End of Class: Epilogue

347 11 3
                                    

YUKI'S P. O. V

5 YEARS LATER

"Miss Yuki, Pasensya na po pero may gulo na naman po sa Class 3D. Hindi ko po maawat."..nangangapos sa hangin balita sakin ni Mr. Santiago, mukhang tumakbo siya papunta sa office ko., baguhan siya dito sa Shinorikin at siya ang naatasan sa Class 3D. Ilang beses na din siyang tumatakbo sakin kapag hindi na niya makontrol ang klase niya. Napapailing na lang akong napatayo sa kinauupuan ko. 3D is always be a 3D, ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nagkakaganyan sila kapag nakatungtung na sila ng 3rd yr at napunta pa sa Class 3D. Hindi kaya may sumpa ang Room na yun o di kaya ay yung 3D mismo ang may sumpa? Ai ewan. Taon-taon na lang kasi ito nangyayari, sabagay nasanay naman na ako sa ganito.

Naglakad na ako papunta sa Classroom ng 3D, nakasunod naman sakin si Mr. Santiago.

*blaagggg*

*boogggsssh*

*pak*

Naabutan ko silang nagrarambulan sa loob ng silid kaya napabuntong-hininga na lang ako. Itong mga bata talagang 'to. Sakit sa ulo.

"STOP IT!!"..Sigaw ko sa kanila pero hindi man lang nila ako pinakinggan at patuloy pa rin sila sa kanilang ginagawa. "Ahh ganun ahh!".asar kong usal at isa-isa ko silang nilapitan ay binigyan ng suntok sa tiyan. Matapos kung gawin yun ay nakita ko silang lahat na namilipit sa sakit. Oh di ba? Eh di tumigil din sila.

Nagpunta ako sa unahan at malakas kung hinampas ng dalawa kong kamay ang mesa. Sinamaan ko sila ng tinggin tulad ng tingging ipinupukol nila sakin. If they're throwing a hundred daggers at me, im throwing back a Million daggers to them. Tss. This bastards and dumbass! Hindi pa rin natututu. Tsk. Baka kailangan ko na talagang magtake charge sa kanila hindi din naman sila makontrol ni Mr. Santiago.

"At dahil hindi kayo tumitino, napagdesisyunan kong ako na muna ang hahawak sa klaseng ito. "..nakangisi kong pahayag sa kanila na ikinaingay at ikinareklamo nila. I think alam na nila kung paano ako humawak ng klase dahil sa mga reaksyon nila ngayon. "Nice idea, isn't?" Pang-aasar ko pa sa kanila.

"NO YOU CAN'T!". Pagtutol nila.

I just smirked at them. "Yes, I can."

"Pero miss yuki?"..pagsinggit naman ni mr. Santiago na mukhang kinakabahan.

"Don't worry, ililipat na lang kita sa ibang section. ".. Nakangiti ko namang sabi dito na ikinaluwag naman ng paghinga niya. Akala siguro niya ay tatanggalin ko siya. By the way, ako na pala ang may-ari ng Shinorikin high almost 3 years na at ako din ang head teacher at the same time. Pero kahit ganun ay nagtuturo pa rin ako dito lalo na kung kailangan.

"Sensei?"..pagdating ni Sean at Blunt. "Nasa baba na po ang sundo niyo.. "..pahayag nito sakin na ikinatanggu ko.

"Oh paano ba yan, Mauuna na ako sainyo Kiddos.. -"..pang-aasar ko sa kanila at binigyan pa sila ng flying kiss bago ko sila tinalikuran. Hahha epic ng mga mukha ng gago.

"Kayo na muna bahala sa mga yan.. -". Pagtapik ko kina Sean at Blunt, by the way school facilitator ko ang dalawang yan. Nilingon ko naman si Mr. Santiago. "Ikaw muna dito, may mahalaga akong pupuntahan. Don't worry hindi aalis sina Sean at Blunt dito.".

-----

Pagpunta ko ng parking lot ay nakita ko agad ang bulto ng susundo sakin. Nakasandal siya sa kotse habang nakapamulsa ang kamay. Nakasuot din siya ng eyeglass na akala mo ay model ng kotse. 😂

"Yow.. -".pagbungad nito sakin ng makita niya ako.

"Buti naman at naisipan mong daanan ako dito. "..nakangiti kong tanong sa kanya sabay tapik sa balikat nito.

Shinorikin High: The Class 3D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon