Chapter 24

88 6 0
                                    

May mga bagay na hindi natin alam na mangyayari. Hindi ko alam kung ano ang sarili kong nararamdaman. Hindi ko matukoy. Naguguluhan at natatakot ako sa hindi mawaring dahilan.

Indenial ka! Nagselos ka! Gusto mo si Jason!

Ikaw lang ang nakakaalam ng nararamdaman mo. Sarili mo lang ang makakasagot sa mga katanungan mo, Tine..

Naglalaro sa isip ko ang mga sinabi ng kaibigan ko. Sarili? Ako lang ang nakakaalam? Ni hindi ko nga matukoy kung ano ang nararamdaman ko sa kanya. Paano ko ba malalaman? Kung mismong sarili ko ay hindi ko na maintindihan.

Well, tingnan natin. Dadating din ang araw na malalaman mo kung sino talaga sa kanila ang gusto mo..

Sana nga, sana nga dumating na ang araw na 'yon. Nang hindi na ako mahirapan pa. At walang masaktan pa. Ayoko nang patagalin.

"Uy Tine! Wake up, sleepy girl!" kanina pa 'kong gising pero tinatamad pa 'kong bumangon. Hayst! Wala ako sa mood..

"Samara! Wala namang pasok ah? 'Wag kang maingay!" sabi ko habang nasa ilalim ng unan ang ulo ko.

"Kahit na! It's time for fun! Hindi pwedeng maghapon kang magmukmok ka sa kama ko. It's weekend heller.." hinila niya ako kaya talagang bumangon na 'ko.

"Ano na namang plano mo?" ngumisi siya at ang ngising 'yon ang hindi ko talagang nagustuhan. Sinabi niya sa'kin ang plano habang nanlalaki ang mata ko. Is she crazy?!

"What the hell, Samara? Seriously? We're underage! Do you think makakapasok tayo sa bar? No Sam! Baka mapatalsik tayo doon!" humalukipkip ako at matalim siyang tiningnan.

"Tine! Friend ko 'yung manager! Kaya don't worry.." ngumiti siya.

"Ano?! Anong friend ka dyan? Hindi pa din ako sasama! Hindi ako sanay sa ganyan.." sabi ko. Pero talagang mapilit siya.

"Ex boyfriend ko 'yung manager! Hihi, nakapunta na pati ako doon dati. Tsaka hindi kita papabayaan doon noh? We should have fun!"

--

Natuloy kami sa bar na tinutukoy ni Sam. At totoong nakapasok kami kahit underage. Gosh! Sinalubong ako ng makukulay at nakakasilaw na ilaw, pati na rin ang dumadagundong na musika at talunan ng mga tao. Siksikan ang tao at naamoy ang pinagsamang pawis at alak. Mygod! Bakit nga ba ako pumayag na sumama kay Sam! Hindi nagtagal ay may upuan na din kami na ini-provide ng 'friend' ni Samara.

"Okay na ba kayo dito?" tanong ng manager or friend ni Sam.

"Yes! Salamat! By the way, this is Celestine, my friend. Tine, this is Bryan! The manager!" nilakasan niya ang boses niya upang marinig namin.

"Uh thanks Bryan!" ngumiti siya.

"You're welcome, Celestine! Iwan ko na kayo girls! Enjoy the party!!" at umalis na siya.

I am wearing a short dress na mukha nga namang pangparty. At suot ko ang pamatay na heels ni Sam. Jusmiyo! Pati si Sam ay ganito ang suot, kaso mas matangkad ako sa kanya. Hindi kami napagkamalang highschool! Well, malapit na din naman kaming mag-college..

"Tine! Oh shot!" binigay niya sa'kin ang isang baso na sa wari ko ay Tequila. Nakainom na ako dati nito. Tinanggap ko at ininom ito. Kumuha pa ako ng isang shot hanggang sa nakarami ako nang hindi ko namamalayan.

"Hi boys!" may papalapit na dalawang lalaki sa'min ni Sam. Oh no! Umupo ang dalawa sa magkabila naming gilid.

"Hi! I'm Samara! And this is Celestine!" marunong talagang makihalubilo si Sam, 'di tulad ko.

