Class 5: About her.

276 5 0
                                    

Miyuki's P. O. V

"Yuki ija, ano pong nangyari sainyo? ". Nag-aalalang tanong ng aming mayordoma ng makita niya ako sa kalagayang ito. Matapos kasi ang nangyari kanina sa school ay napagdesisyunan ko na munang umuwi dito sa bahay. Pakiramdamdam ko stress na stress ako ngayong araw. Hay!

"Something just happened at school Manang. ".. Matamlay kong sagot sa kanya. "But don't mind it. Im fine. Sige manang tataas na po muna ako., ".pagpaalam ko dito ng may tipid na ngiti sa aking labi.

"Sige ija, dadalhan na lang kita ng makakain sa taas.,"

"Sige po.,"

Hahakbang na sana ako pataas ng aking kwarto ng dumating namang nagpupungas-pungas sina Blunt at Sean- dalawa sa mga guardian ko dito. Anim silang taga-bantay ko habang wala ang lolo ko,nasa ibang bansa kasi ito. Ang parents ko naman ay matagal ng wala dahil sa car accident na nangyari sa kanila way back when i was just 5 years old kaya lumaki ako sa pag-aaruga ng aking pinakamamahal na lolo.

"Sensei.. -".. Sinamaan ko agad ng tingin si Blunt ng tawagin niya akong Sensei. Mas gusto kasi nila akong tawagaing ganyan. Pero ayoko naman.

"Sorry po miss Yuki., pero miss yuki. Ano pong nangyari sainyo?"

"Wala 'to. "..

"Anong wala po, eh tingnan niyo nga po yang itsura niyo. Sino po may gawa nyan?  Kami na po ang bahala.". Awtomatiko namang tumaas ang kilay ko kay Sean. Na ikinatahimik din naman nila agad.

"Pag sinabi kong wala 'to.  Wala 'to.".. Madiin kong pahayag sa kanilang dalawa.. Haixtz buti na lang pala wala 'yung tatlo kasi kung nandito sila hindi nila ako tatantanan. "Okay?"

"Pero sens.. -"

"Sean!!".. Pagbabanta ko sa kanya.  Alam na nila ibig kong sabihin kapag nagtaas na ako ng boses sa kanila.

"Okay po ms.  Yuki."..parang maamong asong sabi nila ng nakayuko. Sa tagal na naming magkakasama sa iisang bahay, never pa nila akong sinuway. Oo, Isang prinsesa ang turing nila sakin dito. Kung ano ang gusto ko. Yun ang nasusunod. Sabi nga nila hindi ko na daw kailangan pang magtrabaho,  bakit pa daw ako magtatrabaho eh nasa akin na ang lahat ng bagay na pwede kong hilingin sa buhay.  Nung una hindi sila payag sa gusto ko na maging isang guro, pero wala din naman silang nagawa dahil ito talaga ang pangarap ko. Gusto pa nga nilang bantayan ako sa paaralang pinagtatrabauhan ko pero hindi ko gusto ang ideyang 'yun kaya pinagbantaan ko sila na wag na wag magpapakita sakin kapag asa trabaho ako. Ayokong may makaalam sa totoo kong pagkatao. Kung bakit? Dahil magugulo ang buhay ko.





Mattheaus P. O. V

"Natatawa pa rin ako sa itsura niya. ".. Tawang-tawang sambit ni Pol habang nakatingin sa kinuha nyang picture kanina. "At nung tinawag niya tayong kids?hahhahahah.. Nakakatawa talaga yun. "

"Sa tingin ko,  hindi na yun papasok bukas. Hahah.".. Pahayag naman ni Maki habang nakahiga dito sa damuhan. Umalis kasi kami agad sa school ng paputukin ni Connor ang fireworks. Dito kami ngayon sa isang open field malapit sa Shinorikin. Malamang abalang-abala sila ngayon sa paglilinis sa ginawa naming kalokuhan.

"Sa tingin ko din.  Hindi na talaga yun papasok bukas."

"Wala naman na siyang dahilan para pumasok."

"Mamumroblema na naman si head teacher na makakuha ng kapalit niya..  Haha"

Naalala ko yung mukha niya kanina. At sa palagay ko makikita pa namin siya bukas. Naiiling akong napangiti sa kawalan. Sa tingin ko hindi siya yung tipong susuko na lang. Nababasa ko sa mga mata niya ang pagiging determinado. Pero hanggang saan kaya siya tatagal?

Pinaikot ko ang tingin sa mga kasamahan ko. Tatagal ba siyang makasama kami, ang makasama ang class 3D? Tingnan na lang natin kung hanggang saan nga ba ang kaya niya.

"Matt, may tumatawag sa cellphone mo.". Pag-agaw ng atensyon sakin ni Blaze. Nasa damuhan kasi ang cellphone ko at naka-silent mode. Kinuha ko ito ngunit pinatay din agad ng rumehistro ang pangalan ng isang taong ayoko ng makausap o makita man lamang.

Napatingin sakin ng kakaiba si Blaze. Ngumiti lang ako sa kanya bago ako nahiga na din sa damuhan. Iniunan ko ang dalawa kong braso habang nakatingin sa mgandang kalangitan.

"Hindi mo pa ba talaga siya kakausapin? ". Napalingon ako sa katabi, tanong niya ng hindi nakatingin sakin. "Its been a year, Do you think it's the right time, para kausapin siya at maliwanagan ka.".. Mahinang sabi niya at lumingon na din sa'kin. "Come on Matt, you need closure. "

Napahinga lang ako ng malalim bago ibinalik ang tingin sa langit ng hindi man lang siya sinasagot. Ayokong pag-usapan ang taong yun.






Shinorikin High: The Class 3D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon