Class 9: "Im an Unavailable light."

279 14 0
                                    

Yuki's P. O. V

"So, for today's topic is about Art. ". Nagreklamo naman agad sila sa pahayag ko. Ang mga ito, masyadong marereklamo. Kabanas. Sarap pag-uuntugin ng mga ulo. "I won't do any lecture..-".. Hindi pa ako tapos magsalita ng maghiyawan naman sila sa tuwa.

"Yeeeeyyyy!"

"Kung ganyan ba parati, eh di magkakasundo tayo. " patawa-patawang hayag ni Morgan habang pinaglalaruan ang hawak niyang ballpen.

Nginitian ko sila ng pagkatamis-tamis na siyang ikinabusangot nilang lahat. Tsk! Ang ganda ko ngumiti tapos ganyan lang ibibigay nilang reaksyon. Mga gunggong na ito.

"Sabi ko nga, hindi ako maglelecture ngayon kasi may ipapagawa ako sa inyo. "

"Ano na naman ba yan? Ha?". Maangas na tanong sakin ni Flinch. "Baka kung ano na namang kalokuhan yan."

"Tss. Kalokohan daw?  Eh gustong-gusto niyo nga yun."pabalang ko namang sambit na may kasamang pagtaas ng aking kaliwang kilay. "As what i say, may ipapagawa ako sainyo. ".. Tingnan mo na yan, paulit-ulit tuloy ako ng sinasabi dahil hindi nila ako pinapatapos ng sasabihin. Haixts.

Kumuha ako ng chalk at nagsulat ng isang phrase sa blackboard.

"IM AN UNAVAILABLE LIGHT." yan ang isinulat ko sa blackboard bago ko sila muling pinagtuunan ng pansin. Yan ang naisipan ko dahil alam kong yan ang salitang bagay sa kanila ngayon. They are an unavailable light in their own darkness.

"Ano naman yan?". Pagmamaktol ni Blaze na nasundan pa ng ilang reklamo mula sa klase. "Im an unavailable light? Mukha ba kaming pundidong ilaw sa paningin mo?"

"Akala ko ba hindi kayo bobo. Common sense naman. Pwede walang pilosopo.". I said with a little sarcasm hint in my tone.

"Sabi mo Arts ang topic natin ngayon? Oh ano naman ang koneksyon niyan sa Arts?". Its Matt. So nacurious siya o di kaya tinamaan siya sa nakasulat. Hahha nagsalita kasi eh. Lagi naman 'tong tahimik lang na nagmamasid sa klase. Magsasalita lang yan kapag makikipagsagutan. Di ba?

"Kaya nga, pinaglololoko mo ata kami eh. "

"Walang kwenta. Tss! "

"Hindi niyo kasi ako pinapatapos, mga gonggong na 'to. Listen first to my explanation kiddos, bago reklamo okay? As what i said earlier. Our today's topic is Art,  intindihin niyo maigi ang isinulat ko sa blackboard. Understand it ,feel it or relate it with your own self and with your life. Then, represent this phrase through sketch or a portrait." Paliwanag ko naman sa kanila na siyang lalong nagpagulo sa mga herodes na ito. Ang iba naman ay napa-poker face na lang. Halatang ayaw nila ng ideya ko. Tss. Eh sino ba masusunod?  Syempre ako, ako teacher eh, students lang sila. Perks of being a beautiful teacher. Haha anong connect nun?  Malay ko. Maisingit lang. Haha

"Kakatamad naman yan.  Wala bang iba? "

"Magdadrawing kami? Masyadong Boring yan.  Wag na yan. "

"Hindi bagay samin ang ganyan. "

"So anong bagay sa inyo? Makipagbasag-ulo? Pwede bang tama ng reklamo. Gawin niyo na lang ng matapos na kayo."

"Wala kaming gamit para dyan. ". Nahikab pang saad ni Laxz at nanghalumbaba sa desk niya gamit ang kanang kamay.

"Kaya nga.  Wala kaming pagdadrawingan, wala din kaming pandrawing. " hmft! Syempre malamang alam ko na yan. Hahah ako pa advance kaya ako mag-isip. Haha

"No problem, girl's scout kaya ako. Hahha. ".. I said while smiling ear to ear,  saka ko ipinakita sa kanila ang napakaraming bond paper na dala ko at isang kahong lapis na kung hidni niyo naitatanong ay natasahan na rin. Kaya ready to uses na talaga siya.  Hahha di ba? Im so genius. "Kala niyo ahh, maiisahan niyo ko sa mga lame excuses niyo. Manigas kayo. Bleeehh.". Iniabot ko kay Maki ang ilang bond paper at lapis dahil siya ang nakaupo malapit sakin. "Please pass it at the back."

Shinorikin High: The Class 3D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon