Chapter 16

115 6 0
                                    

JASON's POV

Pumasok na ako ng classroom at nakita kong hinigit si Celestine nung kaibigan niya.

"Jason! I heard kayo ang may-ari ng school natin." bungad sa akin nung babaeng nasa unahan ko. Finna yata ang pangalan? Ewan ko.

"Yeah" bored kong sagot at hinihintay na dumating si Celestine. Saan kaya pumunta 'yun?

Hindi ko alam kung bakit kumalat sa campus ang pagiging may ari ng school namin. Actually, hindi naman talaga ako ang may ari, si daddy.

Kanina pa akong kinakausap ni Finna pero tanging tango at iling lang ang sagot ko. Ang tagal naman ni Celestine. Naiinip na ako.

Ilang minuto na siyang wala. Naiinip na talaga ako.

Tumayo ako para hanapin si Celestine nang bigla akong higitin nung Finna.

"Where are you going?" malambing na sabi niya. Hindi ko siya pinansin at tumakbo na palabas.

Wala akong panahon para sa'yo. Ang kailangan ko ay si Celestine.

Palinga-linga ako pero wala pa ring bakas ni Celestine. Nakita ko 'yung lalaking brown ang buhok. Leo yata, malay ko.

"Nakita mo ba si Celestine?" seryoso kong sabi.

Nakatunganga lang siya sa akin. What happened to him? Ganon ba talaga kalakas ang dating ko kaya pati lalaki nahuhulog sa akin.

"Where is she?" kunot-noo kong sabi

"I d-don't know" sagot niya.

Naghintay ako sa sasabihin niya tapos 'yun lang. 'Yung lang ang sasabihin niya?

Nakatitig siya sa akin kaya tinalikuran ko na lang siya. Is he gay? Para kasing hinuhubaran na niya ako sa isip ko eh! Nakakadiri dude!

Naglalakad ako nang bigla akong may nakasalubong na babaeng parang modelo. Hinarangan niya ako.

What is it now?! Si Celestine ang kailangan ko, hindi kayo!

"Tulungan mo sila" hinihingal na sabi niya sabay turo sa comfort room na parang may nagkakagulo.

Bumilis ang pintig ng puso ko. Anong nangyari?

Tumakbo ako palapit sa cr. Bawat pagtakbo ko ay siya namang pagkabog ng dibdib ko.

Parang dinaganan ng sobrang bigat na bagay ang dibdib ko. Ang sakit sa dibdib. Si Celestine! Nakahiga sa sahig at nagdudugo ang ulo. Nakamulat pa siya. Nanghihina ako. Nanginginig ako sa takot kung anong pwedeng mangyari kay Celestine at galit sa may gumawa nito. Kinuyom ko ang kamao ko.

Napatingin ako sa mga babaeng gulo gulo ang buhok at suot. Sigurado akong sila ang may kasalanan nito!

Nakita ko 'yung kaibigan ni Celestine na umiiyak at pilit na tinatawag ang pangalan niya. Lumapit ako sa kanya at dun siya pumikit at nawalan ng malay. Tinapik ko ang pisngi niya.

"Celestine!"

Binuhat ko siya. Nakita ko ang takot sa mata ng mga babae nung nakita nilang galit ako. Nanginig sila.

"You will pay for this!" galit kong sabi.

"Hindi namin sinasad--" hindi ko sila pinakinggan. Nakita ko 'yung Leo na nasa labas ng cr at nakatingin sa amin.

"Do me a favor. Bring them in principal's office and wait for me!" utos ko at tumango naman siya.

Tumakbo ako palabas ng school at nakita kong nakasunod ang kaibigan ni Celestine. Malapit lang ang hospital sa school kaya tinakbo na lang namin.

The More You Hate, The More You LoveWhere stories live. Discover now