Chapter 7

149 10 0
                                    

"PAPATAYIN MO BA AKO!" sigaw ko pagkababa nung may ari ng kotse.

"Sorry miss, hindi ko sinasadya! Okay ka lang ba?"

"Hindi sinasadya?! Na ano? Na hindi tumingin sa kalsada habang nagdadrive?! At anong sabi mo? Okay lang ako?! Matapos mo akong muntik na mabangga?!" galit na sabi ko. Hindi pa ako handa e!

"Sorry talaga miss! May problema lang talaga ako kaya nawala ako sa sarili ko." paliwanag niya.

"Bakit?! Nung may problema ba ako nandamay ba ako ng ibang tao?! Hindi naman e!" galit na sabi ko. Naiinis na talaga ako dito sa lalaking to ah.

"Pfft... uhm, sorry talaga miss, pero napapansin ko na parang sobrang init ng ulo mo kahit medyo malayo pa yung kotse sayo" aba! Talagang pinagtatawanan pa ako nito.

"Anong nakakatawa dun?! Malapit na kaya sa--" naputol ang sasabihin ko dahil may sumigaw sa amin.

"Excuse me ho!! Kung may LQ kayo wag dito! Nagmamadali ako kaya pwede ba, wag kayong paharang harang diyan!" sigaw nung kasunod na kotse ng lalaking muntik na makabangga sa akin.

"Excuse me rin po, maluwag pa po ang kalsada at wala kaming LQ!!" umirap pa ako habang sinasagot siya. Umalis na ang kotse na nagrereklamo sa amin.

"Bakit ba ang iinit ng ulo ng mga tao ngayon?" bulong ng lalaking kasama ko.

"Miss, saan ka ba pupunta at nagmamadali ka?" tanong niya.

"Hindi mo ba nakikitang naka uniform ako?" sarcastic na tanong ko.

"Ah so, late ka na. Sabay ka na lang sakin miss, tutal dun din naman ang punta ko e" ngayon ko lang napansin na parehas pala kami ng uniform.

"Sige." tipid kong sabi. Kailangan ko rin naman e, para makaabot ako.

"Let's go" nakangiting sabi ng lalaki. Weird ang pakiramdam ko sa kanya.

Pumasok na kami sa kotse at nagsimula na siyang mag drive. Tumingin lang ako sa labas ng bintana.

"Kanina lang sumisigaw, ngayon naman ang tahimik." bulong niya sa sarili niya pero narinig ko pa rin. Umirap na lang ako at hindi siya pinansin.

"Miss, bakit ka tumatakbo kanina? Base sa itsura mo, mukha ka naman mayaman kaya imposibleng wala kang kotse." weh, ganun yun. Nagsasalita siya habang nakatingin sa kalsada.

"Wala kang pakialam." sagot ko.

"Ay mean, okay by the way I'm Leo" nakangiting sabi niya. Tinitigan ko siya at sinusuri ko siya. Maputi siya, kulay brown ang buhok. May itsura siya pero nagmumukha siyang gay dahil sa buhok at kulay niya. Kung iisipin mukha siyang koreano.

"Ehem!" nag fake siyang ubo dahilan upang umiwas ako ng tingin. This time, nakatingin na siya sa salamin.

"Dito na tayo" sabi niya. Hindi ko napansin na nandito na kami sa parking lot. Mabilis akong bumaba.

"Thanks" nagsimula na akong maglakad.

"Wait!" habol ni Leo.

"What?!" inis na sabi ko.

"Sabay tayo"

"Why?! Kaya mo na yan!" may paa naman siya at may mata.

"Eh k-kasi bago lang ako dito" kamot-ulong sabi niya.

"Problema mo na yun"

"Please, maawa ka na sa akin. Baka maligaw ako" pagmamakaawa niya. Napairap na lang ako.

"Oo na! Bilis!" binilisan ko ang aking lakad at nakisabay naman siya.

"Section 3 ako" okay, malapit lang naman pala sa classroom ko e.

The More You Hate, The More You LoveWhere stories live. Discover now