Yuki's P. O. V"Go 3D, Go 3D, Go 3D!!!"..pagchecheer ko sa kanila. Kanina pa nagsimula ang sport activity na ito. Ngayon ay Relay ang laro consists of 5 members of each section. "KYAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH.!"..Pagtili ko sa sobrang excitement na nararamdaman ko. Ang section kasi namin ang nauuna. "Whaaaahhhhhh, kaya niyo yan!whaaaahhhhhh Go BLAZE!!!! "..sigaw ko ng ipasa na sa kanya ni Pol ang baton. Siya kasi ang huling player na tatakbo. "KYAAAAAAAHHHHHH."..Napalundag-lundag pa ako ng siya ang nauna sa finish line. "ANG GALING NIYO!!!KYAAAAHH...-".Bigla akong napatahimik ng biglang may magbusal ng panyo sa bunganga ko. Marahas kong binalingan ang walang'yang Mattheaus.
"Ang sakit sa tenga.".nakairap niyang sabi na ang tinutukoy ay ang pagtili ko.
"Pakialam mo ba?"
"Tss.".at ayun nagwalk out na siya. "Tseeeeee".pag-irap ko din sa kanya kahit na hindi na niya nakita.
Napangiti na lang ulit ako ng madako ang mata ko sa klase ko na ngayon ay nagkakasiyahan dahil sa pagkapanalo nina Blaze sa Relay.
"Congrats Miss Yuki."..napalingon naman ako sa nagsalita at nakita kong nakangiti sakin sina Ms. Belle at Ms. Ann. "Napansin naming ang laki na ng pinagbago ng class 3-D simula ng dumating ka."
"Magagaspang pa din naman ang mga ugali pero hindi na tulad ng dati. At ngayon ko lang nakitang nag-enjoy sila. Buti na lang talaga napilit mo silang mag-participate. ".ani ni ms. Ann. "Minsan na lang din sila gumawa ng kalokuhan. Paano mo nagawa yun?"
"Masaya din ako dahil sa nagbago na sila kahit papano. I hope tuloy-tuloy na yan."..nakangiti kong saad. Sana nga.
-------
Sack race (Noah and Santi) -WIN
Hola-hoop (Lloyd) -WIN
Tug of Wars (Micheal, Alex, Pol, Chan and Connor) -WIN
Track and field (Morgan) -WIN
Relay (Chard, Frank, Patrick, Rex and Blaze) -WINLimang game na ang naipanalo namin, but those are the minor games in the lists.
Magsisimula na ang main games. Ang table tennis, volley ball, badminton at ang basketball para sa last game. Konti lang naman ang class 3D kumpara sa ibang klase, kaya naman mag-uulit na lang kami ng players. Hindi din naman yun against the rule."Gutom na ako Yuki.".pagmamaktol ni maki habang nakanguso. Nagpapapadyak na din siya habang nakaupo.
"Wala ka pang ginagawa Maki ahh. Kami dapat itong magreklamo.".giit naman ni Patrick sa kanya. Nandito kami ngayon sa tent namin, lahat ng klase ay may sari-sariling tent para pahingahan.
"Saka hindi ka ibibili niyang si Yuki ng pagkain, hindi pa tapos ang laro noh, hindi pa available yung deal niyo. ".napatingin naman ako sa nagmamaktol na si maki, mahabang-mahaba na ang nguso eh. Haha ang kyut lang tlga ng lalaking 'to.
"Special delivery for class 3-D.".. Lahat ay napatingin sa nagsalita maging ang ibang klase ay napalingon sa gawi namin dahil sa limang lalaki na nakatayo mismo sa harapan namin at may mga bitbit na pagkain.
"Whaaaah, hulog kayo ng langit!".masayang usal ni Maki at agad na kinuha ang bitbit ni Sean saka inilapag ito sa mesa. Inutusan ko kasi silang magdala ng maraming pagkain dito,hindi ko naman hahayaang magutom ang mga batang 'to noh.
Inilagay na din nina Blunt ang iba pa nilang dala sa mesa bago ito pinagkaguluhan ng mga kolokoy. Mababakas sa mukha nila ang saya. Mukhang mga gutom na nga ang mga bata. Hahah
"Delivery boy ba talaga kayo? Bakit hindi na lang kayo mag-artista mas bagay kayo dun.".mungkahi ni Pol dito habang pumapapak ng manok. Haha may mga itsura nga naman ang limang ulupong at hindi maitatanggi yun.
"Hindi sila delivery boy, kasambahay yan ni Yuki.".natatawa namang singit ni Blaze kaya ayun nabatukan nitong lima. Haha sira eh.
"Hindi kami kasambahay siraulo, gusto mong malaman nila yung nangyari sainyo dati?"..pananakot naman ni Samuel.
BINABASA MO ANG
Shinorikin High: The Class 3D (Completed)
De TodoShinorikin Highschool is not a typical highschool you used to know. It's a school of hopeless and wasted students that have been dropped and kicked out from their previous school. What if you'd become one of the teachers of Shinorikin High? Could...