Chapter 4

190 10 0
                                    

JASON's POV

Tatayo na sana si Cestine ng biglang dumilim ang paligid. Kailangan kong humingi ng tulong. Siguradong kami na lang at yung guard ang tao dito.

"Diyan ka muna Cestine, hihingi lang ako ng tulong." sabi ko habang nakatingin sa pinto.

"P-please d-don't lea- ve" nangangatal niyang sabi. Namumutla na rin sya at hindi makahinga. Agad akong lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang mukha niya. Lumuluha na rin siya. Anong gagawin ko?! Hindi na siya makahinga! Niyakap ko siya. Sobrang higpit. Hinihimas ko rin ang kanyang ulo. Sana effective. Nasasaktan akong makita kang ganito. Ilang minuto na akong nakayakap sa kanya. Bakit hindi siya gumagalaw?! Dahan dahan akong bumitaw sa pagkakayakap at hinarap siya. Natutulog na pala siya. Pinunasan ko ang luha na natuyo sa kanyang mukha.

"Kahit matapang at masungit ka, may kahinaan ka rin pala. Andito lang ako lagi sa tabi mo. Hindi kita iiwanan. Kahit hindi mo ako pinapansin. At kahit hindi mo na rin ako naaalala. Ipapaalala ko sayo ang lahat" nakangiti kong sabi.

Kinuha ko ang cellphone ko. Nagtext pala si Daddy.

From: Daddy
Nakita mo na siya?

To: Daddy
Yes dy, you're right. Hindi na niya ako naaalala.

From: Daddy
It's okay son. Ipaalala mo na lang.

To: Daddy
No dy, gusto ko siya mismo ang makakaalala. Nga pala dy, we're here in school. And it's so very dark here. Can you do me a favor?

From: Daddy
What is it?

To: Daddy
Ipasundo mo kami sa school. Iuuwi ko siya sa bahay nila.

Simula nung mawala si Mommy, si Daddy ang laging nag-aalaga sa akin. Siya ay ang aking Daddy and Bestfriend. Maya-maya ay nagtext na sa akin ang driver. Tiningnan ko si Celestine. Ang ganda niya talaga. Hindi pa rin siya nagbabago, masungit pa rin.

Gigisingin ko sana siya kaso naisip ko na baka mangyari na naman yung kanina. Takot siya sa dilim. Kaya hindi siya makahinga kanina.

Dahan dahan ko siyang binuhat at lumabas. Ilang minuto na kaming naglalakad nang bigla kong nakasalubong si Manong Guard na may hawak na flashlight.

"Oh sir anong nangyari?" Tanong niya sa akin

"Manong, nakatulog na eh. Huwag kang mag-alala Manong. Alam na ni Daddy." sabi ko

"Hay salamat. Baka mapagalitan ako ni Boss kapag nalaman niyang may naiwan palang estudyante sa loob ng school niya" Yes, si Daddy ang may ari ng school na ito. Tanging yung adviser lang namin ang nagtataray sa akin tapos lahat ng natirang teachers kilala ako. Yung mga estudyante, hindi pa nila alam kasi bago pa lang ako sa school ni dad.

"Una na kami, Manong."

"Sige ingat kayo sir."

Naglakad na ako palabas. Nang nakarating na ako sa may parking lot, agad kong nakita ang kotse ko. Dahan dahan kong isinakay si Celestine. Tumabi ako sa kanya.

"Kuya, dito muna tayo, hihintayin ko lang na magising siya." sabi ko sa driver

"Sige sir, pwede ho bang lumabas muna para bumili ng tubig?" Tumango ako at lumabas na si kuya.

Tinititigan ko si Celestine. Kahit kailan hinding hindi ako magsasawang tingnan ang mukha mo.

"Sonson, don't leave me." nagulat ako nang biglang nagsalita si Celestine.

Biglang naimulat ni Celestine ang kanyang mga mata. Gulat siyang tumingin sa akin.

"Jason! Anong ginawa mo sa akin?!" Habang nakayakap sa katawan niya. Ang OA. Napa-face palm ako.

"Wala akong ginawa sayo Cestine."

"Kung wala eh bakit ako nandito? Sa kotse.. mo?" habang inililibot ang kanyang mata.

