Alam ko kung kaninong kotse yun kaya dali-dali akong tumakbo papasok ng mansion. Buti na lang hindi nila ako nakita. Nakita ko si Yaya Sanya pababa ng hagdan at nakapagpalit na.
"Yaya! Please pakisabi sa darating na tulog na ako."
"Bakit? Sino bang--?"
"Please yaya" at tumakbo na ako paakyat ng hagdan.
Pagkapasok ko sa aking kwarto ay nilock ko ito kaagad. Hinihingal ako dahil ikaw ba naman, takbuhin itong mansion. Buti na lang hindi ako nadulas. Pumunta ako sa gilid ng kwarto ko kung saan nakalagay ang mini ref ko. Kumuha ako ng malamig na tubig at ininom ko ito.
Even if I missed them. Magkukulong muna ako. Dahil nahihiya ako sa kanila.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot kong kama. Pumikit ako at pinahinga ang isip ko..
Matapos ang ilang minuto ay inimulat ko ang aking mga mata at tumayo. Pumasok ako sa loob ng cr. Nilinis ko ang katawan ko at nag toothbrush. Nang guminhawa na ang pakiramdam ko ay lumabas ako at tumalon sa kama. Kumuha ako ng isang unan at niyakap ko ito.
"Good night self." at pumikit na ako. Dala na siguro ng pagod at antok kaya mabilis akong nakatulog.
--
Naglalakad ang isang batang babae sa gilid ng kalsada at umiiyak. Tumigil sa gilid ng kalsada ang isang kotse at may bumabang isang batang lalaking may kasamang yaya.
"Why are you crying?" tanong ng batang lalaki.
"My d-dad is mad at m-me huhuhu.." sagot ng babae
"Shh, don't cry" pagpapatahan ng lalaki.
"He also shouted at me"
"Yaya, I think we should bring her in our house. It's danger here." sabi ng lalaki
"Okay, let's go" nakangiting sabi ng yaya. Inalalayan ng lalaki ang batang babae papasok ng kotse.
"What's your name?" tanong ng lalaki
"Ann" sumisinghot pa na sabi ng babae
"Here, tissue" abot ng lalaki. Kinuha naman ng babae ang tissue at suminga doon. Tumawa ang lalaki.
"Why are you laughing?" tanong ng babae na nakakunot ang noo
"Nothing" nakangiting sabi ng lalaki
"Anyway, what's your full name? Para mahanap natin parents mo." sabi ng lalaki
"Ce-cestine? Ann S-santiago"
"What? Cestine Ann Santiago?"
"Uhm, no, I'm not sure, my first name is not easy to say, it sounds like cestine but not. Basta! It's hard" paliwanag ng babae. Tumawa naman ang lalaki.
"You're funny" sabi ng lalaki
"I'm not a clown" umirap ang batang babae
"Haha, it's not what I mean" sabi ng lalaki. Umirap ang babae.
"Bata ka pa lang marunong ka na magsungit"
"Bakit? Matanda lang ba ang pwede?"
"Hay, ang hirap mong kausap haha" tawa ng lalaki
"Then, don't talk to me" tumingin ang babae sa lalaki. Malungkot ang mukha ng lalaki.
"Joke" sabay peace ng babae. Habang nasa unahan ang yaya ng lalaki ay nakikinig lang siya sa pag uusap ng dalawa. Natatawa na lang siya sa nakikinig niya.

YOU ARE READING
The More You Hate, The More You Love
Teen FictionIs it possible to fall inlove with a person you hate?