Chapter 18

102 4 0
                                    

"Ate, w-what happened?" bulong ko kay ate.

Nasa labas kami ng room ni dad. While mom is in front of the room, talking to our family doctor.

"I heard, inatake sa puso si dad" ate said.

Matagal na naming alam na may sakit sa puso si dad. Kaya hindi namin siya ginagalit. And we don't know the reason kung bakit siya inatake sa puso ngayon...

Tapos na makipag-usap si mom sa aming doctor at wala sa sariling papalapit siya sa amin.

Kinakabahan na ako para kay dad. Ano kayang sinabi ng doctor kay mom? Sana naman okay lang si dad.

"Mom, what happened? Okay lang ba si dad?" ate asked.

"O-okay lang siya. He will be okay" tumango pa si mom at pareho kaming tiningnan. Tumigil ang tingin niya sa'kin. Mom is staring at me. Kinawayan ko siya.

"Mom? Are you okay?" nag-iwas siya ng tingin at tumango.

Huh? Why is mom staring at me??

"Uhm, mom.. pwede po ba kaming pumunta kay dad?" I asked.

"Yes, he's still resting" she said.

We went to his room. He's sleeping peacefully. Sabi ni mom, bata pa lang kami noong una siyang inatake sa puso. Kaso wala talaga akong matandaan na nangyari 'yun. Siguro masyado pa akong bata noon, kaya wala akong matandaan?

"Ate, sa tingin mo... bakit inatake sa puso si Dad?" pabulong kong tanong nang nakapasok na kami sa room ni Dad.

"I think because of their work. It's stressful." tumango ako sa sinabi na ate.

Parang... parang may ibang dahilan. Malakas ang kutob ko na hindi ito dahil sa trabaho. Marahil may problema sila at hindi lang nila pinahahalata ito sa'min.

Tinitigan ko si Dad na mahimbing na natutulog. Tiningnan ko ang kabuuang mukha ni Dad. Matangos ang ilong, manipis ang labi at ang kutis ay moreno. Gaya ni Mom at Ate. Naiinggit nga ako sa kanilang balat. Nagtataka ako kung bakit ako lang ang maputi sa aming lahat. Kanino ako nagmana ng kaputian?

Napabaling ako sa pintuan na kakabukas lang ni Mom.

"He'll be discharge by tomorrow. Kailangan lang niya ng rest sa bahay" mom said.

Tumango kami ni Ate.

"Umuwi na kayo Celena, Celestine" sabi ni Mom. Nanatiling nakatingin sa'kin si Mom.

Sabay kaming tumayo ni ate.

"Ikaw, Mom?" Tanong ni ate.

"Uuwi din ako. Mauna na kayo, dahil gumagabi na. Nasa parking lot na ang kotse natin" sabi ni mom at nakatingin pa din sa'kin.

May dumi ba sa mukha ko? Bakit laging nakatingin si Mom? Nevermind.

Sabay kaming umuwi at pagkarating namin ay dumeretso agad ako sa kwarto.

10 messages ang natanggap ko galing kay Jason! Hindi naman siya mahilig magtext noh?

Jason:
Where are you?

Jason:
Why are you not answering my texts?

Jason:
Are you busy?

Jason:
Hey, reply back.

Jason:
I'm worried.

Ilan sa mga texts niya. Seriously? Feeling boyfriend?

Biglang nagring ang phone ko at nakitang si Jason ang tumatawag.

The More You Hate, The More You LoveWhere stories live. Discover now