"My fiancee."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Laurence.
A-ang babaeng iyon.. si Shane! Ang babaeng kayakap ni Laurence noong nakita ko sila. Ang babaeng isang katanungan para sa'kin. Ang babaeng kinaiinggitan ko. Ay fiancee pala ng manliligaw ko.
Fiancee? Fiancee ni Laurence?!
"Excuse us.." sabi ng dad ni Laurence.
Tulala akong nakatingin sa likod nilang paalis. Nagtataka ang mga taong nasa paligid ko. Nagbubulungan sila at parang hindi makapaniwala.
Bago pa tumulo ang luha ko ay may isang taong humigit sa'kin palayo sa lugar kung nasaan kami. Tumigil kami sa pagtakbo at kusang gumalaw ang katawan ko upang mayakap ang taong nasa harapan ko ngayon. Patuloy lang ako sa paghikbi. Sinubukan kong pigilan ang luha ko pero lumalabas ito. Nabasa na ang damit niya dahil sa'kin. I'm so freaking uto-uto! May fiancee na pala ang suitor ko?
"Oh eto panyo. Tulo sipon ka na, kadiri." react niya kaya napatawa ako habang lumuluha. 'Diba parang baliw lang?
"Tingnan mo oh, basa na ang damit ko." reklamo niya. Umiling lang ako sa kanya at tumawa.
"Biruin mo.. may fiancee na pala ang nanliligaw sa'kin.." panimula ko. Natatawa ako na lumuluha.
"Bakit niya pa ako niligawan kung may nagmamay-ari na ng puso niya? Nahihibang na ba siya? Ginagawa niya lang akong tanga!" lumuluha kong sabi.
"Marami talagang gago sa mundo." bulong niya.
"Sabi niya sa'kin, gusto niya ako. Kung ganon nagsisinungaling lang siya sa'kin! Uto-uto nga talaga ako." naiiling kong sabi. Tahimik lang siyang nakikinig sa'kin.
"Jason.. may mali ba sa'kin? Para kasing ang dali lang na lokohin ang isang tulad ko.." I said. Umiling siya at pinunasan ang luha ko.
Naalala ko noong niloko ako ng first bf ko, si Shaun. Niloko din ako dati ng bestfriend ko, si Eunice. Ngayon naman, si Laurence. Pinaniwala niya akong gusto niya ako, pinaniwala nilang mahal nila ako! Niloko nila ako, at ako namang si uto-uto ay nagpaloko.
"Walang mali sa'yo. You're a perfect woman in my eyes." He said. Bago pa ako magsalita ay may biglang dumating.
"C-Cel!" tawag niya. Huminga ako ng malalim at upang maikalma ang sarili ko. Humarap ako sa kanya at malamig na tumingin sa kanya.
Celestine, don't cry. Ipakita mo sa kanya na hindi ka naapektuhan.
"I'm really s-sorry, Cel.." yumuko siya sa'kin. Habang ako ay seryosong nakatingin sa'kin.
"Totoong fiancee mo siya?" I asked coldly.
"Y-yes. Balak ko talagang sabihin sa'yo." he paused.
"Kung ganon kailan?! Kung hindi pa siguro dumating ang fiancee mo, edi hindi ko pa malalaman. At magmumukha pa akong tangang umaasa." seryoso kong sabi.
"Cel, inunahan ako ng takot. Sabihin mo ng duwag ako. Naduwag ako na baka magalit ka at hindi mo na ako pansinin. Gusto ko lang na--"
"Just straight to the point! I'm just wasting my time for your non-sense explanation!" naiinis kong sigaw. Naramdaman kong hinawakan ni Jason ang balikat ko, pinapakalma.
"Ititigil ko na ang panliligaw ko sa'yo." he said. I see pain and fear in his eyes. It hurts. Namumuo na ang luha sa mata ko. Halo-halo ang nararamdaman ko. Lungkot, sakit, inis..
"Hon? What happened here?" biglang sumulpot si Shane at nilapitan si Laurence.
"Tine/Celestine!" sabay na tawag sa'kin nila Sam at Leo sa malayo. Kahit nanghihina ay mabilis akong naglakad papalayo sa kanila.
YOU ARE READING
The More You Hate, The More You Love
Teen FictionIs it possible to fall inlove with a person you hate?