It's Saturday Morning. And, yes! Ngayon 'yung group date daw namin.
Ang hindi ko lang maintindihan e, bakit ang aga kong nagising? Hindi naman ako ganito e. Lalo na ngayong walang pasok, mas late pa ako sa late. Pero... hindi e. Baka sabihin niyo excited ako ha. Kasi hindi ako excited!
Time check: 5:40 am
Oh 'di ba? Ang aga ko. Eh, 10:00 am pa naman yung usapan.
Kanina pa talaga akong nakatunganga habang nakaupo sa kama ko. Hindi talaga ako makatulog kahit anong gawin ko. Ilang beses na akong nagbilang ng tupa, kambing, aso, pusa, kung ano-ano na! Naligo na nga ako e.
Gutom na rin ako, kasi hindi ako kumain kagabi. Baka kasi makasabay ko sila. Tinanong pa nga ako ni ate kung nakakain na daw ako. Syempre, ang sabi ko ay 'oo'
Lumabas na ako ng kwarto ko. At nadatnan ko si ate na palabas na rin sa kwarto niya.
Katabi kasi ng kwarto ko ang guest room, katabi naman ay ang kay ate tapos, katapat niya yung kina mom at dad. Ako ang nagrequest na dito ako sa dulo.
"Morning Ann!" masiglang bati niya sa akin.
"Stop calling me Ann" kunot noo kong sabi kaya nagpout siya.
"Let's eat!" saka umakbay sa akin at isinabay akong bumaba sa hagdan. Psh! Wala akong magawa! I knew what's next. Bakit ko ba nakalimutang ganitong oras sila kumakain?
Nagbobow ang mga maids namin habang kami ay papuntang... dining area.
"Good morning, kids" bati ni mom habang si dad naman ay umiinom ng kape habang nagbabasa ng newspaper.
"I'm not a kid" bulong ko kaya mahinang napatawa si ate.
Umupo na kami ni ate at magkatabi kami. Nasa harap namin si mom at si dad naman ang nasa gitna. Mahaba kasi ang table kaya marami pang chairs na vacant.
"Celestine" tawag sa akin ni dad na seryoso ang boses.
"I heard you're late on your first day" seryosong sabi ni dad kaya napatungo ako at tumango. Sana hindi alam ni dad na nadetention din ako. Please!
"It could affect your grade" singit naman ni mom. Hay, I knew it. Grades ko pa rin talaga.
"Just make sure na hindi bababa ang grades mo" seryoso pa ring sabi ni dad.
"Yes, dad" I said.
"Manang, pakidala na po nung foods" utos ni mom kay Manang Sonya, nanay siya ni Yaya Sanya.
Maya-maya ay dumating na ang mga pagkain. Tahimik lang kaming kumakain. Tanging tunog lang ng pinggan at kutsara't tinidor ang aking naririnig.
Matagal tagal na rin nung huli kaming nagkasama-samang kumain. Lagi kasing hindi kami nagkakatagpo. Si dad ay laging nasa office niya. Minsan naman ay nag-oout of town sila ni mom dahil sa business namin. Si ate naman ay hindi na nags-study at may sariling business din.
"Celena, how's your shop?" biglang tanong ni dad.
"It's fine, dad"
"Good" tipid na sagot ni dad.
"Celena, we should check again your shop" sabi ni mom.
"Okay, mom" she replied.
"Celestine, gayahin mo si Celena. Nakapagpatayo siya ng sariling business niya" nakangiting sabi ni mom.
"Dahil nakikinig siya sa amin" singit ni dad.
"She always listen to us. I hope, you too" mom said

YOU ARE READING
The More You Hate, The More You Love
Teen FictionIs it possible to fall inlove with a person you hate?