"Miss!"
"Miss, gising na!" Tawag sa akin ng pamilyar na boses.
"5 minutes, antok pa ako eh." agang aga nanggigising.
"Miss, hapon na oh." napabalikwas ako ng higa. Aray! Sumakit yung ulo ko. Hapon na?!
"Anong masakit sayo? Sandali tatawag ako ng nurse." WTH? Si Laurence pala ang nanggigising sa'kin!
Teka ano bang nangyari? Ang naalala ko lang ay nasa comfort room ako tapos lumabas ako at nahilo. Tapos...
Nakita ko si Laurence tapos.... Ah! Di ko na maalala."Miss, oh pagkain." alok sa akin ni Laurence ng isang malaking burger at tubig.
"Hindi naman ako gutom, bakit ba ako nahima--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang tumunog ang tiyan ko. Namula ang pisngi ko.
"Ayan oh, gutom ka na nga." tumawa pa siya. Nakakahiya! "Hindi ka ba kumakain? Nahimatay ka kasi."
"Kagabi pa 'ko kumain." tipid kong sabi. Hindi ako nakapag breakfast at lunch. Kaya nahimatay ako sa gutom.
"Kaya naman pala eh. Oh eto na kain na ha." ngumiti pa siya sa akin. He's kind! Kaya ko siya naging crush eh. Tinanggap ko ang burger at nagsimulang kumain.
"Salamat." tipid kong sabi.
"Ang seryoso mo naman." nakangiti niyang sabi. Tumungo ako.
"Sorry, hindi kasi ako sanay eh. Tsaka nahihiya ako sa'yo." sinubukan kong ngimiti.
"Its fine. Bakit naman mahihiya ang magandang babae sakin?" Woah! Kinikilig ako!!
"Bolero ka." mahina kong sabi. Nahihiya pa din ako. Tumawa lang siya.
"Nga pala, ikaw si Celestine, right?" he asked.
"Kilala mo ako?" I asked. Shocked ako. Bakit niya ako kilala?
"Oo naman. Sikat ka kaya." ngumiti siya. Weh ako? Sikat? Imposible. "Eh ako bakit mo ako kilala?"
"H-huh? 'Diba sikat ka din? T-tsaka napapanood kita.. sa basketball." Nakakahiya nauutal ako. Oo basketball player siya. At lagi akong nanonood sa kanya.
"Wow, napapanood mo pala ako. Can I call you, Cel?" nakangiting tanong niya.
"Sure, if that's what you want."
"Boyfriend mo ba yung.. lalaki kanina?"
"Huh? Wala akong boyfriend." sagot ko.
"Kung ganon, bakit 'babe' ang tawag niya sa'yo?" Yari talaga sa akin yung Jason na yun! Nakakainis siya! Napagkamalan pa tuloy na bf ko siya. Kahit hindi, at never na mangyayari yun.
"Ah k-kasi nagpapapansin lang siya." sabi ko
"Oh okay, sorry di mo tuloy maubos yan. Kain ka muna. Mamaya na tayo magkwentuhan" sabi niya. Tumango ako.
"Okay." tinuloy ko na lang ang pagkain ko. Naiilang ako nakatitig kasi siya sakin kaya dahan dahan akong kumakain.
Is this true?! My crush is here infront of me! At kilala pa niya ako.
---
LAURENCE'S POV
Tinititigan ko si Cel habang kumakain siya. Kinabahan talaga ako kanina nung nahimatay siya.
FLASHBACK
Ihing ihi na ako. Pumasok ako sa comfort room. Pagkatapos kong umihi ay inayos ko ang buhok ko. Ngumiti ako sa harap ng salamin.
Maya maya ay lumabas na ako. Saktong paglabas ko nakita ko si Celestine kanina na nakahawak sa pinto. Parang nahihirapan tumayo. Naglakad siya at tumingin sa akin. Ngumiti ako ngunit bigla siyang natumba. Agad akong lumapit sa kanya. Anong nangyari?! Binuhat ko siya at dali-daling dinala sa clinic.
YOU ARE READING
The More You Hate, The More You Love
Teen FictionIs it possible to fall inlove with a person you hate?