CELESTINE's POV
"Uy seatmate" pangungulit pa rin niya. Ano ba yan? Di ko na maintindihan ang sinasabi ni Ms. Dragona haha joke.
"Sungit ni Cestine." nakangiti siya nang linungin ko siya. Can he just stop calling me Cestine?
"Notice your handsome seatmate.."
Inihagis niya yung notebook niya sa table ko kaya medyo napatili ako dahil sa gulat! Napasulyap yung iba naming kaklase sa'min pero hindi ito nagtagal.
"What?!" galit kong bulong.
Nakangisi niyang sinulyapan ang notebook niya at balik sa'kin. Sinulyapan ko ang notebook niya na makapal. Buntong hininga kong binuksan ito para matigil na siya.
Smile Cestine!
Yan yung nakasulat sa notebook niya. Kunot-noo ko siyang tiningnan.
"Tss, non-sense" bulong ko sa kanya at ibinalik sa kanya ang notebook niya.
Nakinig na lang ako kay ma'am kaysa makipag-usap sa isang lalaking walang magawa sa buhay.
Pero ilang minuto pa lang ang nakakalipas, may tumamang gusot na papel sa table ko. I glared at my seatmate na nakangisi. I opened it.
Lunch tayo mamaya?
Seriously?! I'm trying to listen to my teacher tapos kung ano-anong ginagawa niya?
You're distracting me, Mr. Seatmate. Kung gusto mong mapagalitan, 'wag mo na akong idamay!
'Yan ang reply ko sa kanya. Para matigil na siya. Tumingin ako kay ma'am bago ihagis ang papel sa katabi ko. Pero sa kasamaang palad...
"Ms. Santiago and Mr. Villanueva!" sigaw ni ma'am. Sabay-sabay na napalingon ang mga kaklase ko sa'ming dalawa.
"What are you two doing in the middle of the class?!" tumingin ako sa katabi ko at hindi alam ang sasabihin!
"Hm, we're just talking---" hindi niya naituloy ang sasabihin niya.
"Yeah! Talking in my class?! Now, go to the detention room! The both of you!" galit na sabi ni ma'am.
Hala! Shit! Baka malaman nila mom, lalo na ni dad! Yari ako, kung sakali! Kasalanan ito ni Jason eh!
Nagsimula na magbulungan ng mga kaklase ko.
"Nagpapapansin lang yan kay Jason ko"
"Gusto lang niya makasama si Jasonmyluvs"
"Attention seeker"
"Sana ako na lang yung nadetention, para makasama ko siya ahihih"
Ay sana nga, palit tayo girl kung pwede lang. Tss!
"Hoy tumahimik nga kayo!" Sigaw 'yan ni Sam. Kaya love ko 'yan eh.
"QUIET!" Sigaw ni ma'am. Inirapan ko silang lahat bago lumabas.
Ganun na lang?! Judgemental naman pala ng mga kaklase ko! Sa tingin ba nila, may gusto ako sa lalaking iyon?! Ni ayaw ko nga siyang kausapin eh! At mas lalong ayaw ko siyang kasama, tsk!
Dumeretso ako sa detention room at pumunta sa pinakadulo. Buti na lang dala ko yung cellphone ko. Teka, nasaan kaya yung lalaking yun. Oops, hindi ko siya hinahanap, nagtataka lang ako kasi pareho kaming pinapunta ni dragona dito sa detention room pero wala siya. Bahala siya sa buhay niya.
Kinuha ko yung cellphone ko at nag facebook. May status yung crush ko. Si Laurence Reyes. Hearthrob ng school at basketball player. Isa sa matalino sa school at sobrang gwapooo!
YOU ARE READING
The More You Hate, The More You Love
Fiksi RemajaIs it possible to fall inlove with a person you hate?