Chapter 14

132 5 0
                                    

"Tine? Gising!"

Napabalikwas ako ng higa dahil sa sigaw ng isang babae. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Nahagip ng mata ko ang nasa gilid. Si ate pala. Nag-aalala siya.

"Bakit?" tanong ko.

"You're crying and also shouting. Narinig kita pagkarating ko. Okay ka lang ba?" huh? Hinawakan ko ang mukha ko at tama nga siya. Basa ang mukha ko at mahapdi ang mata ko.

Wala sa sariling tumango ako. Natulala ako. Ano bang nangyari?

"Sige, tawagin mo ako sa baba kung may kailangan ka ha? Bumaba ka agad may pagkain na dun"

Tumango ulit ako at nakita kong nagtataka sa akin si ate.

Pagkaalis niya ay napabuntong hininga ako. Bakit? Bakit ako umiyak kanina?

Pumikit ako at pilit na inalala ang nangyari. Nanaginip ako. Ano nga ulit yun?

"Hay" buntong hininga ko. Anong nangyayari sa akin? Kagabi naman masaya ako. Pero ngayon, parang nawala na ang saya ko. Parang sobrang lungkot. Wala na ako sa mood.

Pangalawang beses na ba? O pangatlo? Na umiyak ako dahil sa panaginip.

Nanlalambot akong tumayo at nagsimulang maglinis ng katawan.

~

"Tine? Okay ka na ba?" bungad sa akin ni ate pagkababa ko ng hagdan. Tumango ako at pilit na ngumiti.

"Gusto mo bang mamasyal. O kain tayo sa labas? Para naman mawala ang stress mo sa school at makapagsaya. Matagal na din tayong hindi nagbobonding" suhestiyon ni ate.

"A-ah kasi ano...." ano nga bang sasabihin ko? Wala naman akong gagawin para tumanggi. Kaso wala ako sa mood at parang ang lungkot. Hayy..

"Sige, magbibihis lang ako" umakyat ulit ako para makapag-ayos.

~

"Tine, let's go?" tumango ako at sumunod sa kanya.

Ang suot ko ngayon ay isang simpleng pink dress. Na tinernuhan ng flat white rubber shoes. Wala sana akong balak magdress eh. Kaso, nakita kong parang hindi bagay kung pantalon ang isusuot ko gayong nakadress din si ate.

Hinayaan kong nakabuhayhay ang medyo mahaba kong buhok para matakpan ang balikat ko.

"Ganyan na lang lagi ang ayos mo. Ang ganda mo... just like me" tumawa si ate sa sinabi niya. Pinilit kong ngumiti para sabayan siya.

Hindi kami masyado close ni ate. Dahil laging umaalis siya at may inaasikaso. Nung bata pa kami ay.... alam niyo na.
Iniisip ko nga minsang favorite na anak nila mom at dad si ate. Lagi kasi silang may time sa kanya kaysa sa akin.

Maya-maya ay nakarating na kami sa restaurant. Mukhang pangsosyal ang lugar na ito. At parang mayayaman lang ang kumakain dito. Hindi ako familiar sa mga restaurant na gaya nito. Dahil hindi ito ang tipo ko. Kakain lang naman bakit sa mamahalin pa 'di ba?

Naglakad na kami papasok sa restaurant. Bulungan lamang at tunog ng kubyertos ang nakikinig. Syempre, mayayaman ang nandito, kaya ganito ang kilos.

Umupo ako sa upuan na malapit sa may pintuan. Lumapit sa amin ang waiter at tinanong ang order namin.

"Tine, what's yours?" ate asked.

"Anything" tumango siya at may sinabi sa waiter. Hindi ko na ito narinig dahil inilibot ko ang tingin sa loob ng restaurant.

Nahagip ng mata ko ang dalawang lalaking nasa dulo ng restaurant pero kita ko pa rin dahil maunti ang tao dito.

Brown ang buhok ng lalaking nakaharap sa direksyon namin. Maputi siya at bahagyang nakayuko kaya hindi kita ang mukha niya. Unti-unti niyang itinaas ang kamay niya at hinawakan ang kamay ng lalaking nasa harapan niya. Kiniss niya ang likod ng kamay nito.

The More You Hate, The More You LoveWhere stories live. Discover now