Chapter 1

853 26 1
                                    

Naalimpungatan ako nang tumama sa aking balat ang sinag ng araw. Inaantok pa ako pero no choice kasi first day of school namin ngayon.

Hay! I want to sleep pa! Tinampal ko pisngi ko upang magising ako.

"Ma'am Celestine? Gising na po ba kayo?" rinig kong tanong ng aming katulong sa labas.

"Uh yeah"

"Nasa labas na po si Mang Lando para ihatid kayo sa school."

Tumayo ako at kinuha ko ang cellphone ko. May message ako galing sa kaibigan ko.

From: Sam
Tine! 1st day of school na!! I can't wait to meet you.

To: Sam
Miss mo agad ako? Wait, kakagising ko lang.

Binilisan ko na ang pag aayos. Pagkatapos kong mag ayos, kinuha ko na ang cellphone ko na nakapatong sa table at ang black bag ko.

Habang bumababa ako sa hagdan namin, inilibot ko ang mata ko sa mansion namin. Wala na naman sila Mom at Dad. They're so much busy. Unlike noon, na may time pa sila sa'kin. That's why nagtatampo ako sa kanila.

"Magandang umaga po Ma'am Celestine." bati ng aming mga katulong

Hindi ko sila pinansin at deretsong naglakad palabas ng bahay. Wala akong mood pumasok. Sa laki ng bahay namin, parang lagi akong nang-uulila. Kahit buhay pa ang parents ko, they're always busy on their bussiness. While my older sister, is also busy on her own boutique. Ako nalang ang nag-aaral sa'ming dalawang magkapatid. Sa isang taon ay malapit na din akong mag-college.

"Ma'am malelate na po kayo. Sakay na po." sabi sa akin ni Mang Lando, driver namin.

Tumango lang ako at pumasok na sa kotse. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang message ni Sam.

From: Sam
Gosh! Bilisan mo, malelate ka! I'm waiting..

Hay, I know.

To: Sam
Una ka na kasi.

Baka malate pa siya dahil sa akin. Ako pa sisihin niya. Sabi niya magkaklase daw kami.

From: Sam
Sige ha, una na ako. May nakita akong cute guy dun. Bilisan mo!

She's always like that. She's Samara Fuentes. My one and only friend. Actually, tatlo kaming magkakaibigan. But for some reasons, nagkawatak. Kaya kami na lang ni Sam ang natira, and I don't think that I can still trust other people, only Samara. Beside sa pagiging close namin, ay matalik din na magkaibigan ang parents namin. We have similarities, pareho kaming grade concious, fashionista.. well, a little bit. Ang pinagkaiba lang namin ay si Sam ay masiyahin at mabilis ma-attract sa mga lalaki. Unlike me, na sinasabihan nilang snobber at masungit..

Nang nakarating na ako sa school, dali- dali akong bumaba sa kotse. Wala na akong nakikitang estudyante sa labas malamang nagsisimula na ang klase at wala rin akong pake. Chineck muna nung guard 'yung ID ko. Pinalista niya rin ako sa listahan ng mga late na estudyante.

Celestine Ann Santiago

"Neng, late ka na bilisan mo" sabi nung guard. Buti na lang talaga mabait 'yung guard. Tinanguan ko na lang siya at mabilis na tumakbo. Nasa 2nd floor nga pala ang room ko. Hayaan ko na nga, mapapagod lang ako kung tatakbo ako, late pa din naman.

Habang naglalakad ako, may nadadaanan akong ilang room. Kaya binilisan ko ang paglalakad ko. Malapit na ako sa may hagdan papunta sa 2nd floor nang biglang...

"Miss!" Tawag ng hindi ko kakilala.
Kaya binilisan ko ang aking lakad paakyat sa hagdan at hindi na lumingon.

"Hoy miss!" Tawag ulit niya. Ang kulit! Nasaan ba ang room ko? Malayo pa ba? Ang kulit! Di ko siya kilala kaya bakit ko siya kakausapin?

The More You Hate, The More You LoveWhere stories live. Discover now