Chapter 12

147 2 0
                                    

We are here in Starbucks at hinihintay namin sila Sam at Leo.

"Hihihi yaw na" tawang tawa siya habang kinikiliti ko siya.

"Okay stop na. Hehe. Ako si Celestine. Ate Celestine" napanguso siya sa sinabi ko.

"Bakit?" tanong ko

"Cestine" nakangiti niyang sabi. Napasimangot ako at napatingin kay Jason na nasa harap namin at pinapanood kami. Napapatawa siya dahil sa sinabi ni Gelai.

"No. It's Ce-les-tine. Celestine" pagtatama ko

"Ce-cestine"

Bakit ba ganun yung pagpronounce nila sa name ko?

*pout*

"Sabayan mo ako. Ce-les-tine" sabay niya sa akin.

"Celestine/Cestine" sabay naming sabi. Nagpout ulit ako at tatawa-tawa naman ni Gelai.

"Aha pinagtatawanan ako ni Baby Gelai huh?" saka sinimulan siyang kilitiin.

"Hahaha, top n--hihihi t-top na" ang sarap sa tenga ng kanyang tawa. Parang musika. Nakakagaan ng loob. Napangiti ako at tinigilan na siyang kilitiin.

"Para talaga kayong mag-ina" napabaling ang tingin ko kay Jason na nasa harap namin.

"Hahaha hindi nga! Nakita mo na nga kanina yung magulang nila 'di ba?"

Oo, kanina bago umalis 'yung kotse ni Jason ay may nakita kaming isang lalaki at babaeng na sa edad 30's at mukhang mag-asawa. Umiiyak 'yung babae at sumisigaw. 'Yung lalaki naman parang hindi mapakali at may tinatawagan. Binuksan ko yung bintana kaya narinig ko 'yung sinisigaw nung babae.

Flashback

"Baby Gelai! Where are you?"

"Hon, a-anong sabi n-ng mga pu-pulis?"

"Wala pa daw silang nahahan--"

Bumaba ako kasama si Jason at Gelai. Napatingin sa amin ang mag-asawa. At nagulat sila nang makitang buhat ko si Gelai.

"Baby Gelai! Huhuhu"

Ibinigay ko agad sa babae si Gelai.

"Miii!" sigaw ni Gelai at humalik sa nanay niya. Ang saya nilang panuodin.

"Baby, saan ka ba nagpunta?" nag-aalalang tanong nung tatay.

"Uhm, nakita ko po siyang nag-iiyak doon" turo ko sa playground.

"Ganun ba? Ineng salamat huh. Hindi talaga namin alam ang gagawin namin kung mawawala siya" ang saya nilang panuorin. Sana ganyan din sila sa'kin

"Ako si Melai, siya si Gelo, asawa ko"

"Celestine" sabi ko. napatingin ako kay Jason na nakangiti. "Siya si Jason"

"Uhm, sige. Una na kami" tumalikod na ako ngunit...

"Waaaahh!! Gusto ko tama!" napalingon ako kay Gelai na nakaturo sa amin.

"Huh? Baka nakakaabala na tayo sa kanila baby"

"Uwaaa! Ate! Ate! Huhuhu" bigla na lang umiyak si Gelai.

"Okay lang po sa amin" nakangiti kong sabi dahil na-eexcite akong mag-alaga.

"Sigurado ka, neng?" tanong nung tatay.

"Oo naman po!" masiglang sabi ni Jason.

"Ang bait niyo namang magkasintahan"

"U-uh h-hind---" tinakpan ni Jason ang bibig ko.

The More You Hate, The More You LoveWhere stories live. Discover now