"Hey! Celestine, nice to meet you. I'm Anderson!" inilahad niya ang kamay niya. Siya ang nasa tabi ko. He looks like an American guy. And he's handsome and tall!

"Uh nice to meet you too! Are you an American?" I'm trying to start a good conversation.

"Yes! But I know how to speak Tagalog! But, onti lang.." tumawa ako. Hindi tuwid magtagalog!

"You're cute!" natatawa kong sabi. Sila Sam at isa pang lalaki ay may sariling mundo.

"Salamat! Do you want to dance?" I think he's harmless. Hindi pa ako nakakapayag ay dinala na niya ako sa dancefloor. Ginaya ko ang galaw niya. Gumiling ako at nagtatalon. Halos magdikit na ang katawan namin ni Anderson, dahil sa siksikan. May naramdaman akong humaplos sa binti ko! Nahihilo na din ako. Mukhang tinamaan na din ako ng alak.

"Oh! Aray!" matutumba na sana ako nang biglang may sumambot sa'kin.

"Thanks Anderson!" papikit-pikit kong sabi. Napatili ako nang bigla niya akong binuhat!

"Hey! Put me down!" natatakot ako! Bakit ako binuhat ni Anderson?

"AHHHH!" sumigaw ako pero hindi ito sapat para marinig nila dahil sa ingay ng tugtog. I need to find Samara! Nang makalabas kami ay ibinaba niya din ako.

"Anderso-- w-what are you doing here?" Am I hallucinating? Siya ba talaga ito?

"Ikaw? What are you doing here?!" galit na sigaw niya sa'kin. Napayuko ako dahil sa sigaw niya.

"I-I'm sorry. Why are you here? You're underage! Anong pumasok sa isip mo at pumunta ka dito?!" hinarap ko siya. Kita kong galit pa din siya.

"May kasama naman ako! Tsaka ikaw din, underage ka!" ngumuso ako. Kumirot ang puso ko na maisip na baka kaya siya nandito ay para humanap ng babae?

"Lalaki ako! Ikaw, babae ka! At--fvck anong suot 'yan?! Kita na ang buong hita mo! Hindi mo ba alam na may humahaplos sa'yo kanina!" sarkastiko akong tumawa.

"Ano bang pakialam mo?! Bakit galit na galit ka?! Bakit ikaw?! Andito ka para maghanap ng babae 'diba?! Ako naman ay nandito para lang magsaya! What's wrong with that?!" mahaba kong sabi.

"Magsaya?! Uminom ka ng marami at-- fvck! May kasayaw ka pang lalaki!" kanina pa siyang nagmumura! Pulang-pula ang mukha niya sa galit! "And hindi ako humahanap ng babae. I'm here 'cause of you, sweetheart.."

"Wala kang pakialam!" tumalikod ako sa kanya at babalik na sana sa bar nang bigla niya akong hinigit sa papulsuhan. Ang sakit! Ang higpit ng pagkakahawak niya.

"Where do you think you're going?!" galit niyang tanong.

"I'll find Sam! Bitawan mo nga ako!" nangilid ang luha ko habang nakatingin sa kamay niyang hawak ang papulsuhan ko. "Jason! Nasasaktan ako!" tumulo ang luha ko. Nanlalaki ang mata niya at bigla niya itong binitawan.

"Shit!" niyakap niya ako. "I'm sorry, sweetheart..." naging malambing ang boses niya. "I'm just worried about you and jealous.." bulong niya. Nagmumura pa siya habang yakap niya ako. Binitawan na niya ako.

At dahil sa gulat sa sinabi niya ay nagmamadali akong tumakbo! Paekis-ekis ako lumakad! Para akong matutumba dahil sa sobrang hilo at pag-ikot ng paningin ko.

"Cestine! Don't fvcking run!" naramdamam ko na lang na buhat niya ako.

"Shit! You're so drunk!" habang buhat niya ako ay bumibigat na ang talukap ko. Ramdam ko na nilagay niya ako sa kotse niya. Pinitik niya ako noo ko.

"Ouch! Don't hurt me.."

"Stubborn, sweetheart.."

---

Isha-Rie

The More You Hate, The More You LoveWhere stories live. Discover now