Chapter 25

92 5 0
                                    

"Stubborn, sweetheart.."

Napabalikwas ako ng higa. What happened?! Am I dreaming?

"Ugh!" Ang sakit ng ulo ko. Para akong may hangover! Sobrang sakit!

Inilibot ko ang paningin ko. Where am I? Malaki ang kwarto at nakahiga ako sa malambot at malaking kama. Amoy panglalaki ang kwarto na ito. This is not mine! Tiningnan ko ang ilalim ng kumot. Wala namang masakit, phew! Pero.. hindi ko damit ito! Naka white large t-shirt ako at pajama! Wth!

"WAHHH!!" sumigaw ako dahil sa gulat. Bakit iba ang damit ko?! Kung ganon.. kung ganon hindi panaginip ang nangyari sa bar!! Gosh! Anong sinabi ko kay Jason?! At anong nangyari kay Sam--

"What happened?" napatingin ako sa gilid. S-si Jason! Naka-topless at ang puting tuwalya lang ang nakatakip sa kanyang ibaba. I wonder kung ano ang nasa likod nito.. psh, what am I thinking?

"Nasaan ako?! Tsaka sinong nagpalit sa'kin ng damit?!" taranta kong tanong.

"You're in my condo. Si Manang Lei ang nagpalit sa'yo." seryoso niyang sabi. Nakahinga ako ng maluwag.

"Si Samara?" I asked. Saan na kaya 'yun?

"Nandito. Nasa kabilang room.." tumango ako.

"A-anong nangyari.. kagabi?" nahihiya kong sabi. Baka kung ano nang ginawa ko kagabi! Base sa itsura niya, para siyang galit? Matalim at seryoso siyang nakatitig sa'kin na para bang may malaki akong kasalanan!

"Naabutan kitang may kasayaw na lalaki at humahaplos sa binti mo. Sobrang lasing mo na hindi mo na matandaan." Wth?

"Eh?" speechless. Ginawa ko talaga 'yun? Sumayaw ako?!

"Kumain ka na, magbibihis lang ako." tumango ako. Kinuha ko 'yung pinggan na nasa gilid ng kama. Tocino and egg with rice.

"Ehe-ehem!" nabilaukan ako.

What the hell, Jason! Bigla niya kasing tinanggal ang puting tuwalya sa harap ko! Naka-boxer lang siya at.. at bakat! Bakat ang kung ano man 'yun!

"'Wag ka nga ditong magbihis!" inis kong sabi. Bigla na lang nagtanggal!

"This is my condo." he answered.

"So what? Nakain ako tapos.." napangiwi ako. "Ah basta magbihis ka na!" nag-iwas ako ng tingin.

Hindi ako makatingin dahil ayokong magkasala ang mata ko. A-ang laki.. gosh!

"Tss." at umalis na. Aba? Ba't parang galit sa'kin ang isang 'yun?

Pagkatapos kong kumain ay naisipan kong lumabas ng kwarto niya. Woah! Ang laki ng condo niya! May apat itong kwarto. Sino naman kaya ang gumagamit ng mga kwarto? Malaki din ang kitchen at living room.

"Oh. Inumin mo." Nakita ko si Jason na lumabas din sa kwarto. Ibinigay sa'kin ang isang baso, amoy tea. Ininom ko ito upang guminhawa.

"Bakit madaming kwarto?" I suddenly asked.

"Minsan ay nandito si Manang. At may mga kaibigan din akong pumupunta dito." sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

Psh! Hindi ako naniniwala. Kaibigan? Baka mga babae niya! Iniisip ko pa lang na may natutulog na babae sa mga kwartong 'yan nagagalit ako. Teka, ba't ako nagagalit?

"Walang babae na napunta dito." seryoso niyang sabi.

"So what? Tinanong ko ba?" mataray kong tanong. Tinalikuran niya 'ko.

"Wait!" tumigil siya pero hindi ako hinarap. "Yung bag ko?" I asked. Tinuro niya 'yung sofa at deretsong naglakad sa kwarto kung nasaan ako kanina. Don't tell me.. kwarto niya 'yun?

The More You Hate, The More You LoveWhere stories live. Discover now