Class 11: Car Art

258 9 0
                                    

Yuki's P. O. V

Halos matuod ako sa kinakatayuan ko ng makita ang sinapit ng kotse ko. Halos pakiramdam ko ay binagsakan ako ng langit sa nakikita. Umakyat ang dugo ko sa ulo sa sobrang frustration. Gusto kong manapak sa oras na ito.

Kakatapos lang ng lunch break at pabalik na sana ako sa room ng maalala ko na nasa kotse pala ang cellphone ko kaya binalikan ko ito pero ito ang bumungad saking harapan. Ang kotse ko na halos hindi ko na makilala pa dahil sa mga pinturang ikinalat dito. May mga drawing pa na kung anu-anu. Napapikit ako ng mariin at napaigting ng panga. Walang ibang gagawa nito kundi ang mga walang hiyang lalaking yun. Urggghh!! Tss! Nangangati ang kamao ko, parang gusto kung mambugbug.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko at ibinalibag ang pinto ng kotse pagkatapos. Magkasalubong ang kilay kong nagmartsa papunta sa room namin. Malakas kong ibinalibag ang pinto ng silid kaya agad kong nakuha ang mga atensyon ng mga bwisit na 'to.

Huminga ako ng malalim at sinamaan sila ng tingin. Seems like Im throwing million of daggers on them right now.

"Anong itsura yan Yuki?". Tanong sakin ni Rex habang nakangisi ng may panunuya. Kaya lalong kumulo ang dugo ko.

"May nangyari ba?" Bwisit talaga, maang-maang pa ang mga loko.

"Alam niyo bang gustong-gusto ko ngayon mambali ng mga kamay.". I smile devillish with a grin that made them gulped. Pinatunog ko pa ang aking mga daliri habang pinapaulanan sila ng matatalim na tingin.

"Kami pa tinakot. ".. Tss. Tapang-tapangan mukha namang takot.

"You should!".. Singhal ko sa kanila. "Ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung mga katulad niyong asal bata.tss!" Umiinit talaga ang ulo ko kapag naaalala ko ang itsura ng kotse ko na binaboy nila.

"Pinakita lang naman namin sa'yo na marunong kami magdrawing.".yun pala yun. Gumanti sila sakin dahil sinabihan ko silang walang talent sa pagdrawing kanina ng itanong nila kung okay ba yung ginawa nila kahapon. Napaka-isip bata talaga ng mga kolokoy na 'to. Tsk.

"Then sana, sa papel na lang kayo nagdrawing hindi sa mismong kotse ko!!".gustong-gusto ko na talagang mambugbug pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Hindi lang nila alam kung gaano ang pagpapasensya ko sa kanila. Hindi ko naman sila pwedeng bugbugin at baka mapatalsik ako sa school na ito. Tss! Napaka-unfair, sila pwede manggago ng guro tapos kaming mga teacher bawal? Eh hindi naman na sila bata. Haixtz! Kabanas.



Matt's P. O. V

Napansin kong kanina pa siya humihinga ng malalim, mukhang kinokontrol niya ang sarili niya. Sa totoo lang medyo kinilabutan din ako kanina pagkapasok niya dito sa loob. Pakiramdam ko kasi nababalutan siya ng masamang awra. Hindi ko na maintindihan ang babaeng to. Masyado siyang weirdo. Nakaka-curious din ang mga ikinikilos niya. May mali sa babaeng 'to at malalaman ko din ang bagay na yun sa tamang panahon.

Huminga ulit siya ng malalim bago kinuha ang cellphone sa bulsa, agad niyang sinipat ito.

"COME HERE AT SCHOOL IN A MINUTE!!!!". Sigaw niya sa kabilang telepono na nakapagpagulat samin. Muntikan pa ngang mahulog sa kinauupuan niya si Flinch at nahulog naman ang kinakain ni Maki sa pagkagulat. "JUST COME HERE DYLAN OR ELSE I'LL BROKE YOUR BONES INSTEAD OF THIS ASSHOLES!" Singhal niya sa kausap at agad na pinatay ang tawag. Nagkatinginan naman kaming magbabarkada at ni isa ay walang gustong magsalita. Lahat ay nagmistulang maamong aso sa isang tabi at baka mabalingan pa ng galit. And who's Dylan anyway?

Walang sabi itong lumabas ng room.

"Saan ka pupunta? "Tanong sakin ni Blaze ng bigla akong tumayo. Balak kong sundan si yuki. May gusto lang akong malaman.

"Papahangin lang sa labas.".

"Sama kami. Ang boring dito."

"Kami din. "

Hays! Ano pa nga bang magagawa ko.

"Sa rooftop tayo. "..mungkahi ni Laxuz.

"Mas gusto kong sa hallway na muna tumambay. ".pahayag ko at hindi ko na sila inantay pang makapagsalita. Nauna na akong lumabas, at agad din naman silang sumunod.

Nandito kami ngayon sa may hallway na kung saan natatanaw ang parking lot. Nakamasid lang ako sa di kalayuan. Nandun si Yuki sa may harapan ng kotse niya habang naka-crossed arm. Loko-loko kasi 'tong mga 'to ,yung kotse pa talaga ni yuki ang napagtripan. Naalala ko din na meron din pala siya kaya siguro ang init ng ulo.

Napaayos ako ng upo ng biglang may humaharurot na naka-motorsiklo ang dumating. Ang lahat naman ay napatingin sa gawi nito ng tumigil ito sa tapat ni Yuki.

"Siya yung lalaki.".bulong ko ng tanggalin na nito ang suot niyang helmet, namukhaan ko kasi ito. Siya yung lalaking kasama ni Yuki sa convenience store kagabi. Yumukod ito ng konti na tila humingi ng paumanhin. Hmmm?

"Sino yan?"

"Boyfriend kaya niya yan?"

"Infairness, gwapo ah!akalain mo yun,makakabinwit siya ng ganyang lalaki.hahhah" hindi naman kasi makakaila na may itsura din ang lalaking yun. So siya si Dylan. Boyfriend niya kaya 'to? Eh di ibig sabihin, under siya ni Yuki. Napailing na lang ako sa naiisip.

"I want you to clean up that mess! "..rinig naming sabi ni yuki habang nakaturo sa kotse niya. Medyo malakas kasi yung pagkakasabi niya dito. Nangunot naman ang noo nung Dylan, na mukhang hindi alam ang gagawin. Pero mas mukha siyang kinakabahan."I want it be done before the dawn!".. May pagkadiin niyang sabi dito. "Or else all of you ,you're dead!". Saka niya ito tinalikuran at naglakad na deretso sa faculty room. Napakamot naman ang lalaki at napabuga ng hangin. Itinabi niya muna ang motor niyang ginamit bago siya sumakay sa kotse ni Yuki at agad na pinaharurut ito paalis.

"Tayo kaya ang tinutukoy niya?".. Biglang tanong ni Connor.

"Ang alin?"

"Yung sinabi niyang, all of you, you're dead.".. Sabay-sabay silang napalunok na siyang ikinangiti ko ng lihim.

I guess, this year will be the most exciting class so far. And it's because of Yuki.

Napangiti na lang ako sa naisip.

Shinorikin High: The Class 3D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon