Chapter 22

101 4 0
                                    

"Nakakainis ka talaga! Lagi mo na lang akong inaasar!" naiiyak na sabi ng batang babae.

"Hindi kita inaasar, pinapangiti lang kita. Sungit mo kasi.." tumawa ang batang lalaki.

"Aha! Talaga ba?! Sige ha awayin mo lang ako! Isusumbong kita kay Tommy! Lagi mo na lang akong pinapaiyak at inaasar--"

Natigil ang batang babae nang biglang hinalikan ng batang lalaki ang babae.

"H-how dare you?! Waaaaaa! Isusumbong talaga kita kay Tommy huhu... why did you kiss me?!"

"Kasi isusumbong mo 'ko kay Tommy, nagagalit ako.."

"Kung nagagalit ka, bakit kailangan mo 'kong halikan?! That's my first kiss!"

"Same sweetheart.."

--

"Uy teh! Anyare sa'yo? Zombie ang peg?" bulong sa'kin ni Leo. Hindi ako sumagot at nanatiling nakapikit.

"Eto oh, coffee.." sinamahan niya kasi ako sa cafeteria. Kinuha ko ito at agad na ininom.

"Ouch ah" napaso ang dila ko dahil sa mainit na kape.

"Kape 'yan teh, syempre mainit.. ano ba kasing nangyari? Ang laki ng eyebags mo oh.." ani Leo.

Nakasalubong ko siya kaninang umaga. Maaga akong pumasok dahil hindi ako makatulog. Maaga din si Leo. I looked like a walking zombie daw! Kaya dinala niya ako dito upang magising.

"H-hindi ako makatulog, sinabayan pa ng super weird dream ko..." pumikit ako at hinilot ang sintido. "Hindi ko alam kung panaginip ba 'yun o.. nag-iimagine lang ako.." At isa ding dahilan si Jason kung bakit ako hindi makatulog. Gosh! Apektado ako sa kanya? His damn kiss!

"Tulog at kape lang ang katapat niyan, go drink. Bago pa magtime.." tumango ako at uminom ng kape. Medyo nagising naman ako pero inaantok pa din ako.

"Gusto mo bang dalhin muna kita sa clinic?" umiling ako.

"Sige teh, una na 'ko? May klase pa ako. Ikaw ba?" tanong ni Leo.

"Sunod na lang ako. Thanks.." mahina kong tugon.

Pangalawa kong kape ito. Nakapalumbaba ako at papikit-pikit. Nagising ulit ako nang may biglang tumawag.

"Hm"

[Tine! Papasok ka ba? Nasaan ka?]

"Uh oo, eto na. Bye.."

--

"Ang Ikalawang digmaan ay naganap bla bla bla bla..."

Nagdi-discuss ang aming AP Teacher. And it's so duper boring, sabayan pa nung nakakaantok na boses ng guro namin. Pangatlong klase na namin at dito na ako tinatamaan ng pagkaantok na pilit kong pinipigilan. Tinapik ko ang pisngi ko para magising.

"Cestine.. are you sleepy?" tanong ni Jason na nasa likod ko. Yeah and it's your fault!

At oo! Kaklase ko ulit siya! Dalawang klase lang yata ang hindi kami magkaklase. Hindi ko siya sinagot. Nakapalumbaba ako at papikit-pikit. Nakaharang ang libro sa mukha ko.

"Ma'am, excuse.." narinig ko ang boses niya.

"Yes, Mr. Villanueva?" tugon ni Ma'am.

"Celestine is not feeling well." nagulat ako sa sinabi ni Jason.

"Ako na ang sasama sa kanya sa clinic.." inunahan niya ang guro namin. Tingnan mo 'to! Walang galang sa teacher, tsk..

"Sure Mr. Villanueva.." narinig ko ang impit na tili ng ibang babae. Masama ang tingin sa'kin ng iba.

The More You Hate, The More You LoveWhere stories live. Discover now