Class 29: The Chaos

177 6 0
                                    

YUKI'S P. O. V

Im happy this past few days, not just because of having Mattheaus with me but also because of my students. Masaya ako kasi pakiramdam ko nag-mature na sila mag-isip hindi na sila yung isip-batang una kong nakilala. Marunong na din silang makinig. At ang pinaka-nakakatuwa sa mga nangyari sa mga nakaraang araw ay yung balitang narinig ko mula sa kanila, yung mga personal and family issues nila unti-unti ng naaayos like Laxuz, siya at si Margaux ay pareho ng legal sa kanilang pamilya. Hindi na din tutol sa relasyon nila ang Dad ni Laxuz dahil na din sa kinausap rin ito ni Lianne, who voluntarily drop the wedding out of the picture. Si Maki naman ay nakipag-ayos na sa poster parents niya. But I wonder, what if he found his real parents unexpectedly? Sino kayang pipiliin niya? Well, It still his choice and decision anyway. Si Flinch naman, alam kong medyo maayos na din sila ng parents niya but I think, It should need some more time to heal the fruit of a broken family.

Ang ilan naman, ay nagseseryoso na sa pag-aaral. Sa tingin ko, gusto na talaga nilang makagraduate next year. And I hope lahat sila makamit na ang kanilang diploma. I hope for their bright future ahead after this. Im Glad that Im able to tame those jerks and bastards. Hindi na kasi sila masyadong magulo.. -"

"TAMA NA YAN!"

"ano ba? Tumigil na nga kayo."

"Ano ba kasing problema ninyong dalawa? "

😑 Binabawi ko na yung sinabi kong hindi na sila magulo dahil Nadatnan ko silang nagkakagulo dito sa loob ng classroom. Nagkukumpulan sila na parang may inaawat? Inaawat? May nag-aaway ba? Nang dumako naman ang paningin ko sa upuan ni Mattheaus ay wala siya dito. Hmm? Himala, nakipagkumpulan din ba ang isang yun?

"Blaze, Flinch. Tumigil na kayo.". I know its Mattheaus kahit hindi ko siya makita.

"Gago kasi 'to!"

"Eh siraulo ka pala eh! Mas gago ka tol!"

Ano bang nangyayari dito? Naglakad ako palapit dito at sumilip mula sa likod. Sa sobrang intense nila hindi nila ako napapansin. Magkaharap sina Flinch at Blaze na may parehong pasa sa mukha, nagtititigan ng masama habang may nakahawak sa kanila upang pigilan sila sa pag-aaway. Napadako ang tingin ko ay Mattheaus na seryoso din ang itsura, nakahawak siya kay Blaze.

"Ako gago? Eh sino bang nang-agaw ng girlfriend ng may girlfriend? Di ba ikaw?". Asar na singhal ni Blaze sa nakangising si Flinch na tila nang-aasar pa.

"Correction! Hindi ko inagaw. Malandi lang talaga ang babaeng yun!" Sigaw pabalik ni Flinch dito. So nag-aaway sila dahil sa iisang babae? I didn't heard anything about it.

"Anong sabi mo?".nangangalaiting tanong ni Blaze na pilit kumakawala sa hawak nina Mattheaus. "Wag na wag kang magsasalita ng ganyan tungkol sa kanya!"

"Eh di ba totoo naman! Totoo namang malandi ang babaeng yun! Hindi mo ba nakikita pinaglalaruan ka lang niya? Ikaw na ngang binibigyan ng pabor, ikaw pa galit? Alam naman niyang tropa tayo pero nilalandi pa rin niya ako at hindi lang ako ang nilalandi niya madami pa. Pipili ka na lang ng babae pokpok pa!!" Lalong nagalit si Blaze at marahas na nakaalis sa hawak nina Mattheaus. Susugurin na sana niya si Flinch ng mapigilan ulit siya.

"Fuck you!!!"..pagwawala nito habang nagpupumiglas.

"Tanga!".pagkaasar ding singhal ni Flinch na mukhang gusto na ding manapak ng tropa.

"TAMA NA YAN!".. I interupt them with my cold voice habang hinahawi ang mga nakaharang sakin. Natahimik naman sila at napalingon sa dereksyon ko maliban na lamang sa dalawa na nakatitig pa rin ng masama sa isa't-isa.

"Yuki?".Mattheaus muttered.

"Nag-aaway kayo dahil sa isang babae?". Painosente kong tanong na siyang ikinatangis ng bagang ni Blaze at ikinangisi naman nitong si Flinch. Whatta reaction with this two idiots? Tss.

Shinorikin High: The Class 3D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon