Chapter 13

121 4 0
                                    

Nakaawang ang bibig at nanlalaki ang mata ko nang nakita ko siya.

I was so shocked. I did not expect na makikita ko siya ngayon. After all these years?! Ngayon lang siya magpapakita!

Namuo ulit ang pinaghalong galit at sakit sa puso ko.

"What are you doing here?" malamig kong tanong.

"I-i'm going t-to talk to you--" napatingin siya kay Jason na seryosong nasa likod ko.

"--in private. Just the two of us."

"For what? Ang alam ko kasi... wala na tayong dapat pag-usapan"

"Mero--"

"Matagal mo na akong iniwan kaya wala na dapat!"

"Please, let me explain." pagmamakaawa niya.

"Hindi ko gustong mangyari yu--" dagdag niya.

"Ginusto mo yun! Tsaka di 'ba sinabi kong ayaw na kitang makausap. Matagal na tayong tapos! I moved on, so you should too!" galit kong sigaw.

He is Shaun Lacson. My ex. He also came from a rich family.

He started courting me when I was 2nd year in high school. 7 months siyang matiyagang nanligaw. Then, sinagot ko siya sa mismong birthday niya.

Until one night, I was about to surprise him because it was our monthsarry that's why I went to his condo. Pero, ako yata ang nasurprise.

Flashback

I am so excited! I'm thinking of what will be his reaction.

He texted me earlier. He said that he is sick. Kaya pupuntahan ko siya ngayon para alagaan. Meron akong spare key ng condo niya.

When I open the door, I saw nothing. Ay may sakit nga pala siya, baka nasa kwarto.

Napansin ko ang pink na sling bag sa ibaba ng sofa. Pinulot ko ito.

Kanino 'to? Imposibleng sa kanya at hindi rin naman sa akin. Kumakabog ang puso ko sa kaba.

What if.. mayroon siyang babae?
No! No! Hindi ko siya dapat pinag iisipan ng masama. May tiwala ako sa kanya. Mahal niya ako kaya hindi niya ako lolokohin.

Naglakad na ako patungo sa kwarto niya, dala pa rin ang sling bag. Pagbukas ko ng pintuan ay nabitawan ko ang sling bag at nakatulalang nakatingin sa kaniya, sa kanila.

Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Tama nga ang hinala ko.

Nakatopless siya at may kahalikang babae. It hurts a lot, lalo na't ang babaeng yun ay si Eunice, my bestfriend. Gulat at nanlalaki ang mata nilang nakatingin sa akin.

"C-celestine" gulat na tanong ni Shaun.

"Bes, let me explain" what?!! Bes? Plastic, traydor at ahas!!

"No need, sapat na 'yung nakita ko" pinalis ko ang luhang nasa pisngi ko.

Gusto ko silang sigawan! Gusto ko silang saktan! Pero.. nanghihina ako dahil sa nangyayari. Nasasaktan ako.

"Continue and enjoy" sarcastic kong ngiti at tumalikod na.

Nakakadiri sila! Mga traydor! Walanghiya!

Mabilis akong tumakbo palabas ng condo niya. Tumulo na naman ang isang butil ng luha ko, hanggang sa may sumunod, ng sumunod. Nagblur na ang paningin ko.

Lumingon ako at umaasang hahabulin niya ako, pero wala. Akala ko lang pala. Napahagulgol ako sa sakit.

End of flashback

The More You Hate, The More You LoveWhere stories live. Discover now