"Eli! Tingin dito!"
Tumawa ako habang hinaharang ang palad sa tapat ng camera na hawak niya.
"Tama na kasi, ang dami na niyan kanina mo pa ako kinukuhaan ng picture."
Ngumuso siya sa harap ko, "Eli naman, memories to eh."
"Pwede naman bukas ulit, mapupuno na yang memory card mo puro mukha ko ang nandyan."
Ngumiti siya sakin at tumigil na. Tumabi siya sakin sa bench na inuupuan ko at nilagay ang dalawang braso sa sandalan nito, na para bang inaangkin niya ang pag mamay-ari niya.
Nag focus nako ulit sa binabasa kong libro. Ang gulo kasi nitong kasama ko, ang ganda ganda na ng chapter na binabasa ko eh.
"Gusto ko lang maalala ang bawat moments na meron tayo. Para hindi kita makalimutan."
"Hindi mo to makakalimutan, paulit ulit ko tong ipapaalala sayo kung gusto mo."
Lumingon siya sakin at ngumiti, "ang swerte ng sunod na mamahalin mo."
Napadilat ako.
There is it again.
My dreams.
About him.
Nakatitig lang ako sa kisame at napansin ang sinag ng araw dito. Umaga na pala.
Lumingon ako sa orasan na nasa gilid ko.
8:00 am
Napabuntong hininga ako bago bumangon. Napansin kong basa ang unan na gamit ko kaya kinapa ko ang mukha ko. I cried again last night.
Hindi ko to pinansin at dumiretso na sa kusina para makapag almusal.
2 years na akong nakatira mag-isa kasi... gusto ko lang. Wala rin naman nagawa ang parents ko nung nagdecide ako na tumira mag-isa. Palagi rin naman sila wala sa bahay.
Simple lang ang apartment na tinutuluyan ko, sakto lang para sa isang tao. Masyado pa nga ako nalalakihan, wala rin naman akong masyadong gamit pero eto ang kinuha para sakin ng parents ko kaya wala na rin akong nagawa.
Saturday ngayon, kailangan ko magpunta sa company ng parents ko para asikasuhin ang papers ko for summer job. Nalaman nilang nagpasa ako ng resumé sa ibang company, kaya pinatawag nila ako agad.
Ayokong doon pumasok, ayokong pagdudahan ng mga tao ang kakayahan ko. I am planning to take Architecture in college, may architecture firm ang parents ko. My mother is an Architect, while my dad is an Engineer. Gusto ko rin naman ang Architecture, kaya walang problema kahit sabihin nilang ako ang mag-mamana ng kumpanya namin.
11:00 am
It's 11 o' clock and I'm ready to go. My mom told me to wear something formal, so I wore my black, short-sleeve body con dress. This is the most formal cloth I have here in my apartment, bukod sa mga uniforms ko sa school. Hindi ako mahilig mag-ayos, pero for the sake of this 'interview', naglagay ako ng light make up.
I was going to open my Grab app but a 2 consecutive horn from a vehicle somewhere interrupt me. Pinasundo pa nila ako?
Napailing na lang habang chinecheck ang mga bintana sa apartment ko bago lumabas.
I saw a familiar white BMW and a familiar face in front of my apartment.
"Good morning, Miss Eloise." Napabuntong hininga agad ako.
Tumango ako, "Eli na lang po."
Tinignan ako ni Kuya Ramon saglit bago tumango.
"Pinadala po ako ng Papa niyo para sunduin kayo." Obviously. Hindi ako kumibo. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya agad na akong pumasok.
