Chapter 20

109 4 0
                                    

"Should I bring you to the mental hospital?" napangiwi ako sa'king sariling tanong.

"Pfft.. seriously, Cestine?" umiling siya at biglang humalakhak.

"Ewan ko sa'yo! Kung ano-anong sinasabi mo!" inis akong naglakad patungo sa next subject. Kaklase ko pa din si Jason dito. Tss, sana ay hindi. Buti na lamang ay hindi agad dumating ang aming guro dahil may inasikaso kaya nalate.

"Makinig ka ha.." inirapan ko siya sa kanyang pang-aasar.

"Oo na, tss.." nasa likod ko siya nakaupo.

"Sungit, ganda pa naman.." I heard him chuckles. Uminit ang pisngi ko. Bahagyang lumingon ang mga kaklase namin na malapit. Nakinig nila! Nakakahiya!

"Jason!" may pagbabanta kong sabi.

"Eto na nga, tatahimik na po.." umirap ako.

Buti naman at dumating na ang guro namin na medyo may katandaan na at halata sa mukha ang katarayan.

Nga pala! Nalaman ko na ang resulta ng quiz na sinagutan ni Jason! Nakakagulat pero.. perfect kami pareho! Hindi ako makapaniwala.. matalino pala ang lalaking yon.

Nasa kalagitnaan pa lang ng klase ay may naramdaman ako. Tumingin ako sa bintana at nakita ko sa salamin na pinaglalaruan ni Jason 'yung buhok ko. Iniikot-ikot niya at nakapalumbaba pa siya. Hindi ba siya aware na may guro sa unahan? Tss, bahala nga siya diyan. Hindi ko na lang siya papansinin.

"Hm, Mr. Villanueva." matigas na sabi ng aming guro habang inaayos ang kanyang salamin. Tumayo si Jason.

"Yes, Ma'am?"

"What are you doing?" tipid na sumulyap sa'kin si Ma'am. Narinig ko ang mahinang tawa ng mga kaklaseng malapit sa'min. Siguro nakita nila ang ginagawa ni Jason!

"I'm taking down notes, Ma'am." mayabang na sagot niya. Tss, he lied.

"Oh.. okay. Sit down."

Ipinagpatuloy ng aming guro ang kanyang itinuturo. Nilalaro pa din ni Jason ang buhok ko ngunit nakatingin na siya ngayon sa unahan. Matapos ang oras ng aming klase ay nagsitayuan na ang mga kaklase ko upang pumunta sa sunod na klase.

"Taking down notes huh?" pang-aasar ko sa kanya. Ngumuso siya at biglang nagsalita.

"Ang bango ng buhok mo eh. What's your shampoo?"

"What the hell, Jason?" narinig kong tumawa ang mga kaklase namin na nasa silid pa din.

"Tine! Let's go.." nasa labas na pala si Sam. Kaklase ko siya sa next subject, siguro ay sasabay. "Oh, hi Jason.." makahulugang bati niya kay Jason na tumango lamang sa kanya. Hindi ko na hinintay si Jason na magsalita at lumapit na kay Sam. Nakalayo na kami at impit akong tumili.

"Wow? Kinikilig pala ang masungit kong kaibigan?" nang-aasar na naman siya! "What's the chismis?" ngumisi siya.

"My crush... confessed to me! Gusto din daw niya ako, Sam!" kinikilig kong kwento. Nanlaki ang mata niya.

"You mean.. Laurence? The hearthrob?! Your long time crush?" mabilis akong tumango.

"Oh edi ako na ang hindi gusto ng gusto ko.." Sam pouted. Mukhang nagtatampo.

"Sino? Ang dami mo namang gusto eh.." tumawa siya sa sinabi ko.

"Oo nga pala, hay buhay.." ngumisi siya sa'kin. "Pero sis! Congrats! Sa wakas! Sa ilang taon mong pagpapantasya kay--" bigla kong tinakpan ang madaldal niyang bibig.

"Shh, so noisy.." lumingon pa ako sa paligid ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil wala naman yatang nakarinig. Hinigit ko na ang kaibigan ko sa sunod na klase dahil baka malate na kami.

The More You Hate, The More You LoveWhere stories live. Discover now