"Iuuwi kita nakatulog ka sa balikat ko. Hindi ko alam kung saan ang bahay niyo." namula siya.

"Siguro minanyak mo ako noh?" tumawa ako sa kanya.

"Manyak? Sa gwapo kong ito?" ngumisi ako nang napangiwi siya.

"Uuwi na 'ko." akmang bababa na siya nang bigla ko siyang pinigilan.

"Matapos kitang bantayan, tatakbuhan mo na ulit ako" nagpaawa pa ako. Tiningnan ko siya. Umupo ulit siya ng ayos at parang hindi mapakali. Parang nakokonsensya sa akin.

"Okay hatid mo ko." sabi nya. Dumating agad ang driver ko. Sinabi niya ang address ng bahay niya. Nang nakarating kami ay agad na bumaba si Celestine.

"Uy sandali." hinabol ko siya. Nasa may gate kami nang tumigil siya at humarap sa akin.

"Bakit?" nag evil grin ako, may naisip ako.

"Di ka man lang magsasabi ng magic word?"

"Hindi." sagot niya. Aba! Hahaha.

"Matapos kitang ihatid. Hindi na nga ako nakapagpahinga ng ayos eh kas---"

"W-wait. Tahimik. Oo na eto na hmm" nakasimangot siya haha ang saya niyang asarin. Super cute. Kahit nakasimangot, ang cute.

"I'm waiting, say the magic word"

"Oo na! T-t-thanks."

"Hindi ganyan! Yung hindi na uutal"

"Edi thank you!"

"Hindi rin. Dapat sincere" hahahaha sorry celestine. Huminga siya ng malalim.

"Thank you sa pagbabantay sa akin" sincere na sabi niya.

"Kaya mo naman pala eh." tumawa ako

"Pinagtitripan mo lang ako!" Inis na sabi niya. Maya maya ay biglang sumulpot si kuya na taranta ang mukha.

"Sir! Sir! May emergency po sa bahay namin! Sir pwede po bang umalis na ako, iiwan ko na lang po sa inyo yung kotse." tarantang lumapit sa amin si kuya

"Wag na kuya, ako na lang ang magcocomute." nakangiti kong sabi

"Sigurado po kayo sir? Kaya niyo po?" Tanong niya

"Oo naman, bilisan mo na hinihintay ka na sa bahay niyo. Ingat"

"Ingat din po sir. Salamat po" sumakay agad siya sa kotse at umalis.

"Sige Cestine aalis na rin ako." naku maglalakad pa ako palabas. Subdivision kasi ito kaya lalabas pa ako. Hindi na ako sanay magcommute.

---

CELESTINE's POV

Nagpaalam na sa akin si Jason. Habang naglalakad siya paalis ay nakatanaw lang ako. Paglingon niya ay agad akong umiwas ng tingin.

"Cestine pumasok ka na sa loob!" Sigaw niya kasi medyo malayo na siya. Sinunod ko naman ito. Binuksan ko ang gate at pumasok na sa loob. Umakyat ako sa 2nd floor at pumunta sa may bintana. Tinanaw ko ulit siya. Malayo na siya. Marunong kaya yan magcommute? Baka maligaw.

Maya maya ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nakatingin lang ako kay Jason. Basang basa na rin siya. Bakit hindi muna siya pumunta sa ilalim ng puno para sumilong?!

Baka magkasakit pa yan at ako pa ang sisihin. Ugh! Lintek na konsensya to! Bumaba agad ako at kumuha ng payong. Pagkalabas ko ng pinto ay inutusan ko ang guard namin na buksan ang gate.

"Ma'am saan po kayo pupunta?" Tanong sakin ng guard. Di ko na sya pinansin at lumabas na ng gate.

Malayo na si Jason. Paano ba yan?! Sigaw na nga lang ako.

"HOOOOOOY!" Sigaw ko

"Hindi ako si hoy!" Naglalakad pa rin siya sa gitna ng ulan habang ako hinahabol pa rin siya. He's so stupid. Paano kung magkasakit siya sa ginagawa niya?

"JASOOON!" sigaw ko ulit. Ngayon naman ay lumingon na siya. Nagsmirk pa.

Grr! Kung hindi nga lang ako nakokonsenya! Nakakainis!

---

Isha-Rie

The More You Hate, The More You LoveWhere stories live. Discover now