KRING! KRING! KRING!
Ughh! Bwiset! Naantok pa ako! Ang aga pa, tumatawag na agad. Agad kong kinuha ang cellphone ko na nagvivibrate sa gilid ng ulo ko. Bakit nasa gilid ng ulo ko? Kasi... mahabang istorya. Sino kaya 'tong panira ng tulog ko?!
"Bakit?!" bungad ko.
[Init agad ng ulo ah. Malelate ka na]
"Ano?! Sino ba 'to?!" inis na tanong ko. Dahil tinatamad akong imulat ang mata.
[Si Jason it--]
Napamulat ako at napatingin sa cellphone ko. Mabilis kong pinatay ang tawag. Paano niya nalaman ang number ko?! Kahit talaga kailan, pinaiinit nito ang ulo ko.
Anong oras na ba? Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa gilid ng kwarto ko. Shocks! Malapit na magtime! Ahh malas! Bilis-bilis akong naligo, nagtoothbrush at nagpulbos. Wala naman kasi akong hilig sa make-up. Saka nagmamadali ako!Habang inaayos ang mga libro ko na nagkalat sa study table na ginamit ko kagabi ay biglang nagring ang cellphone ko. Dali-dali kong ipinasok sa bag ang mga kailangan ko sa school at saka sinagot ang tawag. Dahil alam kong si Jason na naman ito.
"Ano na naman ba?!"
[Nasa labas ako]
"The hell I ca-- what?!"
[Sinusundo kita]
"Why?! Umuna ka na nga may ginagawa pa ako!"
[Bahala ka]
Napaisip tuloy ako. Hindi pa naaayos ang kotse ko. Ayaw ko namang sumabay kay dad at ayaw ko ring magcommute. Wala naman sigurong masama kung sasabay ako sa kanya diba?
"Wait! Nandyan ka pa?"
[Nakaalis na]
"What?!"
[Why?]
"Wala" akala ko pa naman makakasabay ako.
[Just kidding! Haha! Kita ko dito yung nakasimangot mong mukha. Tara na!]
"Huh?" tumingin ako sa bintana at natanaw ko rin siya na nakadungaw sa bintana ng kanyang kotse.
"Psh! Eto na nga bababa na ako!"
Saka ko binaba ang tawag. Nagulat ako dahil may biglang kumatok sa pinto.
"Pasok!" sigaw ko habang inaayos ang uniform at kinukuha ang bag.
"Tine! Okay ka lang? Naririnig kita sa kabilang sumisigaw na parang may kaaway" nag-aalalang tanong ni Yaya Sanya sa akin.
"Ah wala po 'yun" nginitian ko siya para maniwala sa akin.
"Sige po, papasok na po ako" nakangiti ko pa ring sabi habang lumalabas kami sa kwarto ko.
"Okay, tara ihahatid na kita sa labas"
"W-wag na po. Kaya ko na po sarili ko" nakangiti kong sabi. Paktay ako kapag nakita nilang may sumusundo sa akin. Baka kasi iba ang isipin nila.
"O-okay" parang nagtatakang sagot ni Yaya.
"Nga pala, nasaan sila?" tanong ko habang bumababa na kami ng hagdan.
"As usual, yung dad mo nasa office niya at si Celena at yung mom mo nasa kitchen" ang hilig talaga nilang magluto samantalang ako, walang maasahan sa akin.
"Okay, bye Yaya" sabi ko at nagtatakbo palabas ng mansion. Sobrang bilis at halos hindi ko na tinitingnan ang dinadaanan ko.
Wah! Shete! Muntik na akong madapa sa bato na nakaharang sa daan dahil sa pagmamadali buti na lang hindi. Tsk! Malelate na nga ako muntik pang madapa. Lagi na lang akong late! Lumabas na ako ng gate at mabilis na pumasok sa pinto ng kotse ni Jason.
YOU ARE READING
The More You Hate, The More You Love
Teen FictionIs it possible to fall inlove with a person you hate?