Bike?
Nagising ako nang dahil na naman sa panaginip. Para saan ba ang mga 'yon?
Weird. Nung marunong akong magbike ay hindi ko pinansin. Pero ngayong napanaginipan ko ito, lalo akong nakaramdam ng pagtataka.
Nag-ayos na ako para sa school. Monday ngayon, simula ng panibagong klase.
Naayos na ang kotse ko kaya pwede na ulit akong makarating sa school ng walang sumusundo. Lalo na 'yung Jason na 'yun!
"Manong, let's go" sabi ko kay Mang Lando.
"Okay, ma'am"
Pumasok na ako ng kotse at tumingin sa labas ng bintana. Nililibang ko ang sarili ko sa mga tanawin. Napatingin ako sa likod ng kotse dahil parang may kakaiba akong nararamdaman.
Nakita kong may kasunod kaming kotse. Nung una hindi ko ito pinansin, pero may napapansin akong kakaiba. Malawak ang daanan kaya pwedeng magovertake siya sa amin. Mabilis ang pagpapatakbo ng kotse ni Mang Lando.
"Pakibagalan Manong" binagalan niya ito. Tumingin ako sa likod at nakita kong bumagal din ang kotse niya! Confirm! Sinusundan niya kami. Pero bakit?!
"May problema po ba, ma'am?" napatingin ako sa kanya at agad na umiling.
"Pakibilisan na b-baka malate ako"
Pagtingin ko ay bumilis ulit ang takbo ng kotse namin pati na rin ang kotseng sumusunod sa amin.
Familiar ang kotseng iyon. Nalimutan ko lang kung kanino ito.
Maya-maya ay nakarating na kami sa parking lot ng school. Pagkababang pagkababa ko pa lang ay binilisan ko ang lakad ko.
Naramdaman kong nakababa na ang sumusunod sa amin. At nakasunod siya sa akin.
The heck! Hindi ko mapigilang kabahan kahit nasa teritoryo kami ng school namin. Lalo kong binilisan ang lakad at ramdam kong binilisan niya rin ang lakad niya.
Baka holdaper siya? O kidnapper? Naku! 'Wag naman sana. O b-baka rapist?!! What the-- ano bang iniisip ko?!
Hinawakan niya ang balikat ko kaya napatalon ang sa gulat.
"Rape!!" napasigaw ako. Tinakpan niya ang bibig ko at napapikit ako ng mata dahil sa takot.
Binitawan na niya ang bibig ko. Natatakot ako!
"'Wag po, pakawalan niyo na po ako." nakayuko at nanginginig kong pagmamakaawa.
"Pfft, what are you saying?!" tanong niya at napatawa. Mabilis akong napaangat ng tingin at napamulat dahil kilala ko ang boses niya.
"Ikaw lang pala! Tinakot ko ako!" umirap ako sa kaniya.
"Ang sama mo talaga sa akin. Pinagkamalan mo pa akong rapist" malungkot niyang sabi.
"Teka nga, bakit mo ako sinusundan, Jason?!" inis kong tanong.
"Susunduin sana kita kaso nakapasok ka na sa kotse mo kaya sinundan na lang kita"
"Whatever!" inirapan ko siya at tinalikuran.
"Wait! Ganyan ka lagi sa akin! Lagi mo akong sinusungitan." nakangusong sabi niya. Napaharap ako sa kaniya.
"Anong gusto mo? Matuwa ako dahil natakot ako sa pagsunod sunod mong 'yan? Tss."
"Oo, sinong hindi matutuwa eh ang gwapo ba naman ng sumusunod sa 'yo?" napairap na lang ako.
"Yabang! Kapal!" sigaw ko. Hinawakan niya ang dibdib niya na parang nasasaktan
"Ouch! Hindi ba ako gwapo sa paningin mo?" umirap na lang ako ay tinalikuran ulit siya.
YOU ARE READING
The More You Hate, The More You Love
Подростковая литератураIs it possible to fall inlove with a person you hate?