Chapter 5

172 7 0
                                    

CELESTINE's POV

"Hindi mo talaga ako matiis noh?"  Nakasmirk na sabi ni Jason. Basang basa na siya tapos kapag nagkasakit baka ako pa ang masisi niya!

"Faster! Baka magkasakit ka!" Nakatayo lang kasi siya sa unahan ko.

Dali dali siyang tumabi sa akin kaya't nagkabanggan kami at muntik na akong matumba. Inakbayan niya ako upang hindi matumba. Nababasa na din ako.

"Bitawan mo nga ako! Tsansing ka ah." Sigaw ko. Binitawan niya ako kaya muntik na ulit akong mahulog ngunit sinalo na naman niya ako.

"Oh bibitawan ba ulit kita?" Tanong niya. Umiling na lang ako. Naglalakad kami habang nakaakbay pa rin siya sa akin. Maliit lang ang payong kaya't sobrang magkadikit kami at nababasa na rin ang tagiliran ko dahil sa basa niyang damit.

Dug dug. Dug dug. Dug dug

Nilingon ko siya. Nakatingin at nakangiti siya sa akin at... sobrang lapit ng mukha ko sa kanya. Halos mag ki--- erase erase!

Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Maya maya ay nakarating na kami sa tapat ng gate namin. Sinalubong kami nung guard.

"Ma'am okay lang po kayo? Pasok na po." Sabi nung guard.

"Okay lang po kami kuya" nakangiting sabi ni Jason. Siya ba ako?

Deretso lang kami hanggang nakarating sa tapat ng malaking pintuan. Tinanggal na niya ang pagkaka akbay sa akin. Sa wakas!

"Your house is so big!" manghang sabi niya. Parang familiar na naman. Malaki nga ang bahay namin pero ako lang ang nakatira. Walang kasamang pamilya. Sana umuwi na sila.

"But, sinong kasama mo dito?" dagdag niya. Habang kami ay pumapasok sa mansion ay nililibot niya ang kaniyang paningin.

"Our maids."

"Where's your family?" Tanong niya. Daming tanong, hindi ko lang alam kung bakit ko siya sinasagot.

"Hmm. Yaya makikihanda ng damit para sa kanya." sabi ko sa yaya namin na nasa gilid. Iniba ko ang topic namin. Ayokong pag-usapan ang family ko kasi malulungkot lang ako.

"Jason pinapaha--- nasaan ka?" pagtingin ko kasi sa likod ko nawala siya.

"I'm here!" sigaw niya. Bakit siya nandun!

"Oh so, meron ka palang kapatid. She's pretty too. Eto oh, kahit nung bata ka, ang seryoso mo" Tanong niya. May hawak siya pero hindi ko makita. Kinakabahan ako, baka nakita niya yung picture!

"How did you know?" nagtataka kong tanong. Pinakita niya sa akin ang hawak niyang Family Picture. What the--! Sabi na nga ba eh!

"Pakielamero!" tumalikod ako at dali-daling umakyat ng hagdan. Nang nakarating ako sa tapat ng pinto ay pumasok ako. Agad ko itong inilock.

"Cestine." tawag niya sa akin habang nakatok. Sinundan niya pa talaga ako!

"Sa kabila ang guest room. Dadalhin na ang damit mo" sabi ko.

"Okay. Sorry." palayo ng palayo ang yabag ng paa niya.

Tiningnan ko ang hawak kong Family Picture. Sa pagkakatanda ko itinaob ko ito sa ibabaw ng piano namin. Dahil ayaw kong makita ang larawan na ito. Nasa gitna ni Mom at Dad si Ate. Masaya ang kanilang mga mukha. Samantalang ako, nasa gilid at seryoso ang mukha na nakatingin sa pamilya ko. Malungkot ako.

Mapait akong ngumiti nang maalala ang pangyayaring iyon.

Flashback

"Mom, I want that balloon"

The More You Hate, The More You LoveWhere stories live. Discover now