

"Panuh kong hindi kami sumali?" I asked her.

"Then, ready to dig your own grave. I swear I'll bury you alive.". Sagot naman niya ng nakatitig sakin. Tss

"We're not kids anymore for that kind of threat."

"Oh come on baby boy.".napasingkit ako ng mata ng tawagin niya akong baby boy. Did she really called me like that? Kahapon si Maki sinabihan niya, then now ako naman. "Hindi na nga kayo bata, pero kung umasta kayo daig niyo naman ang bata. You'll always be a kid in my eyes kiddos"..Inirapan niya ako bago niya inilibot ang tingin sa lahat.

"Pero ayaw nga namin. You can't force us. "

"Yes, I can."

"No!"

"I said yes. So stop complaining and answer it."..sabi niya habang may iniabot siya saming papel. At ng makarating sakin iyon ay napag-alamanan kong isa itong Survey Questions para sa darating na Sportfest this coming week. "Go on. Sagutan niyo na yan. Ayusin niyo ahh."..paalala pa niya bago naupo ulit.

Shinorikin High: The Class 3D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon