Chapter 9

161 10 0
                                    

"Sam" tawag ko sa kaibigan ko.

"Why?" sabay flip ng hair.

"Ang daming tao" sabi ko

"Nakikita ko teh, saka lunch ngayon kaya there are so many people here, okiee?" sabi niya na pinapaarte ang boses. Napairap na lang ako.

"Ayoko dito" sabi ko. Kaya napatigil kami sa paglalakad dahil nasa entrance na kami ng canteen.

"Oo nga, ayoko din dito. Masyadong naeexpose ang gwapong mukha ko. Diba Cestine?" habang umaarte pa na tinatakpan ang kanyang mukha. Sino pa ba? Edi si Jasonyabang. Napairap na lang ako.

"Ayoko din dito, maraming girls" hininaan niya yung sinabi niya sa huli pero sapat na para marinig namin.

"Eh ano naman?" sabat ni Sam na nakangiti at nakatitig kay Leo.

"A-ah kasi baka pagkaguluhan lang nila ako" sabi naman ni Leo. Jusmiyo, pareho pala silang mahangin.

"Yabang" bulong ni Jason na seryoso ang mukha.

"Anong sabi mo?" mahinang tanong ni Leo na lumalapit kay Jason.

"Ang sabi ko, gutom na ako" sabi ni Jason. hayy nauubos ang oras namin sa pagchichismisan. Inunahan ko na silang maglakad. Lumiko ako at deretsong naglalakad patungong cafeteria.

"Wait!" sabay na sigaw nila Jason at Leo.

"Teh!" sigaw naman ni Sam. Naririnig ko ang mga yabag ng paa nilang papalapit sa akin. Tumabi sa akin si Jason. Nasa likod ko naman sila Sam at Leo.

"Sino ba yung lalaking yun?" inis na tanong ni Jason na nagpakunot ng noo ko. Baka si Leo yung tinutukoy niya.

"Bakit? Interesado ka sa kanya?" tanong ko habang naglalakad at hindi tumitingin sa kanya.

"Naging dalawa pa tuloy ang kaagaw ko. Hayy, ang hirap naman kapag maganda ang mahal ko. Tsk." bulong ng bulong yung katabi ko pero wala akong naintindihan.

"Ano bang sinasabi mo dyan ha?!" inis na tanong ko sa kanya dahil malapit na kami sa cafeteria at maingay kaya hindi kami nagkakaintindihan.

"Wala wala" sagot naman niya at inirapan ko siya. Nakarating na kami sa cafeteria at agad akong naghanap ng upuan para makakain na kami.

Nadapo ang aking mga mata kay Laurence na nakaupo at may.... kasamang ibang babae.

Si Shane yun diba? Nasasaktan ako without knowing kung ano ang connection nila sa isa't isa. Pero malakas talaga ang pakiramdam ko n---

"Cestine, tara doon" singit ni Jason at tinuturo ang bakanteng upuan na nasa tapat lang nila Laurence. Tiningnan ko si Jason na nakatingin sa akin ng seryoso. Bakit siya lang yung kasama ko? Nasaan sila?

"Sila ang umoorder ng pagkain natin. Hindi ka naman mapili sa pagkain kaya yung kaibigan mo ang oorder para sa'yo"  mind reader ba 'to?

"K" tipid kong sagot. Umuna na ako sa pwestong itinuro ni Jason. Malapit na ako nang biglang sumulpot si Jason sa tabi ko at inunahan ako. Problema niya? Mabagal ba akong maglakad?

Hinila niya ang upuan pero.. nakatayo pa rin siya sa tabi ng upuan na hinila niya. Habang ako naman ay nasa gilid niya. Hinawakan niya ako sa balikat at.. marahang hinigit paupo sa hinila niyang upuan. Ah kaya pala hindi siya umupo, hinihintay niya ako? Nagiging gentleman ah.

"Ang tagal mo kasi kaya ko ginawa ko yun" seryosong sabi niya at iniiwas ang tingin sa akin. At ako pa ang matagal?! Inirapan ko na lang siya. Akala ko naman gentleman.

Naiilang ako kasi malapit sa amin sila Laurence at ramdam kong nakatingin siya sa amin. Maya-maya ay dumating na sila Sam at Leo na may dalang pagkain. Umupo na sila sa upuan niya.                                        

The More You Hate, The More You LoveWhere stories live. Discover now