"Tell me Tine, may problema ka ba?" nag-aalalang tanong niya.
"Wala.." ngumiti ako.
"Hindi mo 'ko madadaan sa peke mong ngiti.." hindi na 'ko nagtataka kung may mapansin siya sa'king kakaiba. Kaibigan ko siya noon pa lang. Kaya kabisado na niya ang galaw ko.
"Oo na.." sagot ko. "Masaya ako, lalo na't manliligaw ko si Laurence. Pero.. noong nakita ko si Jason.." natigilan ako. Bakit ba Jason? "May kahalikang babae kanina. Nawalan ako ng gana.." nanlaki ang mata ni Sam.
"Don't tell me.." gulat siya. "You like Jason?" she asked.
"Ofcourse not! Lagi nga akong naiinis sa kanya eh.."
"Pero.. bakit nagselos ka kapag may ibang babaeng--"
"No! I'm not jealous!" singit ko.
"Indenial ka! Nagselos ka! Gusto mo si Jason!" umiling ako.
"Hindi pwede! Gusto ko si Laurence! At hindi si Jason! Hindi naman dalawa ang puso ko Samara.."
"Well, tingnan natin. Dadating din ang araw na malalaman mo kung sino talaga sa kanila ang gusto mo.." she said.
"No it can't be, Sam! I hate Jason! Hindi ko siya gusto.." nahihirapan kong sabi.
"Sa ngayon, 'yan ang opinyon mo sa kanya. Pero 'pag tumagal malalaman mo din.."
"Sam, naguguluhan ako.."
"I'm here for you, Tine.." bumuntong hininga ako.
"Samara.. Celestine? Kain na tayo girls.." tawag ni Tita Sarah, Sam's mom.
"Tara? 'Wag mo munang isipin 'yun ha.." tumango ako sa kanya. Inakbayan niya 'ko at sabay kaming bumaba.
"Celestine hija! Miss ka na namin!" biglang sabi ni Tito Ramon, Sam's dad.
"Miss ko na din po kayo, Tito, Tita.."
Malapit ako sa kanila. Dahil matagal ko nang kaibigan si Samara. Tuwing masama ang loob ko ay dito ako pumupunta upang magpalipas ng gabi. Sa tuwing wala akong kasama sa bahay dahil may inaasikaso ang parents ko, dito ako tumutuloy. At isa pa, ang parents ni Samara ay matalik na kaibigan nila Mom at Dad.
"Upo na kayo girls, nagluto ang ng Afritada!" sabi sa'min ni Tita Sarah.
"Wow, miss ko na din po 'yung luto niyo, Tita.." ngumiti ako.
"Oh ayan, kain kayo.." ang sarap talaga ng luto ni Tita Sarah.
"Hija, ba't ba hindi na napaparito sina Laira at Carlos?" tinutukoy ni Tita sina Mom at Dad.
"Ay busy po sa kanilang business at nito pong nakaraang araw na heart attack po si Dad.." pagkekwento ko.
"Ay naku, nagpapagod masyado si Carlos. Pasabi kay kumpare, maglalaro pa kami ng chess.." natawa kaming lahat. Adik kasi sila Tito at Dad sa paglalaro ng chess. Iyon ang kanilang libangan.
"Makakarating po.." sabi ko.
"Hija ikaw ba'y may manliligaw na?" biglang tanong sa'kin ni Tita.
"Oo naman Mommy!" si Samara ang sumagot.
"Buti ka pa Celestine. Eto kasi si Samara, walang pumapatol.." tawa kami nang tawa dahil sa sinabi ni Tito.
"Grabe ka naman Daddy..." ngumuso si Sam.
"Eh wala ka namang pinapakilalang lalaki sa'min. Mababalitaan ko na lang may boyfriend ka na agad tsk tsk.." naiiling na sabi ni Tita.
"Oo nga po, papalit-palit po ng boyfriend 'yan si Sam.." nilabas ko ang dila ko para mang-asar. 'Yan nakaganti na 'ko haha..
YOU ARE READING
The More You Hate, The More You Love
Teen FictionIs it possible to fall inlove with a person you hate?